"Couz! Tama na make up pwede?? Di ko keribells toh!" hysterical na sabi ni Jasmin sa pinsan nya na inaayusan sya ngayon."Bruha! Foundation pa nga lang nalalagay ko! Ikaw talaga kahit kailan ka!" Pabalang na sagot ni Athena kay Jasmin
Sobrang kaba ni Jasmin ngayon dahil hindi nya malaman ang gagawin nya. It's her first time. Never nya pa 'tong napagdaanan sa buhay nya... Walang nanligaw sa kanya noon dahil nga sa dalagang pilipina sya. May nagkakagusto sa kanya pero walang naglalakas loob na manligaw dahil alam nila na mahihirapan lang sila kay Jasmin
"Couz, bawasan natin kilay mo?" out of the blue na sabi ni Athena.
"Huh? ahh.. ehh.." tila hindi makapag salita na sabi ni Jasmin at lalong pinagpawisan God! Ano ba 'tong pinasok ko? Paano kapag nabuko kami? Anong isasagot ko sa mga tanong sakin ng mga magulang nung baklang yun? Sabi ni Jasmin sa sarili nya.
" Ayan! Perfect!" biglang salita ni Athena habang pumapalakpak pa na may malaking ngiti sa labi kaya nabalik sa reyalidad si Jasmin.
"Ahhmm... couz pwede bang wag nalang natin ituloy'toh? paano kapag nabuko kami? anong gagawin namin?" alanganing sabi nya.
"Ay si gaga! Diba nag theater ka! Nag best actress ka pa nga eh! Gamitin mo yun! Isipin mo may actingan tas na sa theater ka" sabi nito sa kanya.
Oo nga naman, ayun na lang gagawin ko!.
"Thanks couz! Pero alam mo naiinis pa rin ako sayo kasi dahil sayo ,nandidito ako sa sitwasyon na to"simpleng sabi nito habang kinukuha nya yung cp nya.
"Hahaha karma mo kasi yun! Anyway let's go na nasa baba na yung prince- este princess charming mo hahaha!"sabi nito
Natawa na rin sya sa sinabi nito.
Na unang maglakad si athena pababa ,si jasmin na ay naiwan sa kwarto dahil tinignan nya pa ang sarili nya sa salamin.Hala ka! ako ba ito??? Ang galing naman ni athena mag make up, She make me beautiful.
Nang nasa hagdanan na sya, nakita nya si Michael na nasa baba at hinahantay sya. Gusto man nyang kiligin kaso nang maalala nya na bakla pala ang kaibigan ay napangiti na lang sya ng kunti.
Nang makita sya ni michael ay nanlaki ang mga mata nito.Nag second look pa ang gaga!.Bumaba sya habang nakatingin kay michael na nakanganga nagyon.
"Friendship! nakaka tomboy ka!"bulalas nito.
"Tss oo na lang!"sabi nya kay michael.
"Sige friendship ng bumubuhay athena!! lalarga na kami ni babes!!" sigaw ni michael kay athena na nakahiga lang sa sofa habang nanonood ng tv.
"Sige umalis na kayo wag na kayong babalik!"sigaw din nito hindi manlang tumingin sa kanila.
"busy sya eh" sabi ni jasmin sabay labas at sarado ng pinto.
Nang makalabas sila ay bumungad kay jasmin ang magarang sasakyan ni michael.
"You own this car?"gulat na sabi nito kay michael.
"Ay hindi sayo! Syempre sakin!" pilosopo na sabi nito.
Napairap na lang sya kay michael.
"Hop in" sabi ni michael habang pinagbukas sya ng pinto ng sasakyan nito.
BINABASA MO ANG
LOVE AT FIRST NIGHT
RandomJasmin Santiago, The girl who always anything to make her parents proud.Ang babaeng napaka inosente at hindi alam ang kahalayan,Ang babaeng aral muna bago landi.Ang babaeng nagkamali ng isang beses sa isang gabi lang. Drake Lath Montero,The coolest...