Chapter 2

136 3 0
                                    

After ng ilang oras ay nakarating na sila sa Manila. Nagising nalang si Jasmin sa marahang pagyugyog sa kanya ng pinsan nya.

"Hey couz! Gising na!" kasabay ng payugyog. Kaya naman kahit ayaw nya pang imulat ang mata nya ay gumising na sya. Mahirap na.

Bungangera pa naman ang pinsan nito.

Pagbaba nya sa Van ng pinsan nya ay hindi na nya ito nakita. Siguro ay nauna ng pumasok sa loob.

"Buset talaga yun! Iniwan ako dito! Like WTH! bago pa lang kami here noh!" sabi ni Jasmin sa sarili nya. matao ang lugar nila kaya siguro hindi na sila masyadong mahihirapan.

Pagpasok nya sa loob ay nasa loob na ang kanyang damuhong pinsan na si Athena at....

"WTH?? Kahit kailan talaga tong babae na toh oh!" bulong nya habang pinagmamasdan ang pinsan nya na nakahiga sa sofa at nakabukaka pa. Mabuti na lang at nakapantalaon ito. Dahil kung hindi....

"Hey couz! Come here! Pabayaan mo na sila magbuhat sa gamit natin!"Tawag sa kanya ng pinsan nya

"ehh... Nakakahiya naman eh. Ako na" Medyo nahihiya na sabi nya kaya athena. Sa kanila kasing dalawa ang medyo nakaaangat sa buhay si Athena dahil nga ang daddy nya ay seaman at may business naman ang mommy nya.

Kahit na lima silang magkakapatid at panganay si Athena ay nakakaahon naman sila.

"Ahhmm. Kuya Joey jan nalang po sa may hagdan palagay yung gamit namin. Salamat po.

Tawagan ko na lang po kayo kapag kailangan namin ng tulong." Nakangiting sabi ni Athena sa Driver nila. Sabay baling ng tingin sa pinsan nya na si Jasmin.

"Tara ikutin natin 'tong apartment. Maliit lang naman toh eh." Sabi nya kay Jasmin at nagsimula na silang mag-ikot sa apartment/bahay na tutuluyan nila.

Sakto lang naman ang bahay nila at hindi gaanong malaki, up and down. Sa baba ay isang living room namay isang sofa na mahaba na pang apat na katao tapos isang maliit na lamesa, tapos sa bandang kanan at yung dining area na isang lamesa na hindi masyadong malaki then kusina at banyo, sa taas naman ay dalawang kwarto at isang terrace.

"So? Anong masasabi mo? Ah, don't worry about the payment here sa apartment. Nabili na namin toh years ago then pinaupahan pero ngayon tayo muna gagamit kaya wala tayong bayad sa upa then about naman sa bills, sabi ni mommy tayo na dw magbayad. Abuso na dw tayo! hahahah so ano? Ayos ba?" Mahabang sabi ni Athena kay Jasmin.

"Ok, lang naman toh, and about sa bills mukhang kailangan natin mag trabaho huh?" Sagot naman ni Jasmin.

" yeah, ayan nga gusto ng parents ko eh, para daw matuto akong mamuhay mag-isa" sagot naman ni Jasmin.

"Yeah, matulog na tayo. saan nga pala kwarto mo dito?" tanong naman ni Jasmin kay Athena.

"Yung kulay light blue na pinto doon ka. Pasensya na banig na poem lang meron. Wala pa tayong kama hahahhaha"Sagot ni Athena sa pinsan nya.

At umakyat na sa taas ginawa ang kanilang routine at natulog na...
----------------------------------------------------------------------
Kinabukasan....

Nagising si Athena sa init na sumagi sa mukha nya kaya bumangon na sya at ginawa ang rituals nya. Bumaba na sya at nakita si Jasmin na nagluluto ng noodles. tsk.

Nakalimutan nya na wala pa pala silang stock.

"Beh, mamaya mag grocery tayo tapos sabayan na natin ng pasyal. May binigay ba sayo sila tita na pansamantalang panggastos mo?" Tanong ni Athena kay Jasmin na kasalukuyan ng kumakain.

"Ahhmm meron naman, sige kain ka na."sabi ni Jasmin kay Athena na dumeretso sa sala at humiga. Hindi sya yung tipo ng tao na kapag bagong gising kain agad, actually kapag bagong gisng sya wala syang gana sa halos lahat, walang gana kumain, maglakad at kung ano pa.

"Mamaya na." matamlay na sagot nito kay jasmin na may kasama pang hikab.

"Ok." Sagot ni Athena at kumain na. Nung nag alas nuebe na ng umaga ay lumabas na sila ng bahay.

Paglabas nila ng bahay ay may nakita sila na lalaking nagdidilig ng mga halaman sa katabing bahay nila na naka Sando na white na manipis at short.

"Baks, ang gwapo oh" pasimple pang siniko ni Athena si Jasmin at pasimpleng tinuro yung lalaki na nakita nila

"Oo nga noh?" pasimpleng bulong na sagot ni Jasmin.
Lumapit si Athena sa nasabing lalaki at nagtanong...

"Ahhmm, Good morning! Istorbohin lang kita saglit ah, ask ko lang kung saan ba yung pinaka-malapit na palengke dito? Bagong lipat lang kami kahapon eh, kaya wala pa kaming stock." Medyo nagpapa-cute na sabi ni Athena sa lalaki.

Tinaasan naman sya ng kilay nung lalaki Gosh, sino ba 'tong chaka na toh? Gad, ang ganda nila pero mas pretty pa rin ako! sabi naman ni Michael sa sarili nya.

"Jan sa iskinita deretsuhin nyo yan then kaliwa kayo tapos yun na yun." Cold naman na sagot nito kay Athena.

"Ahhm, mas ok siguro kung sasamahan mo kami. You know, bago palang kami dito, baka mapag tripan kami ng mga lasinggero oh," may pa kagat-labi pa na sabi ni Athena sabay turo sa mga nag-iinuman sa isang tabi.

"Ano ka ba!Nakakahiya kaya!"bulong ng sabi ni Jasmin sa pinsan nya.

"Hayaan mo na ako,Diskarte ko na ito!"pasimpleng bulong din nya sa pinsan.

Oh my gash! Ang kapal naman ng mukha this gurl! Nagkakasala sila! Hindi nya nalalaman ang kanyang ginagawa!

" Can't you see may ginagawa pa ko dito. Saka umaga pa naman kaya hindi kayo gagalawin ng mga yan" walang emosyong sagot parin ni Michael na pinagpapawisan na ng malamig.

"Hmp! Ang sungit naman! Pero ok lang, gwapo naman!" pabulong na sabi ni Athena pero narinig naman ni Michael kaya nakatingin sa kanya ng nakakunot-noo.

"Ahh, ok thank you nalang! Tara na be! Ang init dito!" tila naiinis na sabi naman ni Athena at nanguna ng naglakad.

"Bye handsome!" pahabol na sabi ni Athena kay Michael bago pa makalayo.

WTH? Ako handsome? no! Pretty ako noh!sabi naman ni Michael sa loob loob nya at pumasok na ng bahay...
----------------------------------------
"Cous? Ok na ba ito?"tanong ni jasmin sa pinsan nya

"Yep,That's ok,baka maubusan na tayo ng pera eh"simpleng sagot nito sa kanya.

Tumango-tango ito sa kanya ng punta na sila counter para bayaran ang mga binili nila.

Pagka-uwi ng mag-pinsan ay pagod na sila dahil ayon nga sa nagpag-usapan ay sinabayan na nila ng pasyal para medyo masanay narin naman si Jasmin sa Manila dahil baguhan pa lang sya dito habang si Athena naman ay alam na ang bawat pasikot sikot sa Manila.

Actually, alam naman talaga nya yung daan papunta sa palengke. Nagpa -cute lang sya sa tagilid na si Michael.

Don't forget to vote

LOVE AT FIRST NIGHTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon