Hangover

251 7 0
                                    


Peter: Samahan na kita Justin

Ako: sasamahan mo ako?

Peter: oo, najijingle din ako eh

Di na ako tumanggi dahil umalis na din ako agad, di ko na siya hinantay pa. Medyo may tama na din ako pero kaya ko pa naman sarili ko. Habang nagkwekwentuhan kasi kami doon, sinasabayan namin ng pag-inom ng san mig. Di ko nalang pinansin kung sumusunod siya sakin

Peter: uyy, san ka ba pupunta?

Ako: iihi? Bakit ba?

Napansin ko din na di ko alam kung saan ako pupunta, naghahanap ba ako o kusang gumagala ako. Basta kung saan ako idadala ng mga paa ko.

Nakarating ako sa isang convinient store at dun na ako umihi

Peter: ang layo ng napuntahan natin ah

Ako: bat ka kasi sumunod?

Peter: bat ang sungit mo?

Ako: ako? Masungit?

Bakit nga ba? Bakit ang sungit ko sa kanya, Hala nababaliw na ba ako?

Peter: hayy naku, lasing ka na siguro Justin

Ako: ako? Lasing? Hindi nuh

Peter: Halata na nga eh

After ko umihi, naghilamos ako para mausawan ako, medyo lasing na siguro ako pero bat ang bilis naman? Di na ba ako nasanay? Tagal na din kasi pero di naman madalas ang inuman namin. Minsan lang, tsaka hanggang san mig lang kami at empe, yun lang talaga. Nakatingin lang ako sa salamin, at tinitingnan ang sarili. Halata na nga, namumula ang mukha ko. Nagkalat na din ang eyeliner ko. Naku marami pa pala akong di nakwekwento sa inyo. Diba ang fav. ko ang music, kaya nababagay ko sa sarili ko ang pagiging rock, so madalas akong nakablack and white or gray, basta mga dark colors. At madalas akong nakacap at ripjeans. At yun nga nakaeyeliner ako, pero di naman masyado makapal. May hikaw ako sa isang tenga ko. At may bago, may highlight akong gray color sa buhok ko, sa may gilid. Yun lang porma ko, emo kumbaga.

Biglang may humawak sa balikat ko

Peter: okey ka lang, Justin?

Ako: may panyo ka?

Peter: eto oh

Kinuha ko ang panyo at pinangpunas ko sa mukha ko.

Peter: wala bang... thank you?

Binigay ko ang panyo at

Ako: Salamat Peter

Ngumiti lang ako at umalis ng CR

*******

Pabalik na kami at nandun pa din sila, nakita ko si Tita na nag-eenjoy siya ngayon. Masaya siya kahit kami lang kasama niya. Napansin ko din na kausap niya si mama thru skype. Buti sila nakakapagskype sila, pero ayaw ko din kasi pagskype. Mas okey pang call nalang, mas naiintindihan ko pa ang pinaguusapan namin. Pero nag-uusap naman kami minsan sa skype pag may ipapakita siya o gusto niya ako makita

Tita: JUSTIIIN!!!!

tawag sakin ni tita, pumunta naman ako agad at yun nga, gusto naman ako makita ni mama. Nag "hi" lang ako, nagkamustahan. Nagkwenkwentuhan pa rin sila at nagtatawanan. Ngayon lang ako naOP sa pinaguusapan nila, naku may tama na din tong mga to. Tiningnan ko ang oras

10:38 pm

Gabing gabi na. Pero di pa ako inaantok. Nakita ko din si Marj na inaantok na. Nagulat nalang ako sa nakita ko na nakasandal si Marj kay Peter. Anong masama doon Justin? Wala naman diba? Kaya wag kang apektado. Kumuha ako ng dalawa pang bote ng san mig at umalis, pero pinigilan ako ni tita

The Life of Bi (Bisexual Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon