Fifteenth Chapter: SI AXE MAV ANGO DEODO

325 58 58
                                    

AXE MAV ANGO DEODO'S POV

Nanlaki ang mga mata ni Selphie na napakahaba ng pilikmata. Ang ganda!

Pero...

Epal yung mga pimples niya sa cheeks!

Chikababes pa naman sana ang katawan. Tsk tsk tsk.

Hayy.

Ako nga pala si Axe Mav Ango Deodo.

Ang bango ng pangalan ko noh?

Oo nga pala, magiging fiancè ko na si Selphie kung sakaling matuloy man yung paga-announce ng mga papa namin sa engagement namin.

Ang bata pa namin ano? Sixteen pa lang yata si Selphie kasi nga fourth year high school pa yun tapos ako naman eh kaka-eighteen lang.

By the way, tawagin niyo nalang akong Axe Mav. Naco-coolan kase ako nun eh.

"Dad, will you iskyus me a bit?"

Tumingala kaming lahat dahil bigla nalang tumayo si Selphie. Pinahintulutan naman siya ng dad niya. Baka magsi-c.r lang yun.

"So, future Parfum Le Axe company CEO, how's your first day at work? How's the newly invented baby cologne?" tanong ni Mr. Perpektino. Napakagulo nga'ng isipin kung bakit Perpektino ang apilyedo niya eh Amerikano naman siya. Hmm.. baka ampon lang kaya? Maybe nga..

I jerked nung kinalabit ako ni papa. Sa tagiliran pa naman din kung san nakikiliti ako. Tch.

(A/N: SOSYAL ANG PAGKAKASABI NG 'PAPA' NI AXE HA. YUNG PANG SINAUNA HAHA DE, JOKE. YUNG PANG MAYAMAN.. YOWN. K DOT.)

"Y..yes Mr. Perpektino. Actually it's not yet the right time for me to go to work. My papa just introduced me to the basics of the company. But I hope one day, I will be the man in charge. Oh and yes, the baby cologne smells great! It's right for the babies!" sagot ko naman sa kanya. Oh diba? Masyadong business minded kahit 18 palang?

Natanaw ko si Selphie na lumabas ng restroom. Nagtungo naman siya sa table namin.

Nahagip din ng mga mata ko na may ibinulong yung mama ni Selphie sa kanyang anak na lalake. Artista yata yun sa Korea eh.

"Dad, maybe Selphie and Axe should have a moment of their own. Omma and I think that they should get to know each other more so that there'll be no awkwardness between the two, don't you think?" biglang sabi nung kapatid ni Selphie.

Nagkatinginan naman ang mga haligi ng tahanan. Tumango-tango din naman sila sa suggestion nung koreanong kuya ni Selphie. Di ko pa nga pala alam pangalan niya. Tsk.

"Hmm.. I think so too. Alright, go ahead son, grab a table just beside the veranda." sabi naman ng papa ko kaya lumayas na ako sa kinauupuan ko at pinuntahan si Selphie na dahan-dahang naglalakad.

Ba't ba ang dahan niya?

"Hey" panimula ko upang maka-open ng conversation. Nakaupo na kasi kami sa spot kung saan gilid lang ng veranda. Magkaharap kami ni Selphie tapos I find it romantic din.

Nakatingin lang siya sa labas ng veranda habang naka-cross arms siya.

"Uy, sabi ko hi!" ulit kong wika habang ini-wave na talaga sa kanyang mukha ang aking kanang kamay na dahilan para humarap siya sa akin.

"Ay sorry, hello." emotionless niyang sabi habang nakatingin sa aking ngunit ibinalik din naman niya agad yung tingin niya sa labas.

"May problema ka ba?" di ko na tuloy napigilang magtanong. Ang tahimik niya kase!

Tumingin na ulit siya sa akin at sa pagkakataong ito, nagtama na ang aming gaze. Napakaganda talaga ng mga mata niya, parang yung mga bituin lang na kumikislap na tanaw ko mula sa labas.

"Problema ko?" aniya sabay patong ng mga palad niya sa mesa. "Ang problema ko... ahh wala." dagdag niya habang ibinalik ulit ang kaniyang posisyon kanina.

"Bakit mo ba ako tinitingnan?" tabong niya sabay taas ng kilay. "May dumi ba sa mukha ko?" dagdag niya ulit.

(A/N: GASGAS NA YANG LINYANG YAN! HAHAHHAHAAHAHAHAHAHHA SHEMS)

Oo. Yang mga pimples mo, epal sa maganda mong mga mata.

Gusto ko sanang sabihin yun pero alam kong masasaktan siya kaya itinago ko nalang sa aking sarili.

"Ahh sorry, wala lang.. bakit? Bawal na bang tumitig sa magandang dilag?" pagbibiro ko sa kanya na dahilan para mamula siya. Ang cute niya ha!

"Asus, nambola pa ang pogi! Ge, usap nga tayo.. ano topic natin? Bored ako eh." sabi niya. Naku! Hindi naman yata siya masyadong madaldal noh?

Nginitian ko siya at pinalabas yung kumikislap kong mga ngipin sabay labas din nung mga malalalim kong dimples.

"Ay teka, totoo ba talagang ikakasal na tayo?" tanong niya habang unti-unting yumuyuko.

Hinawakan ko naman yung chin niya para mai-angat yung ulo niya.

"Hindi pa naman tayo sure hanggang sa i-announce nila yung engagement." sagot ko naman sa kanya.

Napabitiw ako sa kanya nung bigla nalang nag-abot yung mga kilay niya.

"Wait lang ah, magsi-c.r lang muna ulit ako." aniya sabay tayo.

"Bakit? May problema ba sayo? May sakit ka ba?" dire-diretso kong tanong sa kanya.

"Wala naman. Dumadalaw kasi si mother earth ngayon eh pero wala akong dalang napkin kaya nagpapalit-palit nalang ako ng tissue. Sige, balik lang ulet me." napanganga ako sa sinabi niya. Ang cool niya! She's so frank and blunt! I think I'm beginning to like her na!

ABANGAAAAAAN......

(A/N: ANSAVE NG DALAW? WHOOOT! OH MAY BAGO NANAMANG SULPOT SA KWENTO! SANA MAGUSTUHAN NYO SI AXE! WALANG PAKIALAMAN SA TYPOS! *BOW* PS. ANG BAGO NG KILI KILI NIYA! SHEET! FOLLOW. VOTE. COMMENT. LIKE. SHARE. TWEET. HEART IT. PIN IT. CHUVA EKEK.

LOVE, BONGGANGFEELINGOWTOR)

The Clichè StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon