Chapter 34: The Day She said YES

31 5 0
                                    


Cheska's POV

***

Pagbaba namin ng taxi, hinila agad ako ni Jhasper papunta sa boating area. Hindi rin naman halatang excited siya noh?

"Jass. Dahan-dahan lang naman. Excited masyado?", sabi ko.

"Cheska. Tumingin ka nga sa paligid mo. Madaming tao. Baka mamaya maubusan tayo kaya tara na", sabi niya at hinila nanaman ako.

Yung kulay white na parang de-pedal yung sinakyan namin. Hindi ko kasi alam yung tawag dun eh...haha.

"Sa'n mo gusto. Right side or left side?", tanong niya.

"Right side", sagot ko. Tumango naman siya at umupo sa kaliwang banda. Nagsimula na kaming mag-pedal. Nakakarelax. Ang ganda sa pakiramdam.

Nakita ko naman na linabas ni Jhasper yung phone niya.

"Smile!", sabi niya kaya ginawa ko naman. This time, ako naman ang naglabas ng phone.

"Ako naman Jass. Smile!", sabi ko at ngumiti naman siya.

"Isa pa. Smile!", sabi ko ulit. Nagulat naman ako nang halikan niya yung pisngi ko.

"Perfect", sabi niyang nakangisi.

"Para-paraan ka naman ah", sabi ko. Linabas niya yung phone niya ulit.

"My turn. Again...smile!", sabi niya. Hindi ko alam kung anong pumasok sa utak ko at ginawa ko rin sa kanya yung ginawa niya sa'kin. I kissed him on his cheek.

"Bumawi lang", sabi ko sa kanya nang tumingin siya sa'kin.

"I could get used to that", sabi niya kaya hinampas ko siya sa braso. "Sira! Bumalik na nga tayo! Gutom na ako", sabi ko. Tumawa siya na may pailing-liling pa bago siya tumango.

Pagdating namin sa gilid, inalalayan niya akong bumaba.

"So...balik na tayo?", sabi niya.

"Eh...foodtrip muna tayo", sabi ko with matching paawa effect.

"Dun na lang. May pagkain naman dun...", sabi niya.

"Ngayon na. May mga nagtitinda naman diyan eh. Please?", sabi ko na may kasama pang pout.

"Fine! Bakit ba hindi ako makatanggi sa'yo?", sabi niya. Ramdam ko naman na uminit yung pisngi ko.

Hinila ko nalang siya sa mga nakahilerang nagtitinda.

"Ano ba kasing gusto mo?", sabi ni Jhasper na halatang naiinip na.

"Mmmm....gusto kong shawarma", sabi ko. Napakamot lang siya sa ulo niya at naghanap kami ng shawarma. Pero napansin ko na medyo padabog siya maglakad.

"Ano ba talagang problema mo? Bakit kanina ka pa kating-kati na bumalik?", sabi ko sa kanya. Weird na kasi yung inaasta niya ngayon. Napansin ko naman na napatigil siya bago magsalita.

"Wala lang. Baka kasi hinihintay tayo nila tita Ayessa dun", sabi niya. Napairap lang ako.

"Nagpaalam naman tayo kanina ah. Tsaka 10:30 palang naman. Ano ba talaga yun?!", Napagtaasan ko na siya ng boses. Pagpasensyahan na, may dalaw ako eh.

"Okay. Ayokong nag-aaway tayo ng dahil lang sa away na yan. Tara na, bili na tayo ng shawarma", sabi niya. Tsk, nakakawala ng gana.

"You know what? Don't bother. Let's just go back", sabi ko at akmang aalis. Ewan ko ba, ang babaw ng dahilan kong magalit. Epekto nanaman ng 'girl's week'.

When Past takes over PresentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon