Chapter 33: It's a date

22 4 0
                                    


Jhasper's POV

***

Honestly, I'm freaking nervous right now. Kinakabahan ako and at the same time nae-excite. Ewan ko ba. Everything seems different when Cheska's around.

"So...we are we going?", tanong niya. Nakasakay kami sa kotse ngayon. Well, kotse ni dad. Nag-hire pa siya ng driver para daw mas "safe".

"Ikaw ba, san mo gustong pumunta?", tanong ko. Ngumiti lang siya na parang nag-iisip. I can't help admiring her cuteness.

"Well, I always wanted to ride a horse again. Medyo bata pa ako nung last time akong nakapunta sa Wright Park. Eh ikaw, san mo gusto?", sabi niya.

"I was thinking about Burnham Park...", sabi ko. Ideal date-spot kasi yun diba? And I really want to take her boating.

"That sounds fun. Ano uunahin natin?", tanong niya. Ano nga ba? Horse? Or boat?

"Uhm....horse nalang. Para pag nag-boating tayo, dun nalang din tayo sa park mag food trip.", sabi ko. Ngumiti naman siya at tumango.

"Kuya, sa Wright Park po tayo...", sabi ko sa driver.

"Okay po...", sagot naman niya. Hindi pa kami nakakalayo sa hotel, naabutan agad kami ng traffic. Hay...buti nalang maaga kami umalis. Para ma-enjoy pa ng matagal...

"Ano ba yan! Ang aga aga traffic. Naman eh!", reklamo ni Cheska. Though, I find her cute. Pinatong niya yung ulo niya sa pinto ng kotse. Matatagalan pa siguro 'to.

Medyo nakalayo na din kami sa hotel, pero malayo pa din ang pupuntahan. Akala ko ba sa EDSA lang ang traffic?
Sinilip ko naman si Cheska na kanina pa tahimik. Nakatulog na pala. Kung sabagay, maaga din naman kasing nagising...

"Cheska. Hey...", I said softly.

"Mmmm..."

"Tsk, inantok ka nanaman", asar ko at pinatong ko ang ulo niya sa lap ko. Masyado naman sigurong masakit sa leeg kung sa balikat diba? Tsaka para na rin makatulog siya ng maayos.

Tinitigan ko lang ang maamo niyang mukha. She's really cute. Kung tititigan momg mabuti, parang hindi siya yung tipong pilosopo, makulit, at namg-aasar. Kaya hindi ako magsasawang titigan siya ng ganito.

- - - - -

"Sir malapit na po tayo. Gisingin niyo na po girlfriend niyo", sabi ni kuya driver. Girlfriend? Kung pwede lang sana, pagkatapos ng araw na 'to, matatawag ko na siyang 'girlfriend'.
Sana magkatotoo yung sinasabi mo kuya driver.

"Cheska. Cheska. Uy...gising na..", sabi ko sa kanya.

"Mmmm..."

"Kung hindi ka gigising diyan, hahalikan kita...", pagbanta ko. Agad naman siyang bumangon.

"Sus! Gusto mo din eh", asar ko sakanya. Sakto naman na tumigil yung sasakyan.

"Aba! In your face! Halikan mo mukha mo!", sabi niya at binuksan ang pinto. Inunahan ko na siyang bumaba sa kabilang pinto. Nang maka-baba siya, muntikan na siyang mahagip ng isa pang sasakyan. Aba! Gag* yun ah!

When Past takes over PresentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon