Self

1.6K 20 3
                                    


     Ako nga pala si Justin Grey, 16 years of age. Mga nasa 5'5 ang height ko, medyo maputi, medyo mapayat, matangos ang nose at may highlights ang hair ko, color dark brown, semi mohawk. Bisexual ako, parang gay na din, kasi ako yung tipong bakla na hindi nagsusuot ng pambabae at hindi gumagamit ng make up, kung tutuusin mukha talaga akong tunay na lalake, pero sa puso ko, nagmamahal ako ng kapwa ko lalake. Tanggap ako ng parents ko, actually sila talaga nakaalam na bi na ako since grade 8 ako, dun ko na tinanggap ang sarili ko na kasali ako sa LGBT. Ang kasama ko sa bahay ay ang tita ko lang, nasa ibang bansa kasi ang mama ko at ang tatay ko ay nakikapitbahay sa iba. May kapatid ako, si Ate Julie, may asawa na siya, kasama ni mama, dun kasi siya nagwowork.

*******

Kasalukuyan kaming nasa park sa isang kubo kasama ang mga barkada ko. Actually vacant time namin ngayon. 1 week na kami magkakasama sa school. After namin magmoving up sa Junior High School, parati na kaming magkakasama, sa bahay, sa bahay ng isa, kahit saan. Pero ngayong Senior High School na kami, magkakaiba na ang strands namin. Kaya minsan minsan na kami nagsasama

Kate: Justin, papasa ako ng musics mo, naformat memory card ko eh

Ako: nanaman?? Kakapasa mo lang kahapon ah

Kate: eh... yun nga. Basta papasa

Ako: papasa? Baka iba ang ipapasa mo diyan ah? Wala ako nun

Kate: Loko nito! Hampasin kita ng long-legged ko

Si Kate nga pala, isa sa apat na barkada ko, siya ang girly sa aming group. Siya yung tipong lahat dapat maganda at color pink ang color. Siya rin ang pinakamaganda sa campus namin, di ko lang alam kung siya nga. Sanay na siya sa mga pageant kaya lakas maka confident kung minsan. Maputi at straight ang buhok, di naman siya maarte, mukha lang. ABM pala ang kinuha niyang strands

Jude: Justin, pano pala yung P.E. niyo? Naglaro kayo ng basketball?

Ako: Hindi...

Jude: Ano ay?

Ako: Hindi ako naglaro ng basketball

Jude: Bakit?

Ako: eh pano, di ako marunong maglaro nun

Jude: Edi wala kang grade nun?

Ako: kaya nga babawi ako eh

Eto naman si Jude, basketball player, varsity pa. Magsyota sila ni Kate, oh diba? Mas matangkad siya kaysa sakin, moreno, makapal ang kilay at matangos ang ilong, tsaka sobrang gwapo niya, isa sa mga hearthrob ng campus. Mahilig din sa mga sasakyan kaya minsan sa kanya ang service. Sports naman ang kinuha niya

Marj: Anong oras na Justin?

Ako: Its.... 5:37??

Marj: Uwi na tayo guys?

Kate: saglit lang! Nagpapapasa pa ako!

Ako: Bukas na yan

Kate: malapit na!

Marj: tara na! May gagawin pa akong assignments

At ang panghuli ay si Marj, siya naman ang maliit samin, nerdy at sobrang yaman. Matalino na nga, mayaman pa. Pero ang totoo, mukha siyang normal kung mamuhay. Nasa ibang bansa ang parents niya, only child pa! May 6 na maids, 3 guards, may sariling bahay, ay hindi, MANSION ang bahay niya. Pero ang totoo talaga, ayaw niya lahat ng mga yun, ang gusto niya lang ang makasama ang parents niya. Lungkot diba? Kaya minsan lahat ng pera niya, nakatambay lang sa bangko o minsan naguutang kami sa kanga kung wala kaming pera pero di na namin binabayaran dahil nakakalimutan niya din. GAS ang kinuha niyang strands

The Life of Bi (Bisexual Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon