Chapter 9

71 2 0
                                    

Mansion.⬆

"Sabi sakin ng kuya mo hindi ka daw tumuloy sa penthouse nila?" sabi ni Dara ang mom ni lash.

"Yes" sagot nya sa ina.

"Why son?"tanong naman ng dad nya na si David.

"I don't like... Ayoko ng maingay at magulo you know what I mean mom and dad"sabi nito sa parents nya.

Kilala nila ang anak nila na si lash ayaw nito ng maingay at magugulo na tao, kaya nga lumalayo si lash sa mga kaibigan ng kapatid nya bukod sa mga maiingay at magugulo ito ay napaka bully din ng mga yun kaya ayaw nya sa mga taong nambubully naranasan na kasi nya kung paano bullyhin.

Tumango naman ito sa kanila.

Nasa Mansion ngayon si lash kasama nya ang parents nya mag lunch.

"So kamusta naman ang pag tira mo doon sa bahay?"Tanong ni david ang daddy nya.

"Okay lang"sabi nya.

"How about your neighbors? Mababait ba ang mga yun?"tanong ng mom nya.

Bakit Feeling ko nasa Interview ako?'sa isip nya.

"Okay naman sila meron na akong nakilala, kahit papaano." sagot nya dito sabay inom ng tubig.

"Really? That's great! "Masayang sabi ng mom nya.

"Act like you trust people but don't" makahulugan na sabi ng dad nya.

Napairap na lang sya sa sinabi nito,Kilala nya ang ama nya napaka istrikto nito at napaka sungit minsan pa nga hindi nya alam kung ano ang tumatakbo sa isip nito.Minsan naman ay parang wala itong pake sa iba except sa kanila.

"Dad ano bang sinasabi mo?"tanong ng asawa nito.

"I know your son knows what I mean"sabi nito sabay pinagpatuloy ang pagudlot na pag kain nito.

Lash silently groaned,Minsan ang dad nya nakakainis napaka nega.

"Sorry but I have to go may pupuntahan pa ako"sabi ni lash bago tumayo.

"Aalis ka na agad? Why in a hurry son?"Malungkot na tanong ng mom nya.

"May hahanapin pa kasi ako mom" sabi nya sabay beso sa parents nya at umalis na.

Napatingin naman si Dara sa asawa nya na tahimik lang na kumakain, napangiti sya ng bigla itong humarap at kumindat sa kanya.

Kahit na matagal na silang mag asawa ay nandodoon pa din ang pag mamahalan nila sa dami ba naman nilang pinagdaanan , masasabi ko na lang na sila ay tinadhana,kahit na magkasalungat sila ng ugali.

Nang makaalis si lash sa Mansion ng pamilya nya ay mabilis syang sumakay sa kotse nya at pinaandar ito ng mabilis.

Saan naman ako maghahanap?'sa isip nya.

Jasmin,Jasmin,Jasmin,Jasmin.....' Bakit ba kita iniisip? Tsk para akong tanga..

NAPUNTA sya kung saan pero hindi nya alam kung saan sila nagtratrabaho, huminto sya sa may Coffee Shop para makapag pahinga naman sya.Pinark nya ako kotse nya at bumaba. Pinagbuksan sya ng Guwardiya ng pinto at binati sya ngumiti sya dito at pumasok.

Napatingin sya sa mga tao nandoon."Ang daming tao".Nag lakad sya papuntang counter ng makita nya si athena na busy sa pag kukuha ng mga order ng mga bumibili.

"GOOD DAY SIR WELCOME TO OUR COFFEE SHOP!"Bati ni athena na hindi man lang sya tinitignan.

"Thanks"nakangiting sabi nito.
Hindi nya mapigilan ngumiti ng malaman nyang dito pala nagtratrabaho ang mga kapitbahay nya. Nasaan kaya si jasmin?' Tumingin tingin sya sa lugar na yun para mahanap man lang si jasmin.

LOVE AT FIRST NIGHTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon