SELPHIE'S POV
Matapos kong tapusin ang relationshit namin ni Carrotspoon, tumalikod na ako sa kanya at lumingon akong muli.
Ngunit sa paglingon ko, masasaktan lang pala ako.
Tumakbo kasi siya sa kinaroroonan ni bff Neneng tapos naghalikan sila.
Ajujujuju
:(
:"(
="<
Ang sakit lang! Hindi nga kinaya ng emoticons eh! Ajujuju ulit </3
Tumakbo nalang ako papuntang restroom at pumasok ako sa isang stall sa girls' c.r. Alangan namang sa boys' eh babae ako! Duh.
(A/N: MADRAMA 'TO SELPHIE! WAG KANG PILOSOPO!)
So yun nga.. umiyak ako dun.
Ajujuju nanaman...
(A/N ULIT: TEKA GUYS, BIGLANG NAGBROWNOUT! NAKAKATAKOT! SHEMAY!)
So balik na nga sa story!
Bigla nalang naihi tsaka umihi ako, duh. Pagkatapos ay tinanggal ko yung napkin ko. Puno na kase eh, kailangan ko nang magpalit.
Dumukot na ako ng napkin na nasa bulsa ng skirt ko nang..
*kreeeeeeeeeeeeeeek* (sound effect ng pagbukas ng pinto)
Ay!
Bumulagta sa akin si DeejayBinoy na nanlalaki ang mga mata! Anong ginagawa niya dito? Bigla namang dumapo ang kanyang mga titig sa ibaba ko.
Shemay!
Binaba ko nga pala yung skirt ko tsaka panty kasi nga magpapalit ako ng napkin!
"AAAAAAAAAHHHHHHHH" sigaw ko. Oo na-narrate ko pa yung pagsigaw ko. Ang taray talaga!
Napanga-nga naman siya. Dahilan para isara ko yung bunganga niyang nakabukas at lumipad naman ang kanyang mga tingin sa mata ko.
Dali-dali ko din namang ipinataas ang nakababa ko panty tsaka skirt. Mamaya nalang akong magpalit ng napkin pagkatapos mawala ni DeejayBinoy.
"Huy!" bulyaw ko sa kanya at mukhang natauhan din naman siya dahil kumurap-kurap pa yung mga mata niya tsaka lumunok din ito ng laway.
"Ano--"
"Ay sorry!" sigaw niya sa akin sabay talikod at aba! Pinutol pa yung sasabihin ko!
"Ano nga ba kaseng ginagawa mo dito sa girls' c.r ha? Manyak ka ano?!" pabalik ko ring sigaw sa kanya. Mabuti nalang at walang tao dito sa restroom kundi.. patay!
"N..nakita kas..e kit..ang tu..tumatakbo papun..ta ri..rito." sagot niya na para bang nagi-istammer. Ay wait, nagi-istammer na nga siya! At dahil dun, lihim akong napangiti. Ang cute niya kase pakinggan!
"Eh bakit mo naman ako sinundan?" bigla kong tanong kase nga naman diba, ano bang pakealam niya sakin? Eh magjowa naman sila ni Veronica, right?
"Ha? A..ahh.. wala l..lang. U..umiiyak k..ka kase eh" aniya sabay dukot ng panyo sa bulsa niya ipinahid yata sa noo niya.
Oo pansin ko yun kahit nakatalikod siya sa akin. Eh obvious kaya! Ang lapit lang kaya namin! Like duh, mga two steps lang kaya!
"Ahh.. okay.. so, pwede ka na bang umalis?" tanong ko sa kanya. Pero hindi ko siya tsinu-tsupe ah. Kailangan ko na talaga mag-change kundi matatagusan ako ne'to!
"O..oo! Oo nga! S..sige! Ba..bye!" sabi niya sabay takbo ng pagkabilis-bilis.
Napabuntong hininga ako ng sobrang lalim.
Hayyyy..
Inihubad ko ulit yung skirt ko kasunod naman yung panty ko at inilagay na dun ang napkin ko. Tapos iniangat ko ulit at, viola!
Ang gaan sa pakiramdam!
Napansin ko nga din pala na tinagusan yung panty ko pero maliit na splat lang din naman iyon eh.
Grabe kase kapag second day dalaw ni mother earth sakin, kung umagos kase, wagas!
Ay!
Akala niyo ba nakalimutan ko na yung about kay soon to be fiancè kong beki?
Hindi noh! Nag-usap pa nga kami kagabi sa kotse, tapos sinabi ko sa kanya lahat ng nangyari sa'min ni Carrotspoon. Siya nga yung nag-advice sa akin na maghiwalay nalang daw kami kase obvious daw na gusto ni Carrotspoon yung bff ko.
Kase nga..
Maganda siya kahit jejemon. Eh ako daw, andaming pimples!
Bahala na nga! Eh marami naman akong pera, pwede naman akong magpa-derma para gumanda diba?
Simula mamayang uwian, makikita nilang lahat ang aking kagandahan! Pupunta ako sa mall o ospital na mamahalin at magpapaderma ako with diamond peeling!
Sigurado akong maglalaway sila!
Pati ikaw na nagbabasa!
*flips hair*
*wink*
SUBAYBAYAN..............
(A/N: YOWN, BIGLA DIN NAMANG BUMALIK YUNG KURYENTE HAHAHA ADIK LANG. SO, ANO MASASAVEH MO SA CHAP NA ITEY? PANG-APAT KO NA 'TONG UD NGAYONG ARAW PARA DITO! SANA UMABOT NAMAN KAYO SA QUOTA KO! YUNG 100 VOTES? TAE KAYO! FOLLOW. VOTE. COMMT. SHARE. LIKE. TWE. RETWEET. REBLOG. REPOST.
LOVE, BONGGANGFEELINGOWTOR)