Joke

295 4 0
                                    

Dumeretso ako kila Kate kung saan nandoon sila nagsasayawan at nagkakasiyahan

Marj: Uy Justin! San kayo nanggaling?

Ako: Ah? Kami?

Marj: Oo, kasama mo kaya tong si Peter

Ako: Ah!?

Lumingon ako sa likod ko at yun nga, sumunod pala siya sakin hanggang dito

Peter: Sumunod ako sayo, sinabi ko naman sayo kanina na sasabay ako diba?

Di na ako nagsalita at tuluyan na siyang lumapit sakin at sinabing

Peter: Friends na tayo diba?

Sabay kindat, umalis siya sa pwestong yun at nakisabay sa kasiyaan ng mga tao

Kate: Justin!!

Tinatawag nila ako sa sandaling di ako makaimik sa nangyari kanina

Ilang sandali ay lumapit na rin ako sa kanila

Kate: Justin! Sayaw tayo!

Ako: Um sige lang, kayo nalang hmm masakit yung..... yung paa ko

Rason ko dahil ayokong sumayaw. Pero sa totoo lang, gusto ko pero di ko alam, di gusto ng mga paa ko pumunta

Napansin ko pala na ako lang ang nandito sa pwesto namin, halos lahat sila nagsasayawan, maganda kasi ang music

[I Took A Pill In Ibiza - Mike Posner]

Habang nakaupo ako mag-isa, nag-eemot. Biglang may tumabi sakin, si Peter nanaman!!!

Peter: Oh? Bat mag-isa ka diyan?

Di ako sumagot, tumingin lang ako sa kanya

Peter: Ayaw mong sumayaw?

Ako: Ayoko

Peter: Bat ayaw mo?

Ako: Kasi nga ayaw ko!

Peter: Galit?

Ako: Galit ba ako?

Peter: Oo

Inirapan ko siya, hanggang sa di na ako mapakali, tumayo ako at umalis sa pwesto namin

Peter: Oh san ka pupunta?

Sumunod din ang gago

Ako: Doon!

Peter: Saan doon?

Ako: Sa America!

Peter: Sama ako

Ako: Di pwede!

Peter: Bakit naman?

Ako: Bakit ba kasi?

Peter: W-wala... bawal ba?

Ako: Hindi!

Peter: hindi naman pala, edi sama na ako

Ako: Bahala ka!

Di ko namalayan na nasa labas na pala ako, ay pala kami !!

Ang totoo, pupunta talaga ako sa labas para maglakad lakad lang, naboboring ako sa loob, actually ganito ang ginagawa ko pagnaboboring ako sa isang okasyon.

Sunod lang ng sunod tong si Peter at sa layo na ng napuntahan namin, ngayon lang siya nagsalita

Peter: ahhh.... San ba tayo pupunta?

Di ako sumagot

Peter: Uy Justin! San ba tayo pupunta? Ang layo na natin oh

Di parin ako sumasagot at nahahalata kong natatakot siya

The Life of Bi (Bisexual Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon