26th Chapter

240 44 40
                                    

AXE MAV'S POV

Dismissal na nila Selphie at sa nakaugaliang gawain ng isang buwan, ako nanaman ang sundo niya.

Pero..

May gagawin akech na iba.

Nakita ko na si Selphie na lumalabas ng school building at kasama nanaman niya ang bestfriend niyang si Neneng. Medyo close narin kami niyan kasi ako ang nagbigay ng advice sa kanya noong sabog na sabog ang fes ni sisterette.

"Hey!" bati ko sa kanila.

"Ano na Axe Mav? May plano ka hindi ba?" ay! Grabe naman bumati si Selphie oh!

"Dear, bakit ka naman ganyan bumati sa fiancè mo?" arte ko sa kanya. Kailangan kasi namin umarte na 'kunyare sweet' kasi nga ikakasal na kami hindi ba? Well.. sad to say, I'm gay but I'm inlove with Veronica who happens to be bearing my child.

Oh devah?

Chumacharot! Pagdating lang talaga kay Veronica, nagiging brusko ulit ang pag-iisip ko! Tsaka puso! Tsaka actions! Tsaka pananalita! Kaderder man pakinggan o mabasa, it's the truth naman eh.

Naparoll eyes naman si Selphie. Ewan ko ba pero simula nung nabasag mukha ng bestfriend niya, hindi na siya yung demure but awkward girl na una kong nakilala. Ewan ulit pero, people change talaga. Hayssss.

Napailing naman ako at bigla namang nahagip ng aking mga paningin si Veronica. Kakalabas lang din niya ng school building at hawak-hawak pa niya ang bag niya. Medyo nahihirapan din siya.. mabigat siguro.

Pinasakay ko naman sina Selphie at Neneng sa BMW ko na color yellow at nagtungo ako sa kinaroroonan ni Veronica. Kinuha ko naman ang bitbit niyang bag.

"You need a lift?" tanong ko sa kanya sabay kindat. Ngumiti naman siya.. pero... bakit parang bitter smile?

"No, not really needed Axe. May ihahatid ka pa oh." sabi niya sabay turo sa yellow BMW ko. Nakadungaw pala sa Selphie sa bintana.

"No. Really, it's okay Veronica. Okay lang din naman siguro sa kanila eh and I think I have a responsibility." pagi-insist ko naman. Wala din siyan nagaw dahil nga hawak ko ang bag niya at nagtungo narin kami sa sasakyan ko.

Nasa passenger's seat si Selphie kaya pinaupo ko nalang si Veronica sa back seat kasama ni Neneng. I'm not really sure pero ramdam na ramdam ko ang tensiyon sa loob ng sasakyan.

Wala kasing umiimik eh. Akala ko pa naman mag chichikahan silang tatlo dahil nga classmates sila pero I think I'm wrong. Maybe they're classmates but something is going on between them.

"Teka Axe Mav, itigil mo nga muna 'to at bababa ako." biglang sabi ni Selphie  ikinagulat ng lahat."Veronica, palit tayo ng upuan." dagdag niya. She didn't even spare Veronica a glance!

Hininto ko nga naman ang sasakyan sa gilid ng kalsada. Safety first. Bumaba din naman si Selphie at si Veronica. Nagpalit sila ng upuan kaya naman katabi ko na si Veronica at si Selphie naman ay nasa tabi ni Neneng.

Iniandar ko na ulit ang makina at humarurot sa pagtakbo. Okay exaherada na yun. Sakto lang ang takbo ko kung ayaw kong maticketan ng MMDA. Napansin ko rin na less awkward na yung atmosphere at nakakaginhawa nang mahinga si Neneng. Ewan ko nga kung bakit eh.

After a mile, nadrop-off na namin si Neneng. Ngayon naman, papunta na kami sa bahay ko. Hindi iyon alam nina Selphie at Veronica. Kaya naman nagtanong sila.

"Uy Axe Mav! Hindi ito ang daan papunta sa mansyon ko ah?!" sigaw ni Selphie habang inaalog-alog ang balikat ko.

"For safety's sake Selphie! Nagda-drive ako oh!" sigaw ko sa kanya na dahilan para mapatigil siya sa ginagawa niyang torture sa akin.

"Axe, hindi din ito ang way papunta sa condo ko." mahinahong sabi Veronica.

"Wait lang, chill lang din kayo. Papunta lang naman tayo sa main house ng Deodo eh." cool kong sabi sa kanila.

"Huwat?!/What?" sabay na sigaw/tanong ng dalawa.

Bahala sila. Ang iingay nila kaya bibitinin ko sila!

Bibitinin sa balita! Ano ba kayo! Hindi ko sila kayang patayin noh!

SUBAYBAYAN.........................

(A/N: LAST FIVE CHAPTERS NALANG AT MAGWAWAKAS NA ITEY! WALANG PAKIALAMAN SA TYPOS DAHIL HINDI AKO NAGWA-WASTE NG TIME PARA MAG BACKREAD, PROOF READ AT EDIT! INTIENDES?! BOTO NA! KOMENTO NA! SUNOD NA! MWAHMWAH TSUPTSUP! hart hart <3 <3

LOVE, BONGGANGFEELINGOWTOR)

The Clichè StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon