Chapter 1: First Day of School

240 15 0
                                    

Ashlyn's POV

***

"Ashlyn! Gising na! Mahuhuli ka na sa school!" narinig ko na sigaw ni mama sa baba.

"Pababa na po!" sigaw ko rin pabalik.

I am Ashlyn Courtney Willows. 5' 3" (I know I'm short. Get over it). 15 years old. I have a long black hair, normal-size eyes, light skin, small nose and lips.

Dumeretsyo muna ako sa banyo tsaka naligo at nagbihis bago pumunta sa kusina.

"Good morning!" bati ko sa kanila.

"May pa-good morning ka pang nalalaman ate, kumain ka na!" pagsira ni Vanessa ng mood ko.

Vanessa Keith Willows. 10 years old. Younger sister ko. Super competitive and talkative. Unlike me, her hair isn't that long. Her hair is shoulder-length, mana siya kay papa kaya morena, she's about 4" 7".

Avoid being convinced na "Ms. Goody Good Shoes" si Vanessa. Believe me, hindi yan totoo. Well...maybe 75%.

Natapos ang breakfast sa pagpapalitan naming magkapatid ng "death glares".

Papalabas na kami ng bahay nang tawagin ni mama si Vanessa...

"Vanessa! Hintayin mo yung baon mo!" paalala ni mama sa kanya.

"Ate Tess handa na ba?" tanong ni mama kay ate Tess. Hindi namin kapatid si ate Tess. Teresa ang buong pangalan niya. Siya ang kasambahay namin. Hindi naman kasi siya ganon katanda kaya ayaw namin siyang tawaging "manang".

Pag-abot ni mama ng baon kay Vanessa, tumakbo ang magaling kong kapatid sa likod ko...

"Ma! Di ba ako pwedeng magbaon nalang ng pera gaya ni ate? Pera naman ang baon ko dati ah" pagmamaktol niya.

"Nakalimutan mo na ba nung nawala mo yung binigay ko sayong 500?" depensa naman ni mama.

Walang nagawa si Vanessa kaya kinuha nalang niya yung binigay na baon sa kanya.

"Sige po ma, alis na kami!" paalam ko kay mama.

Magko-commute kami ngayon. Nasira kasi yung kotse kaya pinaayos muna ni mama. Kung nagtataka kayo kung bakit si mama ang magpapaayos, nasa ibang bansa si papa.

Nag-abang muna kami ng tricycle at swerte, nakakuha agad.

Unang hinatid si Vanessa sa Star Academy. Nagniningning masyado ang pangalan. Grade 5 student si Vanessa dito. Dito rin ako nag-aral noong elementary. Dito na ako nag-graduate.

Sumunod na akong hinatid sa Evanston High. 4th year/ grade 10 student ako.

It's the first day of school! Pero kung last year excited ako, this year, hindi masyado. Paano ka naman ma-e-excite kung kilala mo naman na mga kaklase mo! Pero siyempre gusto ko rin naman sila e.

First day at pagod agad akong umakyat ng hagdan. Hindi pa nag-uumpisa ang klase, pagod na agad!

Nakita ko agad ang mga kaklase ko kaya pumunta na kami sa room na papasukan namin ngayong taon.

(Ring!)

Pag-ring ng buzzer, dumeretsyo na kami sa quadrangle. Pagdating namin do'n, andaming unfamiliar faces. For short, andaming transferees.

Wala pang teacher sa stage kaya humiwalay muna ako sa mga kaklase ko at pumunta ako kung saan nakapwesto ang mga barkada ko.  Okay lang naman sa mga kaklase ko eh, naiintindihan naman nila.

Saklap diba? Yung di mo kaklase ang mga kaibigan mo mula pagkabata? Pero ok lang, at least I have two sets of friends; classmates and childhood friends.

When Past takes over PresentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon