Videoke

136 6 0
                                    


After ng First Period, wala na kaming klase, sunod sunod yun hanggang Last Period ng umaga dahil may Meeting ang mga college professors para sa Intrams namin next week kaya walang klase, maaga palang, kakaalis lang nung teacher namin nung first period.  Kaya nga mga kaklase ko may kanya kanya ng lakad, yung iba umalis na agad, yung iba nagmemake up pa. Yung iba naman tinutuloy ang assignments nila o di kaya nagbabasa ng kung ano ano, yung iba nakatulog. Lumapit naman bigla tong si Jake sakin at parang happy pa siya sa lagay na yan

Jake: Justin!

Ako: oh?

Jake: may lakad ka ba ngayon?

Ako: ahh, uhm wa--

Peter: meron

Nagulat ako ng magsalita si Peter sa likod ko. Sabay ng paghawak niya sa balikat ko at pagkuha ng bag ko. Okey ba kami neto? Feeling ko nga hindi eh, di siya nagpakita sakin kahapon tapos ganyan ganyan pa, haysst

Peter: Justin?

Ako: what?

Peter: halika ka na

Ako: san tayo pupunta?

Peter: basta, tara na

Ako: san nga?

Bigla niyang hinila ang kamay ko para sumama sa kanya hanggang sa nakalabas kami ng room

Jake: ah, ingat kayo!

Nakalabas kami ng school, dala niya ang bag ko habang hinihila niya ako hawak ang kamay ko. Yung feeling ng hinihila ka pero ang sakit ng pagkahila at hawak niya, yung feeling na nakita ka ng tatay mo na ninipaginuman ka, parang ganun. Sarcastic pa ang pagkasabi niya kanina, ganun din ako hahaha

Naglalakad lang kami at parang nagmamadali kung maglakad kami, eh sa nainis na talaga ako

Ako: wait nga!

Binitawan ko ang kamay ko sa pagkakahawak niya at napahinto kami sa tabi ng kalsada habang may dumadaan na mga ibang estudyante na papauwi na din at mga ibang tao na may kanya kanyang lakad. Napabuntong hininga ako at siya napakunot noo pa... ano bang problema netong taong to?

Ako: san ba tayo pupunta? Ha?

Peter: basta sumama ka nalang

Ako: Ano ba? Sabihin mo naman sakin. Pagod na ako oh?

Lumapit siya sakin na parang hahalikan ako pero lumapit lang

Peter: kung gusto mong malaman, sumama ka!

Ako: eh kung ayaw ko?

Peter: bahala ka!

Umalis siya sa harapan ko at tuloy lang siya sa paglalakad dala ang bag ko. Di naman pwedeng di ako sasama, dala niya bag ko. Sinundan ko lang siya hanggang sa makarating kami sa Mall, pumunta kami sa mga may kantahan, sa may mga videoke room, yung soundproof basta yun. Dalawa lang kami doon sa loob at bumili siya ng madaming token. Anong gagawin niya dito? Malamang kakanta siya, eh ano nga ba? Wala namang drinks sa loob maliban sa dala niyang dalawang san mig can. Nakatayo lang ako at nililibot ang mata ko sa loob neto. May sofa at table naman sa loob at kulay red ang background ng loob neto. Ang lamig pa, bat di ko alam dito? Di kasi ako mahilig sa ganitong lugar

Ako: hoy!--

Peter: anong hoy? Nakalimutan mo na ba yung tawagan natin?

Ako: hmp. unggoy!?

Peter: oh?

Gaguhan lang? Promise ngayon lang ako nacornyhan sa CS natin, natawa pa ako, pero ang cute pa din

Ako: anong gagawin natin dito?

Peter: hindi ba obvious? malamang kakanta?

Ako: kakanta?

Peter: hindi! Sasayaw tayo!

Ako: baliw! Hayst.

Peter: ikaw nga tong baliw, tatanungin mo kung anong gagawin natin dito, nakikita mong may videoke dito

Ako: sorry na!

Peter: tsk, maupo ka diyan

Ako: ano namang kakantahin mo?

Peter: maupo ka lang, makinig ka!

Ako: eto na, uupo na! Galit ka?

Peter: hindi

Umupo naman ako sa may sofa sa loob ng room. Nagsimula ng tumunog ang videoke pagkatapos niyang hinulog ang mga token at pinindot ang mga numero na kakantahin niya

Unang song na lumabas sa videoke

"Walang Iba by. Ezra Band"

Nakatayo lang siya hawak ang mike habang ako nakaupo lang na parang timang.

"Ilang beses ng nagaway...

Hanggang sa magkasakitan,

Di na alam ang pinagmulan...."

Habang kumakanta siya, nakatingin lang siya sakin at ganun din ako, nakatitig lang ako sa kanya habang yung bibig ko, unti unting ngumingiti at bumabalik ang kilig na nararamdaman ko sa taong nasa harap ko ngayon. Yung pakiramdam na parang gusto mo siya ulet makasama, yung parang nakalimutan mo na lahat ng nangyari sa inyo. Napapangiti nalang ako sa tuwing nakatingin siya sakin at bumibirit nalang bigla. Di ako makasabay kasi nga di ako kumakanta at di ako marunong kumanta ng maayos

"Kahit na binabato mo ako ng kung ano ano ikaw pa rin ang gusto,

Kahit na sinasampal mo ako't sinisipa't sinusugatan mo,

Ikaw parin walang iba,

Ang gusto kong makasama,

Walang iba..."

Lumapit ulet siya sakin at pinatayo ako, niyakap niya ako bigla, ng mahigpit na mahigpit. Di ko mapigilang lumuha sa pagkayakap niya sakin. Namiss ko ang yakap niya, sobra sobra.

Peter: Justin, sorry sa lahat, pangako, hinding hindi na kita iiwan, hinding hindi na kita sasaktan ulet. Pangako yan, mahal na mahal kita Justin

Ako: Peter.... sorry na... sorry sa lahat, hindi ko lang napigilan ang sarili ko, sorry sorry...

Peter: sshhh... wala kang kasalanan, ako dapat ang magsorry kasi hindi ako nagpaalam sayo, nasaktan kita. Hinding hindi na mauulet yun

Ako: mahal kita Peter, mahal na mahal, di ko kaya na mawala ka sa buhay ko

Peter: Mahal na mahal din kita Justin, unggoy ko

Hinalikan niya ako at niyakap ng mahigpit. Siguro ito ang isa sa mga hindi ko makakalimutang eksena saming dalawa. Naramdaman ko ang mga sinabi niya, kung tutuusin dalawa naman kaming may kasalanan kaya wala din masisisi. Iniisip ko kung nawala siya sa buhay ko, baka hinahanap hanap ko pa din siya. Ang sarap sa feeling na may nagmamahal sayo ng higit pa sa iniisip mo, yung di mo inakala kasi mas mamahalin ka ng tao kung alam niyang mahal mo siya. Sa pagkakataong ito, gusto ko ulet ibalik ang dati. Lalo nat meron na si ate, ipapakilala ko na siya sa kanya. Namiss ko siyang katabi gabi gabi hahaha

Kumakanta pa din siya habang ako sumasabay sa pag-awit niya. Minsan ako na ang kumakanta kung feel na feel ko na yung song, tumatawa nalang siya kasi nga sintonado ako. Pang rock lang kasi ang dating ko pero di ako kumakanta. Siguro matututo akong kumanta pagdating sa kanya. Kasi habang kumakanta siya tinititigan ko siya tapos bigla niya akong hahalikan bigla at ako naman sasabunutan ko siya bigla hahaha. Naubos din namin yung san mig namin, parang walang tama saming dalawa. Hanggang sa naubos na yung token, umuwi na kami, gabi na ata kami nakauwi kasi namasyal pa kami sa mall at kumain pa sa mcdo. Umuwi kami sa bahay

The Life of Bi (Bisexual Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon