Shower

218 2 0
                                    


Yes! Makakaupdate din ako sa wakas! Long long long time no update. Sorry guys. Babawi po ako this time. Tatapusin ko po ito

P.S. natawa ako sa story ko, pelo

**********

Eh yun nga, nabusog ako sa fries at kwek kwek na binili ni tita sa labas. Maya maya nakatingin na sakin si tita, di ko alam kung kakainin ako neto o ewan. Naiirita tuloy ako sa itsura niya, pangiti ngiti na sakin, taas taas kilay pa

Ako: TITA!?? ANO BA?

Tita: baka kasi nagsisinungaling ka lang sakin

Ako: Tita? Kailan pa ako nagsinungaling sayo? Hmp

Tita: hahahaha kailan ba?

Ako: hayysst

Tumayo ako at kumuha ng tubig sa Ref. Habang umiinom ako, nasa akin pa yung mata niya

Ako: Oh my God!

Umalis nalang ako bigla at lumabas ng bahay na hindi ko man lang naisip lumabas ng bahay. Nasaan ka na ba Peter? Babalik ka pa ba?

Bigla nalang akong nagulat ng may nanggulat sakin (malamang magugulat ka talaga)

Ako: AY BAKLA KA!

Vam: ha? Bakla?

Ako: Vam?

Vam: ako bakla?

Ako: ayy, so-sorry... ginulat mo kasi ako eh

Vam: sorry na

Ako: bat mo kasi ako ginulat? At tsaka bat nandito ka? Pano mo nalaman ang bahay ko?

Vam: ahh umm diba hinatid na kita dito before?

Ako: hinatid?......

Naloading ako bigla.

Ako: ahhh oo....

Vam: oo, nung tinuruan kita noon mag--

Ako: magBASKETBALL!

Vam: ahh hhahaha oo yun nga

Ako: aye hahaha. Ano palang ginagawa mo dito?

Vam: uhm, binibisita ka?

Ako: ako? Bibisitahin mo?

Vam: oo, bawal ba?

Ako: ahh ehh di naman, pero...

Vam: pero ano?

Ako: eh basta! Bakit mo ba ako binibisita?

Vam: ahh gusto sana kitang yayain ulet

Ako: ng?

Vam: maglaro ng.... basketball

Ako: ayy hehehe tapos na yung P.E. namin diyan eh hahaha...

Vam: ganun ba, bat ayaw mo na maglaro?

Ako: eh kasi, di ko hilig maglaro ng basketball. Wala ka bang pwedeng tawagin na iba? Yung mga barkada mo, classmate mo, yung marunong maglaro...

Vam: ikaw ang gusto kong makalaro eh

What the f**k!!! What is happeninggggg!!!

Ako: a-ahh ha!!??

Vam: bat gulat ka?

Ako: bat ako?

Peter: UNGGOY!!!

Gosh! Si Peter nandito na!

Ako: Peter?

Lumapit samin si Peter at di ko alam kung anong mangyayari....

Ako: ah um.... Peter si Vam--

The Life of Bi (Bisexual Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon