Chapter 30: Bestfriend

26 6 0
                                    

Zayne's POV

***

"Lanny...", I whispered under breath while staring at the cake. Birthday ko ngayon pero parang hindi ko ramdam. Napansin ko si Ashlyn na papalapit sa'kin kaya pinilit kong ngumiti. Kahit mahirap.

"Birthday na birthday mo nagse-senti ka", biro niya sabay upo sa tabi ko. Ginulo-gulo ko yung buhok niya dahil sa sinabi niya.

"Kuya naman eh! Baka 'di ako makapagpigil at masapak kita diyan!", pabiro niyang sabi. Loko-loko talaga 'tong batang 'to.

"Pumasok na sila Raven sa loob ah, ba't naiwan ka?", sabi ko. Umiling lang siya.

"Wala, gusto ko lang maglibang", sabi niya. Tsk, alam ko na 'to. May iniisip nanaman na malalim. Kilalang kilala ko na ang kapatid kong 'to.

"Alam ko na yan Ashlyn. Anong iniisip mo?", tanong ko sa kanya. Sandali siyang natahimik.

"Sino ba talaga yung Ashton kuya?", natigilan ako sa tanong niya. Sa tingin ko nga nagmumukha na akong istatwa sa kinauupuan ko.

"Ah...wala. Wag mo nang intindihin yun", sabi ko nalang.

"Yun na nga kuya eh. Madalas naman binabalewala ko yung mga ganyang bagay. Pero, hindi ko alam kung anong nangyayari sa'kin ngayon. Parang...parang may tumutulak sa'kin na malaman ang sagot", sa totoo lang, kinilabutan ako sa sagot ni Ashlyn. Ashton...bro, sana naman hindi ikaw yun.

"Oh well, change topic nalang kuya. So, ano nga ang nangyari sa inyo ni ate Lanny", napa-buntong hininga ako. Ano ba namang klaseng birthday 'to? May interrogation! Pero, tingin ko, kailangan din niyang malaman. Malalaman at malalaman din niya.

"I think it's best if we talk about it inside...", sabi ko at tumayo at naglakad papasok sa apartment. Sumunod naman siya.

"Spill", sabi niya agad nang makaupo kami sa sala. Huminga muna ako ng malalim bago magsalita.

"Fine. Kailan lang yun. Napag-usapan namin na magkita sa may garden pero sinundo ko nalang siya. Nung nakita niya ako sa room nila, para bang ginawa niyang big deal na hindi sinunod yung pinag-usapan namin. Nag-sorry ako. Naisip ko kasi na marami siyang ginagawa kaya inintindi ko nalang siya...", pinipigilan kong tumulo ang luha ko.

"Pagdating namin sa garden, tulala lang siya. Tinanong ko kung may problema. Tapos sabi niya, kailangan na naming maghiwalay. Nung una biniro ko pa siya eh, sinabi ko na sana nagbibiro lang din siya. Tapos sabi niya, para din daw yun sa'min. Sinubukan kong suyuin siya. Nagbakasakali akong mababago ko ang isip niya pero hindi talaga...", hindi ko na napigilan ang luha ko at tuluyan nang naiyak.

"Dapat pala hindi ko na tinanong kung may problema. Dapat ginawa ko ang lahat para hindi siya umalis. Alam kong labag din sa kalooban niya yung desisyon niyang 'yon kasi nakita ko din siyang umiyak. Parang teleserye nga eh, hinalikan niya ako sa huling pagkakataon tapos umalis na. Perfect timing nga eh, naiwan akong tulala sa garden tapos umulan. Tapos makikita ko siyang kasama si Dreyson? Bestfriend ko pa naman...", pinilit kong ngumiti pero mas nangibabaw yung iyak. Yinakap ako ni Ashlyn na pinapatahan ako.

"Kuya, tahan na. Magiging okay lahat", sabi niya at kumalas na sa pagkakayakap.

Sana nga...

***

Nathan's POV

***

Ako ang nasasaktan para kay kuya ngayon, pati na rin kay Ashlyn. Alam kong nahihirapan din siya sa sitwasyon ng kuya niya.

When Past takes over PresentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon