Chapter 21

47 1 0
                                    

Chapter 21

Athena's POV

Months had passed at naging ok naman nalinaw na din ni couz sa dalawa yung feelings nya even though kahit anong sabi ni couz sa kanila ay parang wala silang narinig kaya ayun para silang Globe!  go pa rin sila ng go hindi naman daw sila nagmamadali eh. kaya ang masasabi ko na lang ay edi wow!!
Malalaki na sila kaya bahala na sila sa mga love life nila kilala ko ang pinsan ko at sa tingin ko nahihirapan lang sya sa dalawang yan.

Then dahil nga witty kaming magpinsan!! Tennnneeennn!!!
Parehas kaming first honor sa klase Ngayong semester!! kaya nakakatuwa at nakakagalak dahil may bayad na ang paghihirap at pagpupuyat namin sa mga assignments at projects namin! Grabe ang bilis talaga ng panahon!  Sinabi na namin yun sa parents namin syempre they really happy and proud at the same time.

Nandito ako ngayon sa hallway at naglalakad papunta sa cafeteria.

Ako lang mag-isa, ako lang kasi ang nakahiwalay sa kanila at ako pa ang may pinaka mababa na grade. eh si couz college na yun tapos ako grade 11 lang. Buti na lang at isa lang ang cafeteria ng college and seniors.

Sa tagal namin dito may naging kaibigan na rin ako, si Aira. I like her as my friend- no erase that, as best friend kasi hindi sya plastik! Kahit mayaman sya hindi sya maarte kagaya ng mga kaklase namin! At parehas pa kami na mahilig sa mga FAFA! lols! Joke lang!

Wala sya ngayon, pumunta sa library gagawin yung assignment namin na hindi nya nagawa, buti ako tapos na sa lahat.

Nakakakuha din ako ng information sa kanya about dun kila Drake. tsk! Crush nya kasi si Carl kaya ayun! Sila yung bukam bibig nya. Pero hindi ko pa naman sila kilala lahat kasi kapag nagku kwento sya about lang kay Carl and Drake! Kaya ayun hindi na ako nakikinig kasi paulit ulit lang naman kwento nya.

Nung malapit na ako sa cafeteria ay nagulat ako sa pag vibrate ng cellphone ko, I checked kung sino yung caller, Ahh. Si Eska pala. Isa sa mga pinsan namin dito sa Manila pero hindi kami close kasi may pagka makati sya. Actually saming magpipinsan kami lang ni couz ang magka close. Sinagot ko na yung tawag nya. Baka kasi importante. Hindi naman kami close so bakit sya tatawag kung wala lang??

"Ahhhmm, Hello Athena?" She said as I answer the call

"Yes Eska ako toh. Bakit ka nga pala napatawag?" sabi ko sa kanya at bahagya muna akong tumigil at gumilid.

"Oh good! Well, I just want to inform you guys na may get together tayong magpipinsan and you have to be there. Isama mo na si Jasmin Yung pinsan nating manang haha!. anyway I'll just text you kung kailan and saan." she said.

Tss manang?? Mas maganda naman sayo!

"Ahh ok kaso magpapaalam muna kami sa parents namin." I said at bahagya pang tumango kahit hindi nya ko nakikita.

"No need, alam na ng mga parents natin yung about dito and pinaalam ko na kayo para sure na makapunta kayo. So? See you there na lang huh!!"

"Eska pwede ako magsama pa?" tanong ko lang baka sila michael gusto sumama.

"Of Course Not! bawal magsama, pinsan goals nga eh!" sabi nya.

Tsk bitch please.

"Ok thank you for inviting us! I'll hang up now bye!" I said at napangiti ako. Alam ko kasi na kapag ang mga pinsan ko nag pa party for sure maraming wine!.

"Welcome! Ok bye na!" she said then ended tha call. Nagtuloy na din ako sa pagpunta ko sa cafeteria pagpasok ko doon ay natanawan ko na agad sila.

Pero madadaanan ang pwesto nila Drake. Tsk! Kaya pala maraming tao! kasi nandito sila. Saan ba nakatingin tong lalaking to? tss tinignan ko kung saan sya nakatingin base sa calculation ko nakatingin sya sa pinsan ko. Pero bakit sya nakatingin? tss pake ko ba!? nakaramdam ako ng pagtitig sakin, Bahagya ko pang nakita sa peripheral vision ko  yung pagtitig sakin ng kaibigan nya na nakasalamin. Tsk kung makatingin parang gusto akong matunaw kaya tinaasan ko sya ng kilay, kaya ayun hindi na makatingin sakin.

LOVE AT FIRST NIGHTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon