Dave

176 4 0
                                    

Habang naglalakad kami papuntang fast food chain sa loob ng Mall, may napansin akong familiar na tao. Bigla ko kaagad naalala nung bata pa ako. Di ko alam kung siya nga pero feeling ko siya yun. Nilapitan ko yung taong yun, di ko namamalayan may kasama nga pala ako. Sinama ko siya at nilapitan nga siya

Ako: Dave?

Sinabi ko sa kanya habang nakatalikod siya samin. Humarap siya ng marinig niya ang sinabi ko. Pagharap niya, dun ko namukhaan ang kababata ko

Dave: ha?

Si Dave, kababata ko noon. Simula nung grade 1 ako, magkaclassmate kami hanggang grade 6 yun, magkapitbahay lang kami dati. Always kaming naglalaro ganerbs at magkasama noon. Pero nawala lang yun nung umalis siya papuntang ibang bansa para doon maghigh school. Mayaman sila, kasing yaman ni Kate kung ibabase ko (echos)

Ako: Dave? A- um Panget?

Dave: Justin?

Ako: yah, its me!

Dave: Justin! Kaw nga?

Ako: oo, musta na--

Magsasalita pa akong ganyan ng yakapin niya ako bigla na ikinagulat ko. Siguro nga sa tagal ng hindi kami nagkita, namiss niya rin talaga ako nuh

Ako: aw. Ang higpit ah

Dave: namiss kasi kita, grabe ka! Oy! Musta na!?

Sabay tapik sakin, mahilig siyang mangtapik bigla. Di ko alam kung malnarism niya yung ganung expose niya, yung magtapik bigla

Ako: aray! Hanggang ngayon pa naman ganyan ka pa din?

Dave: ay sorry hahaha...

Ako: okey naman ako, ikaw? Ang gwapo mo na ah... dati bansot ka lang ngayon bigtime na

True! Mas gumwapo siya, super gwapo di gaya dati na mas umaangat pa ako sa kanya, promise! Mas maputi pa ako sa kanya ngayon mukha ng foreigner, hahaha tsaka tumangkad siya, mas matangkad siya ngayon sakin at yung mukha niya, ang kinis, yung kilay sakto lang, yung mata medyo mapungay, tapos yung ilong, medyo matangos, tapos yung lips manipis siya pero kissable! Ugh.

Dave: hmm.. nambola pa

Ako: kailan ka pa umuwi?

Dave: nung isang araw pa, magbabakasyon lang ako dito, mga ilang buwan

Ako: wow, ang tagal pa nun ah

Dave: oo, ehehehe

Ako: oo nga pala, si Peter

Dave: hey? I'm Dave

Peter: Peter

Nakipagshakehands yung dalawa, mukha namang magkakasundo tong dalawa

Ako: Boyfriend ko

Dave: boyfriend.... boyfriend? What!?

Ako: yah...

Dave: as in, magjowa?

Ako: oo, bakit?

Di ko pa pala nasabi, straight po itong si Dave, alam niya rin na may pagka ganern ako, nahalata niya nung nalaman niyang may crush daw akong lalake. Takte ang pinagtataka ko lang noon ay bat kailangan pa niya akong tulungang lapitan yung crush ko na lalake. Ang weird nung time na yun kasi imbes na mandiri siya, ikinatuwa pa niya na ganun ako. Napakaawkward noon kasi magkaiba kami ng gender pero same kami sa mga bagay bagay. Minsan sabay kami naliligo hahaha... syempre bata pa kami noon mga Grade 1 kami ganun, hindi pa kami tuli nun, hindi gaya kay Peter na talagang ibang iba

Dave: wow, talagang nagkaboyfriend ka na ah... kailan lang nung nagkacrush ka dati

Ako: lahhh... wala nga akong crush noon

The Life of Bi (Bisexual Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon