Party

450 4 0
                                    

Uwian na namin ng madatnan ko si Marj papuntang cafeteria

Ako: Marj!

Tawag ko sa kanya pero di siya lumingon

Di niya ata ako narinig at nasa loob na siya ng cafeteria, wala na rin akong choice kaya hinayaan ko ang sarili ko na pumunta na rin doon. Pagkapasok ko, unang nakita ko isang lalake na nakaupo sa bandang gilid. Nakahood, di ako nagkakamali, si Peter yun. Di ko na pinansin at hinanap si Marj, maluwang din kasi ang cafeteria dito kaya di ko agad mahanap si Marj, dumaan ako papuntang CR baka nandun siya, maya maya ay may humawak sa balikat ko

Peter: Sino hinahanap mo?

Nagulat ako, dahil alam ko na kung sino ang nasa likod ko

Ako: Wala

Sabay ng paglingon ko sa kanya, medyo malumanay lang ang pagkasabi ko

Peter: Nandoon siya sa loob ng CR

Ako: ahhh ganun ba? Bat mo alam na nasa... loob siya?

Peter: Nakita ko na pumunta siya doon

Ako: Sinabayan mo?

Peter: Hindi... Edi sana nandoon na rin ako sa loob ng CR ngayon

May point siya, bat ko pala natanung yun?

Ako: Ahh hehe ay sorry

pero sa totoo lang, nabwibwisit ako na ewan

Marj: Oh Justin!

buti lumabas na din

Marj: Peter?!

What?

Marj: Matagal na kayo magkakilala?

Ako: Wait wait!! Magkakilala kayo nito?

Tanong ko kay Marj at tinuro ko si Peter

Marj: Oo...., kababata ko siya dati, magkapitbahay kami noon, Peter kamusta kana? Kailan ka lumipat dito?

Peter: Ngayong araw lang, kalilipat ko nga lang ngayon eh

Marj: Anong kinuha mong strand?

Peter: STEM

Marj: Edi magkaclassmate kayo ni Justin, right?

Tumingin si Peter sakin

Ako: ahh yah, classmate ko siya

Marj: So... bat pala kayo nandito? May something ba?

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya

Ako: Ahh!?? Wa-wala!, hinahanap kita kaya ako nandito

Peter: Kala ko ba wala kang hinahanap?

Ako: Ahh nagbago isip ko, may hinahanap pala ako, si Marj

Peter: ay ganun. Okey....

Marj: Um... sige mauna na kami ni Justin, may pupuntahan pa kami mamaya, see you tomorrow nalang Peter, nice to meet you, Bye!

Hinila ni Marj ang kamay ko at tuluyan kaming umalis sa cafeteria

Peter: Nice to meet you too!

Lumingon ako sa kanya kung sakaling sinundan niya kami, tiningnan ko siya at nakatingin lang siya sa amin habang nakangiti hanggang sa nakalabas kami ng cafeteria

Marj: Uy Justin! Anong meron doon?

Ako: Ah? Wala!

Marj: Bat magkausap kayong dalawa doon?

Ako: Diba nga hinahanap kita doon?

Marj: Hinahanap mo ako? Eh bakit kausap mo siya?

Ako: Eh siya naman kumausap sakin, bawal bang kumausap sa ibang tao?

The Life of Bi (Bisexual Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon