Chapter 15

58 1 0
                                    

Athena POV'S

Maaga akong nagising kasi nga good mood ako dahil kagabi at bukod pa doon ngayon din ang enrollment. 5:30 palang ng umaga at mamayang 8:00am pa ang enrollment. Si couz ay hanggang ngayon tulog pa din. Forgiven na din si Michael dahil sa ginawa nya na surprise.

Ako na din ang nagluto ng breakfast namin at naglinis na rin ako dito.

6:15am palang at masyado pang maaga para mamaya kaya naisipan ko muna maglakad lakad dito sa village ang tagal na namin dito pero hindi pa kami na kakapasyal ng maayos.

Habang namamasyal ay nililibot ko ang paningin ko para hindi ako maligaw pabalik.

Napunta ako sa may park kaya naupo muna ako sa isang duyan dito. May mga ilang tao na din na nandito at ako naman ay ginalaw ko ng konti ang duyan at nag soundtrip.

Maya maya pa ay umalis na ako at bumalik na sa bahay. Pabalik na ako ng may makita akong magandang sasakyan at halatang mamahalin if I'm not mistaken, lamborghini ang model ng kotse.

Palapit na ako doon at may nakita akong gwapo! Haayyy! Ang swerte ko talaga!

Isa sya sa mga nandon sa coffee shop nung nakaraan sya yung tahimik lang doon sa isang tabi. Mukhang nasiraan sya....

Nilapitan ko sya at tinanong kung may problema ba.

"Ahhmm hello! Good morning! ahh may problema ba??" tanong ko sa kanya in simple tone baka kung ano isipin nito.

"Oo eh. Nasiraan ako ng gulong." sabi nya habang Inaayos nya ang gulong nya.

Boses pa lang yummy na!

"Gusto mo bang tulungan kita?" Tanong ko

"No need I can handle it" masungit na sabi nya, Hindi man lang tumingin sa kinakausap!

Napasimangot na lang ako...  Arte ah! sya na tinulungan ayaw pa! Di wag!

"Okay, bahala ka" mataray na sabi ko sa kanya at nilagpasan sya.

"Thanks anyway"sabi nya

Napahinto naman ako sa narinig ko... Ako ba yun?  Humarap ako sa kanya "San?"tanong ko.

"Concern"sabi nya sabay tingin sakin...

"Ohhhkayyy?"sabi ko sabay talikod at naglakad na.

Jasmin's POV

7:15 na at wala si Athena dito sa bahay. Pero may pagkain sa kusina at malinis ang bahay. Mukhang good mood ang bruha.

Kumain na ako at naligo then ginawa ang aking morning rituals. 7:35 na at wala pa ang bruha. Nasaan na ba 'yun!? TinaWagan ko sya sa phone nya pero out of coverage. Pinatay na naman ang cp.

haayyy nasan na ba yun?

Athena's POV
Naglalakad na ako pabalik sa bahay after ko iwanan yung masungit na yun.

*beep beep*

May bumusina sa bandang likod ko kaya napalingon ako yan yung kotse ni Mr. Sungit huh?

Huminto ang kotse sa tapat ko then nung nasa harapan ko na ang kotse nya binaba nya ang window sa may bandang kanan.

"Want a ride miss???" tanong nya sakin in bored tone.

"Ahh thanks but no thanks." masungit na sagot ko na nakangiti ng pilit at saka naglakad na palayo

Naramdaman ko naman na pinaandar nya din ang kotse nya pero mabagal lang. Mukhang sinusundan ako.

Jasmin's POV
Asan na ba yung babae na yun? 7:30 na pero wala pa ang bruha samantalang sya nga 'tong excited na pumunta doon. Tinatawagan ko  sya pero nakapatay ang phone!

LOVE AT FIRST NIGHTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon