Chapter 26: Sleep Over

30 6 0
                                    

Jhasper's POV

***

Tinext ko si Ethan na sumama dito kila Ashlyn kaya lang sabi niya wag na. Pupunta din naman daw sila ng Baguio bukas kaya hindi na siya sasabay sa'min.

Oo nga pala, hindi ko na nasabi na kasama si Nathan. Siguro mas mabuti na rin yun para tumuloy siya bukas. Ewan ko ba sa lalaking yun. OA kung magselos! Hay...ganun ba kapag pumapag-ibig?!

"Akala ko ba tutulong ka? Gusto mo lang ata kumain eh!", biglang sermon ni Cheska sa'kin.

"Nanonood pa ako!", sabi ko nalang at lumipat ng upuan. Lumapit siya sa'kin at hinablot yung remote na hawak ko at pinatay ang TV.

Ang cute niyang tignan pag nabu-bwisit siya. Hay, kung ang iniisip niyo ay baka may gusto ako sa kanya............................................................................................ hindi kayo nagkakamali. Halata ba? Haha! Simula pa nung elementary crush ko na talaga si Cheska.

"Kung hindi ka tutulong don, hindi ka kakain!", sigawan nanaman namin yung naririnig. Hay...panira ng movie eh! Hindi ko nalang siya sinagot at sinubukang agawin yung remote pero wala talaga. Mabilis niyang nailayo. Nag-agawan lang kami ng nag-agawan hanggang ma-outbalance siya at natumba kaming dalawa. Pumaibabaw siya sa'kin.

"Ehem..", rinig ko sa gilid at nakita si Raven. Agad naman na umalis si Cheska at naupo nalang sa sofa. Bakit ba ganun ang mga babae? Laging naa-outbalance? O baka naman sinasadya lang nila? Tsk!

Umayos ako ng upo at tinignan si Cheska. Namumula siya. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong isipin ngayon. Napatingin siya sa'kin at umiwas agad ng tingin.

"Tumulong ka nalang!", sigaw niya sabay walk-out papuntang kusina.

"Nabitin ka ata bro..", biro sa'kin ni Raven na nakatayo pa rin sa gilid.

"Ikaw nga torpe kahit kailan...", sabi ko nalang at pumunta sa kusina.

"Nagsalita ang hindi torpe...", sabi niya at tinapik ako sa balikat. Sumunod din pala siya. Umiling nalang ako at lumapit kay Brittney, dun nalang kasi yung bakanteng space.

"Ano ka ba? Hindi ganyan...", napatingin naman ako sa pwesto nila Nathan at Ashlyn. Nagtatawanan sila at tinuturuan naman ni Nathan si Ashlyn. Nagpahidan pa sila ng iba-ibang ingredients. Honestly speaking, bagay talaga sila Ashlyn at Nathan. Ngayon pa nga lang para na silang couple.

"Huy, tumulong ka naman...", sabi ni Brittney sa'kin at kaya tumulong na din ako.

"Hahaha!", rinig kong tawa ng isang anghel. Siyempre biro lang. Hindi ko mapigilan na tumingin kila Cheska at Raven. Halata naman na nag-eenjoy siya.

"Alam mo, hindi siya mapapasayo kung hindi mo naman kokomprontahin...", napatingin naman ako kay Brittney sa sinabi niya.

"Don't deny it Jass, halata naman na may nararamdaman ka kay Cheska noh", ganun na ba talaga kahalata?

"I wish I was in her place...", rinig kong bulong niya. Wait, may gusto ba siya sa'kin? Shet! Ang gwapo ko mga tol! Tumingin siya sa'kin at ngumiti ng nakakaloko.

"Huwag kang assuming. What I meant was, sana andun ako sa pwesto niya ngayon. Having fun with a friend I obviously have feelings for....", sabi niya. Napatingin naman ako sa pwesto nila Cheska. So ibig sabihin may gusto siya kay Raven?

"Ba't 'di mo sabihin?", sabi ko kay Brittney.

"Makabigay ka naman ng advice wagas! Eh ikaw nga 'di mo magawa...", medyo nalakasan ni Brittney yung pagkakasabi niya.

"Advice? Para sa'n?", tanong ni Raven. Namula naman si Brittney. Ibubuking ko ba si Brittney o hindi? Huwag nalang kaya, baka sabihin pa niya kay Cheska.

"Advice para--", may sasabihin sana ako kaya lang sumingit na si Brittney.

"Para sa nangyayari ngayon, lalo na kay Elaine. Humihingi ako ng advice kung ano ang dapat kong gawin...", sabi ni Brittney. Mautak talaga 'tong babaeng 'to. Nagkatinginan kami ni Brittney saglit bago bumalik sa pagbe-bake.

***

Third Person's POV

***

Dumeretsyo si Ayessa sa kanilang kwarto. Naupo siya sa gilid ng kama at bigla nalang bumagsak ang kanyang luha. Naalala niya ang anak niyang nawala sa kanila.

"Ashton...", sabi niya habang umiiyak. Binuksan niya ang drawer sa tabi at may ilinabas na litrato.

"Alam mo ba anak? May nakasalubong si mama kanina. Kamukhang-kamukha niya si ate Ashlyn mo. Siguro kung andito ka pa ngayon, ka-edad mo yun...", patuloy pa rin siya pag-iyak habang hinihimas ang litrato na hawak.

"Miss na miss na kita anak, kumusta ka na ba? Miss mo rin ba kami?...", patuloy pa rin siya sa pag-iyak nang biglang may kumatok.

"Ma? Si Nessa po 'to. Andyan na si papa!", rinig niyang sabi nito. Pinunasan niya ang luha niya bago rumesponde.

"O sige...", sabi nito habang hawak niya pa rin ang litrato. Muli siyang umiyak at yinakap ang litrato.

"Yessa?", biglang sulpot ni Collin.

"Ba't ka umiiyak?", tanong nito habang pinupunasan ang luha ng asawa. Umiling lang si Ayessa at binalik ang letrato sa drawer.

"Lahat naman siguro tayo miss na si Ashton, maliban lang sa mga hindi nakakaalam. Pero kailangan nating magpakatatag ha? Tahan na...", wika muli nito.

"May bisita si Ashlyn. Nasa baba sila. Gusto mo bang puntahan?", tanong pa ni Collin. Tumango lang si Ayessa at pinunasan ang luha niya bago tumayo at bumaba.

"Ma! Ate Ashlyn and her friends are baking. Mukhang nag-eenjoy sila...", sabi naman ni Vanessa.

May napansin siyang lalaki na nakatingin sa mga picture na nasa side table.

"Uh...hello po", sabi ng binata.

"Ikaw yung nasa savemore diba?", tanong ni Ayessa sa kanya. Tumango naman ang binata.

"Opo. Nathan nga po pala...", sabi ng binata sabay lahad ng kamay at inabot naman ito ni Ayessa.

"Sabi mo may kukunin ka lang sa bag mo-- Ma!", biglang sulpot ni Ashlyn.

"Eto na nga pabalik na", sabi ni Nathan kay Ashlyn bago humarap muli kay Ayessa..."Sige ho, babalik na ako". Nginitian naman siya ni Ayessa.

"Anak, sino yun? Manliligaw mo nanaman?", tanong ni Ayessa kay Ashlyn. Nanlaki naman ang mata ni Ashlyn sa tanong ng ina.

"Ma grabe ka naman. Kaibigan lang po. Siya nga ang nagtuturo sa'kin kung pa'no mag-bake", sabi naman ng dalaga.

"Alam mo anak? Bagay kayo...", pang-aasar naman ni Collin na kabababa lang ng hagdan.

"Pa!", sigaw ni Ashlyn. Napatawa naman ang mag-asawa.

"Biro lang, ito naman. Sige na nga bumalik ka na dun", sabi ni Collin at umalis na don si Ashlyn.

"Hon, siguro kung buhay pa si Ashton, ganun din siya kay Nathan noh? Mabait, matalino, at higit sa lahat--", pinutol ni Collin ang sinasabi ng asawa.

"Gwapo?", tuloy ni Collin at napangiti naman si Ayessa.

"Siyempre...", sabi ni Ayessa at napatigil ng sandali. "Siguro, mapupuno ng katuwaan dito sa mansion dahil sa kambal. Sana...", pumatak na ang luha ni Ayessa at agad naman itong pinunasan ni Collin.

"Tahan na. Mabuti pa maghanda ka na para bukas...", sabi ni Collin at sinunod naman ito ng kanyang asawa.

"Sana andito ka pa anak...", wika nito sa isip bago tuluyang umakyat.

When Past takes over PresentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon