"Hayyyss walang magawa!!!!"sigaw ni athena."Ingay mo!!"sigaw naman ni jasmin sa pinsan.
1 week na sila dito sa bagong bahay nila at 2 weeks na lang ay pasukan na nila kaya ngayon naboboringan na sila sa buhay nila dito.
Nandito sila sa nay sala at nanonood sila ng mr.bean sa tv.
"hayyss ewan ko sayo!! kakain na lang nga ako!"sabi nito at tumayo at pumunta sa may kusina.
Binuksan nya ang ref at bigla na lang nanlumo ang kanyang mukha sa nakita.
"Ano ba namang ref ito!! walang laman!! sayang kuryente!!"himutok nito.
Napairap na lang si jasmin sa narinig nyang sabi ng pinsan nya.
"Malakas ka kasing kumain!"sabat na sabi nya sa pinsan.
"Manahimik ka dyan! Tss wala na tayong pera wala din tayong pagkain! Ano ba namang buhay yan!"hysterical sabi nito.
Napatingin sya sa pinsan nya na nakaupo sa lapag sa harap ng ref.
Gusto man nyang matawa pero pinigilan nya."Humanap na tayo ng part time job"simpleng sabi nya sa pinsan.
Napatayo naman si athena sa sinabi nito."Tama Tama!! ang galing ko talaga mag isip!"sabi ng pinsan nya.
"Ako kaya nakaisip!"sabi nya sa pinsan nya.
"Che! Bago mo sabihin naisip ko na!"sabat nito sa kanya.
"k"ayaw pang sabihin na ako ang nakaisip eh!
-----------
"Ang init!! kanina pa tayo naghahanap ng trabaho,kaso wala!"inis na sabi ni athena.
Napakamot na lang ng batok si jasmin.Tama naman kasi ang pinsan nya kanina pa silang 8 am naghahanap ng trabaho ngayon ay 3 pm na pero wala silang mahanap na trabaho.
Napatingin si Jasmin sa may mga tindahan kung meron silang makita na flyers man lang pero wala na talaga.
"Umuwi na tayo mag gagabi na" sabi ni jasmin.
Tumango na lang si athena at nag skateboard na lang sila papauwi.Buti na lang sa subdivision lang sila humanap.Hindi naman maliit ang subdivision nila,sa katotohanan nga eh malaki ito at para na rin itong City na subdivision kasi nga ito ay may mga malls ,restaurants,schools, hotels at marami pang iba.Sa entrance ng subdivision ay doon mo talaga makikita ang mga naglalakihang mga bahay at mansions then sa gitna ng subdivision yung buildings,malls and etc.sa may dulo naman ay yung maliliit na bahay,apartment na kagaya sa bahay nila jasmin.
Napahinto si Athena sa nakita nya kaya napahinto na rin si Jasmin."Ano bang tinitignan mo dyan?"Tanong nya dito sabay apak sa dulo ng skateboard nya para mahawakan nya ito.
"May Coffee Shop oh! Tignan natin kung may hiring!"sabi ng pinsan nya sabay turo sa may malaki at cute na Coffee shop.
Tumango na lang sya at naglakad,sumunod naman si Athena sa kanya.
Nang buksan ni manong guard ang pinto ng coffee shop ay napa nganga na lang sila sa ganda at ayos ng coffee shop.Sobra dami ding tao doon."Ang ganda naman dito" sabi ni athena.
"Oo nga eh! ang colorful pa ng lugar"sabi naman nya
"Hindi lang pala kape ang tinitinda nila,mga iba't-ibang dessert din."sabi ni athena.
Lumapit sila sa may counter at tinignan ang mga cake doon.Napatinggin sila sa isang cupcake."Hala ang kyut!! "sabay na sabi ng mag pinsan.
"Good afternoon po mga mam,anong ipaglilingkod ko sa inyo mga mam"nakangiting sabi nito sa kanila.
BINABASA MO ANG
LOVE AT FIRST NIGHT
RandomJasmin Santiago, The girl who always anything to make her parents proud.Ang babaeng napaka inosente at hindi alam ang kahalayan,Ang babaeng aral muna bago landi.Ang babaeng nagkamali ng isang beses sa isang gabi lang. Drake Lath Montero,The coolest...