Monday

165 5 0
                                    

After namin kumain, gumawa ako ng milo shake ng dalawa, tig-isa kami ni tita. Pumunta na agad ako sa kwarto ko. Humiga muna ako dahil sa nabusog ako sa kinain ko kanina. Di na nga ako makagalaw ng maayos, tanging kamay lamang ang naigagalaw ko ng maayos

Naalala ko bigla, di pala ako nakapagreply kay Dave

'Ulol! Anong babalikan ka dyan! Hahaha... kaw ah'

Send

Tinext ko din si Unggoy ko syempre

'Tapos na po ako kumain unggoy ko'

Send

Iniwan ko muna ang phone ko sa bed at kinuha yung milo shake para inumin. Ang sarap lang kasi madami akong nilagay hahaha, limang kutsara sa isang basong jar at unti lang na tubig at maraming ice. Nilalagyan ko rin kasi ng chocolate syrup at durog na oreo. Nagtext ulet si Dave at si Peter din nagreply agad

Dave: 'Grabe ka sakin ah, parang wala naman tayong pinagsamahan dati ah'

Pinagsamahan talaga? Anong gusto niyang iparating sakin?

'Ewan ko sayo! Hahahaha matulog kana, maaga ka pang aasa bukas hahaha'

Send

Peter: 'mabuti naman kung ganun unggoy ko, anong ginagawa mo na ngayon?'

Nireplayan ko rin agad

'Nakahiga lang unggoy ko, katext ka, ikaw po?'

Send

Uminom ulet ako ng iniinom ko. Ang sarap talaga neto, nakakabrain freeze ang pelo

Nagtext nanaman si Dave, kailan ba to titigil? Naaasar na ako ah

'Saan pa ako aasa kung nasa iba na siya?? Kawawa naman ako'

Ano bang sinasabi netong mokong nato? Nacucurious na ako ah

'Matutulog na ako, good night!'

Send

Nagreply din si lablab ko

'Nakahiga din unggoy ko, namimiss na kita agad'

Uhm.... kinilig ako, naku naku rereply ako agad syempre

'Ganun din ako unggoy ko, namiss kita'

Send.

Tumayo ako ng magring ulet yung phone ko, may tumatawag... si Dave!

Kinuha ko agad yung phone ko, siguro tumagal ng ilang seguno bago ko sinagot pero nagaalanganin ako. Ano pa bang sasabihin netong lokong to. Walang anu- anuy sinagot ko din

Ako: hello?

Dave: hello Justin!

Ako: oh bakit ka napatawag?

Dave: hmmm... wala, may itatanong lang sana ako sayo

Ako: ano yun?

Dave: matutulog ka na ba?

Bago ako sumagot, nagisip isip muna ako, alam ko mag aaya ito eh

Ako: bakit ba?

Dave: yayain sana kita

Sabi na nga eh

Ako: saan naman?

Dave: sa bahay kung gusto mo lang

Ako: ano namang gagawin ko dun?

Dave: ehhh... ikaw? Kahit ano, tambay ka dito, kahit dito ka na matulog

The Life of Bi (Bisexual Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon