"Are you crazy?"I blared out seeing him in front of me. "Ano 'tong ginagawa mo!""Gusto lang kitang makausap! Nakabakod kasi palagi sa'yo 'yong asungot na 'yon eh!"
"Yves ang pangalan niya. Hindi asungot!"
"Chandria. Hindi ko alam kung bakit gusto kitang kausapin. I just really want to talk to you."
"Baliw ka na nga!"
Sinubukan kong umalis at tumungo sa pintuan. But it's locked!
"Buksan mo 'to Padilla."
"Not unless we're talking."
"Alam mo, magsisisi ka kapag nkalabas ako dito! Pwede kitang kasuhan sa ginawa mo!"
"Kath. Wag kang masyadong magmatigas. Your friends talked to me. They are also worried about you."
No. Not them. I've never felt so betrayed my entire life other than now. Why the hell did they do it!?
Nilapitan niya ako at walang pasabing kinuha ang mga kamay ko. Sinubukan kong bawiin yon sa pagkakahawak niya. Nanlalamig ako.
"Pareho lang tayong walang alam sa buong kwento ng mga magulang natin. I think it's time for you to let go of that wrath. That will lead you nowhere."
Nakatingin lang siya sakin the whole time habang hawak ako ng mahigpit.
"Pwede nating kausapin si mama. O kaya ang papa mo---"
"Don't even try it DJ."ang mahina kong sagot. "I already talked to dad. Lalo ko lang siyang kinamumuhian. Kaya hayaan mo na ako. I'm trying to forget everything about your mom! But I can never talk to her."
"I'm sorry."he whispered.
Niyakap niya ako. Gusto ko rin siyang yakapin. Gusto kong malaman niya na sana nakilala ko siya sa ibang sitwasyon at pagkakataon. Sana anak nalang siya ng kung sino. Hindi ng babaeng umagaw sa papa ko.
"Can you stay for a while?"he murmured without letting me go. "Can we stay like this for a little while?"
Tumulo nalang bigla ang mga luha ko. Gusto kong kalimutan lahat. Pero kahit anong gawin ko. Hindi ko magawa! Hindi ko kayang baguhin ang katotohanan na ang ina niya ang dahilan ng pagkawasak ng pamilya namin.
"Naalala mo pa ba nong nabanggit ko sa'yo 'yong ex-girlfriend ko? Yong simpleng babae na 'yon. Ang tagal kong nagtanim ng galit sa ginawa niyang pag-iwan sa'kin. Nawala siya at tanging panaginip lang ang makakabalik sa kanya sa'kin. She passed away. May sakit siya na tinago niya sa'kin the whole time."
Lumakas 'yong tibok ng puso ko at naglakbay ang isip ko matapos marinig 'yong huling sinabi niya.
"Alam mo 'yon... Matapos ang isang Linggong di ko siya nakakausap, tinawagan nalang ako bigla ng mama niya at sinabing wala na siya. Na iniwan na niya ako."
"DJ. You. You can't be referring to Louise."I stuttered after the realization dawned me.
"Alam kong magkaibigan kayo. Ilang ulit ka niyang binabanggit sa'kin. Hindi niya magawang ipakilala ako sa'yo dahil alam niya pala lahat tungkol sa mga magulang natin."
Naalala ko lahat! Lagi kong pinipilit si Louise no'n na ipakilala sa'kin 'yong mystery man niyang 'yon. Lagi siyang nagse-set ng date para makilala ko siya pero ang laging sabi niya ay di ito makakarating. Ang useless diba? Sa laki ng mundo, si Padilla pa pala ang lalaking 'yon!
"Kaya lagi kitang inaabangan don kina Tommy. Hinihintay kitang dumaan. Gusto ko lang ng kausap tungkol sa kanya. Walang ibang kaibigan si Louise maliban sa'yo. Pero ang sungit-sungit mo."
BINABASA MO ANG
To the Moon and Back °[KathNiel] ✓COMPLETE
FanfictionIn a world where only ordinary princesses are in, there wanders the divergent one whom everybody refers to as tomboy. However, unlike the other tomboys as they call her, she dresses in sophistication. She is a brat. And you might not want to know th...