Chapter 32: Feelings?

27 4 0
                                    


Raven's POV

***

Wooh! It's Sunday morning! I woke up early, pero may mas nauna pa pala sa'kin...si Nathan. Ewan ko ba! Ang aga aga magising, daig pa ata ang manok.

"Good morning dude", bati niya. Nginitian ko lang siya at nagkamot ng ulo. Ewan ko ba. Parang wala ako sa sarili ko.

"O, ano nangyare sa'yo?", tanong niya pa. Umiling lang ako.

"Puyat ka noh?", tanong niya ulit.

"Oo, pero maaga pa ring nagising. Ikaw? Ba't ang aga mo?", sagot at tanong ko.

"I'm used to it", sagot niya. Uminom ako ng tubig at umupo sa upuan sa gilid. Tinignan ko yung orasan. What the-- 5:30 palang?!

"Himala, maaga ka ata...", may biglang nagsabi. Pagtingin ko sa likod ko, si Brittney lang pala. Umupo siya sa tabi ko at pinatong ang ulo niya sa balikat ko.

"Anyare sa'yo?", tanong ko sa kanya.

"Ewan. Basta bigla nalang akong nagising tapos ngayon inaantok naman ako...", sabi niya.

"Yan kasi eh, nasobrahan mo pagbabasa at panonood ng horror", sarkastiko kong sabi. Pero ngayon, walang respond. Sinilip ko ang mukha niya at nakaidlip na pala siya.

"Good morning!", masiglang bati naman ni Ashlyn.

"Good morning", bati naman ni Nathan na may hand gestures pa at nakaupo sa harap ng T.V. Tumabi naman sa kanya si Ashlyn. Sunod naman na nagpakita si Ethan.

"Good morning bro...", bati ko kasi mukhang masama gising niya. Pero tumango lang siya tas bumalik ulit sa pagtulog.

"Sh*t. Bangungot nanaman...", wika pa niya.

Sinundan ko ang tinitignan niya, at ayun! Kaya naman pala eh! Selos nanaman kila Ashlyn at Nathan.

Sunod naman na sumipot si Jhasper na dere-deretsyo sa banyo.

"Aga naman nun...", sabi ni Ashlyn.

"Alam mo na...", sabi naman ni Nathan. Tsk...bagay talaga sila.

Napatingin naman sila sa likod nang marinig ang late bloomer, si Cheska.

"Feeling okay now?", tanong ni Ashlyn. Nginitian lang siya ni Cheska at naglakad papunta sa banyo.

"Cheska wait. Andyan si--", huli na ang babala ni Nathan. Binuksan ni Jhasper ang pinto at nagkaharap sila ni Cheska.

Awkward...

"Good morning", bati ni Jhasper kay Cheska. Nginitian lang siya ni Cheska at dumeretsyo na sa loob nang makalabas si Jhasper.

"Tsk...you're seriously gonna do NOTHING about you and Cheska? Gosh! Halata na nga at kumpirmado pa na gusto niyo ang isa't-isa, kayo naman 'tong pabebe", sabi ni Ashlyn kay Jhasper.

"I have my plans Ash. Ano tingin mo sa'kin? Moron? Wag mo muna akong pangunahan...", sabi ni Jhasper. Offensive ba yun?

"Ang tanong, makukuha mo ba siya?"

When Past takes over PresentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon