QuaKer 17

5.8K 146 11
                                    

                                                         - Diego's POV -

FRIDAY. Freestyle ang suot namin. Ito 'yong pinakapaboritong araw ni CJ sa school. Nagmi-mistula daw kasing modelling agency ang campus. Ang daming nagsisilawang mga legs. Ang maniac talaga no'ng kumag!

"Look at the girl in red Diegs! Ang haba ng legs oh! Nakakaturn-on bro!" CJ started again. Kakasabi ko lang diba?

"No Diego. Wag kang papadala sa kamanyakan nitong si CJ! Haha. Have you seen that car? Ang bago diba? Kanino kaya 'yan? Bro! Audi! Nakita mo?"manghang sabi ni Daniel.

I turned to look at what he's referring. It's not the car that took my attention but the lady who alighted from it. Isang babaeng nakasuot ng dress at strappy sandals. Nakalugay 'yong mahaba niyang buhok.

Wait--- What???

"Hala! Is that Bernardo?" tanong nong usyoserong nasa kabilang bench.

"No! That ain't her. Wait--- Yeah! That's her!" 

Enough with them. Binalik ko 'yong atensiyon ko sa babae na diretsong naglalakad patungong classroom. It's really her. Binalingan ko sina CJ at Daniel na ngayon ay sinusundan ng tingin ang naglalakad na si Kathryn.

Without a warning, sabay kaming nagtakbuhan towards the classroom.

 "Kath! Wow! Ang ganda ah! Bagay sayo! Sabi ko sa'yo kahapon eh! " si Myles.

"Goodmorning Kath!" chorus nong mga classmates kong boys.

Ang lalandi ng mga lalaking yun ah!!! Biglang napatingin sina Kath sa may kinaroroonan namin. Napatingin din ako kay Daniel. Bakit siya nakasimangot?

"Hoy Bro!" 

"Ha?"

"Okay ka lang?"

"Gosh Kath! You're really so gorgeous." tili ulit ni Myles. Nagtinginan kami ni Daniel.

"Ah. Diego, babalik muna ako sa labas. I left something."

Anong problema nun? 

"Oy Bernardo! Ang ganda mo pala! Sana pala. Dati ka pa nag-ayos." komento nong isa naming kaklaseng lalaki.

"Shut up." sagot niya rito habang sinusundan ng tingin si Daniel na palabas na ng classroom.

Ano ba'ng meron sa kanilang dalawa. Sumikip bigla 'yong dibdib ko sa isiping may pagtingin sila sa isa't isa.

"Bakit?"

"Anong bakit?"she turned to me. I realized nasambit ko pala 'yon ng malakas. "Something wrong Diego?"

Did she she just utter my name? Phhewww!

"No. You're so... lovely."

---

                                                       

DANIEL'S POV 

Nakaharap ako ngayon sa salamin. Nanghilamos na ako ng maraming beses. Gusto ko lang  talagang matiyak na totoo yung nakita kong Kathryn. Feel ko tulog parin ako eh! Kasi sa panaginip ko lang nakikita siyang nakabihis ng ganon. Oo. Napapaniginipan ko siya. A lot of times. 

Hay! Para akong praning nito.

"Kath. Baka di ka na naman gumawa ng assignment." narinig kong sabi ni Myles.

To the Moon and Back °[KathNiel] ✓COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon