Meet

143 3 0
                                    


Nakarating kami sa bahay ng madatnan namin si Ate Joy na nakaabang sa salas. Saka lang namin namalayan ng magsalita siya. Nanonood lang siya ng tv, habang kami naman nasa bandang paakyat na. Nakatalikod siya samin dahil nasa likod lang ng sofa na inuupuan niya ang stairs papunta sa taas kaya di pa niya kami nakita

AteJoy: san ka galing aber??

Ako: huh?

AteJoy: san ka ga--

Bago pa niya ituloy ang sasabihin niya ng makita niya na kami. Napahinto siya, pero ewan di ko alam. Nagulat siguro siya ng makita niya si Peter

AteJoy: ikaw?

Tiningnan ko si Peter at mukhang nagulat din sa nakita niya. Anyare?

Peter: ikaw?

AteJoy: i remember you! Hmm...

Ako: oy? Ano to?

Peter: ate mo?

Ako: oo, siya nga

AteJoy: naalala ko na! Sa 7/11 kita nakita, mga gabi na yun. Naninigarilyo ka pa nga eh

Ako: ano?

Tiningnan ko si Ate at si Peter ng pagtataka

AteJoy: yah, nakita ko siya before bago pa ako pumunta dito sa bahay. Ikaw pala ang boyfriend ng kapatid kong to. Masungit ba tong boyfriend mo Justin?

Ako: ha!?

Sabay tingin ulet sa kanya at nagtataka pa din

Ako: anong meron? Nag-nagkita na kayong dalawa?

AteJoy: oo,

Peter: oo,

Sabay nilang sinabi yun. Di ko alam kung sino ang tititigan ko sa kanila, palipat lipat ang mga mata ko sa dalawang to

Peter: uhm, oo nakita ko na si ate mo nung gabing... gabing dumating ako sa bahay niyo nun

AteJoy: ahhhh... kaya pala...

Ako: anong kaya pala??

AteJoy: kaya pala mukhang malungkot siya nung gabing yun, sinusungitan pa niya ako

Ako: malungkot?

Tumatakbo ang isip ko at nakakakuha ng idea sa mga sinasabi nila. Di ko alam pero may lumalabas sa utak ko

Ako: tapos?

AteJoy: tapos... ayun, umuwi na rin siya nung time na yun

Ako: ahh, ate taas na kami sa kwarto. Later na tayo mag-usap hehehe

AteJoy: yah, sure

Umakyat na kami sa taas at pumunta na ng kwarto kasama si Peter. Agad agad kaming pumasok at nilock ang door. Napahiga si Peter sa kama ko at ako naman nagtanggal ng sapatos.

Ako: ano raw yun Unggoy?

Peter: anong ano?

Ako: tungkol dun

Peter: kanina? Si Ate mo?

Ako: oo, nakita ka raw niya eh

Peter: ano palang pangalan ng ate mo?

Ako: Ate Joy yun

Peter: ahh, ate Joy

Ako: so ano nga?

Tumalon ako sa kama at tumabi kay Peter ng nakatagilid

Peter: yun? Ahhh, nakita ko siya sa 7/11 tumambay ako dun nung araw na dumating ako dito sa bahay niyo

The Life of Bi (Bisexual Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon