Chapter 5: Almost Killed

97 11 0
                                    

Ashlyn's POV

***

Uwian na kaya deretsyo gala kami. Pero ang tambayan namin, sa Star Academy.

Eto nanaman, dito nanaman. Hindi alam nila Brittney, Elaine, at Jhasper na dito nangyari yung 'past'...ang alam lang nila eh yung nakita namin ni Raven. As for Cheska naman, wala talaga siyang kaalam alam sa nangyari noon.

"So we're here again...", bulong ko sa sarili ko pero narinig din pala yung ni Raven.

"Try not to remember it", bulong din niya. Nginitian ko lang siya at nagpatuloy kami sa paglalakad.

Nang madaanan namin yung pwesto kung saan ko nakita si Ethan at Cathy noon, tumulo na yung luha ko.

"May pupuntahan lang ako...", paalam ko sa kanila at tsaka ako tumakbo paalis do'n. I can't keep my promise to myself. Hindi ko magawang kalimutan yun. Umupo muna ako sa may bench na medyo malayo-layo sa kanila at dun na ako umiyak. Ang hirap kalimutan at ang sakit maalala.

"Ashlyn?", sinundan pala ako ni Elaine. Kahit kailan talaga toh.

"What happened to you?", nag-aalala niyang tanong. Hindi ko siya masagot. Hindi ko alam kung saan magsisimula. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko.

"This is so unfair Ash! Sinabi ko sayo problema ko kaya dapat lang din na sabihin mo sa'kin kung anong nangyayari sa'yo", pagpupumilit niya.

Hindi ko na kayang itago sa kanya. Dapat na niyang malaman.

"Sa likod ng faculty, doon ko sila nakita", tipid kong sagot sa kanya.

"Ok ok, shh, tahan na. I'm sorry pero kailangan mo nang bumalik do'n, for Cheska's sake. Alam ko na mas childish yon kaysa sayo kahit na mas matanda pa siya sa'yo. Baka mamaya may makaalam pa na iba dahil sa kadaldalan niya. She can't know about this", sabi niya.

Tumango ako bilang sagot. I can't keep on crying, I can't keep on showing my weak spot.

Bumalik kami sa likod ng faculty. Andun silang lahat naghihintay.

"Sa'n ka pumunta?", tanong ni Brittney.

"Nagtapon lang", tipid kong sagot.

Tumingin si Brittney kay Elaine na parang nagtatanong kung totoo yung sinabi ko, tumango lang si Elaine.

"Ok, volleyball court na tayo guys!", singit ni Jhasper. I thank him for that.

Pagdating namin sa volleyball court, andun yung coach namin nung elem. Si sir Mark.

"Oh, napadalaw kayo ah...maglalaro kayo?", tanong ni sir sa'min.

"Oo sana sir eh", sagot naman ni Raven.

"Oh, eto yung bola mo Ethan. Nasayo kung iiwan mo ulit dito, alagang alaga yan dito eh", sabi ni sir Mark sabay hagis ng bola sa'min.

"Thanks sir!", pasalamat Ethan.

BOYS vs. GIRLS

"This is gonna be fun", lokong sabi ni Jhasper.

"Wag kayong makampante, andito si Ashlyn sa'min, you boys will be nothing", confident na sabi ni Cheska. Cheska please itigil mo ang pagmamalaki mo sa'kin sa volleyball, swimming ang sports ko hindi volleyball.

"Baka nakakalimutan mo Cheska, nasa amin si Ethan, at isa pa, swimming ang sport ni Ashlyn, hindi volleyball", wow, thank you Jhasper ah...(note the sarcasm).

"Guys awat na, laro nalang tayo...", pag-awat ni Ethan sa kanila.

Nagsimula ang game boys ang lamang. This time hindi kami pwedeng magpatalo.

When Past takes over PresentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon