DEEJAYBINOY'S POV
Matagal-tagal na din akong hindi nagka-pov ah.
(A/N: NAMISS KA NA NG READERS! DAHIL SA KA-COOLAN MO!)
Ah..
Ikalawang araw na pala ng pagiging..
Contract boyfriend ko kay..
Vino?
Ano nga pangalan niya at apilyedo?
Kulafu?
Ay ewan.
Kagigising ko lang at papunta na akong eskwelahan nang may biglang kumatok sa pintuan ng bahay.
Papalabas pa kasi ako ng bahay.
Binuksan ko ang pinto at bumungad sa akin mukha ng babaeng nagmumukhang clownsa sobrang kapal ng make-up na nakapintura sa mukha niya.
"Oh?" cool kong tanong sa kanya kasi cool ako.
"Sabay na tayo babyboo!" malandi niyang sabi sabay ipit ng buhok niya sa kaliwa niyang tenga na puno ng dangling earrings.
"Tsk" yun nalang ang nasagot ko dahil inulupot na niya ang kamay niya sa braso ko.
- sa school
Habang naglalakad kami sa hallway, may nahagip ang mga matutulin kong mata. May babaeng tumatakbo patungo sa restroom, umiiyak.
"Teka lang Vino" panimula ko upang makapiglas sa nakapulupot niyang kamay.
"Anong Vino? Grabe ka naman DeejayBinoy! Kahit dalawang araw na tayo mag-on, di mo pan alam kumpleto kong pangalan? Veronica Makatilandi nga sabi eh!" inis niyang sabi sabay tanggal ng kamay nya at nag cross arms siya habang nag-abot naman yung kilay niya.
"Tch. Ok. Veronica, magsi-c.r lang ako, una ka na sa classroom mo di na kita maihahatid" sabi ko sabay smirk.
"Okay babyboo, sabay tayo magrecess, maglunch at umuwi ah!" aniya sabay wave ng kamay niya sakin kasi kumaripas na ako ng takbo papuntang restroom.
Nasa corridor na ako ng kubeta ng eskwelahan.
Sakto namang may babaeng lumabas at nung nakalayo na siya, sinilip ko ang girls' c.r.
Wala ng tao..
Pero..
May nakasaradong stall..
At may naririnig akong babaeng umiiyak.
Kaninong boses yun?
Baka sa multo?
Hindi ako natatakot kasi mas matapang ako kasi nga astig ako.
Pumasok ako sa girls' c.r at marahang itinulak yung nakasaradong pinto ng nasa dulo na stall.
Hindi din naman kasi yun nakalock talaga.
Pagkabukas ko..
Ay..
Walanjo.
SUBAYBAYAN...............
(A/N: ANONG MASASABI NIYO? PABITIN EFFECT MUNA PARA COOL TULAD NI DEEJAYBINOY! AMININ NIYO! NAMISS NIYO SIYA NOH? AYEEEEE! WALANG PAKIALAMAN SA TYPOS. VOTE. FOLLOW. COMMENT. TWET TWET. LIKE. SHARE. RETWEET.
LOVE, BONGGANGFEELINGOWTOR)