Iris

221 6 1
                                    


After namin kumain ng lunch, may pahabol pang dessert na chocolate cake at leche plan. Nabusog kami sobra. Ang sarap kasi

Kate: anong oras na?

Ako: 12:27 palang

Kate: maaga pa. May pasok pa ba kayo mamaya?

Ako: kami?

Kate: oo? Kasi kami, wala na eh, wala yung teacher namin ng hapon, may seminar lahat

Jude: sure ako kayo din wala ?

Ako: ahhh...

Marj: lahat ata wala ng pasok ng afternoon

Ako: siguro, di ako nainform eh

Kate: wala yan! Dito muna tayo

Nasa kwarto kami ni Marj, ang laki talaga ng kwarto niya. Nasa terrace kami, at may malaking sofa doon, pabilog siya at kumakain pa din ng desserts

Marj: naalala ko... bat pala nakila Justin ka kaninang umaga Peter?

Kate: true!!! buti naalala mo girl!

Napatayo pa siya sa excitement. Kaloka to...

Peter: ah kasi ano---

Ako: kasi nagpatulong siya ng assignment

Napatigil ko siya at ako na ang sumagot sa tanong. Napangiti nalang din ako

Marj: hmmmm....

Kate: Tapos?

Peter: tapos nag---

Ako: nagreview kami...

Marj: review?

Ako: review... para sa exam namin... next week!

Kate: ahhh...

Marj: ahhhh... i see

Jude: nagreview hanggang umaga? Hahaha

Kate: oo nga! Hahaha... natulog ka sa bahay nila?

Yung feeling ng ayaw munang pag-usapan yung nangyari kagabi? Nakakahiya kasi sa kanila kasi hindi ko naman ginusto yung nangyari dun eh. Baka isipin nila napakalandi ko para gawin yun. Kahit naman sabihin natin na hindi sadya yun pero nangyari na eh

Peter: ahhh... kasi--

Ako: kasi ---

Kate: wait! Bat naman ikaw ang sumasagot Justin? Di ko man lang narinig sumagot si Peter

Marj: pansin ko nga

Jude: si Peter dapat sumagot

Napansin pala nila. Pano to? Mamaya kung ano ano nanaman sabihin nitong mokong na to. Ayokong mapahiya kahit na kaibigan ko sila

Ako: okey...

Ngumiti lang ako. Hinawakan ko agad ang kamay niya bilang babala na ayusin niya ang pagsasalita niya. Agad na napansin ni Peter ni yun. Di naman halata ang pagkakahawak nito dahil tinakpan ko ng unan yun at hindi rin mapapansin kasi may mesa yun at natatakpan naman yun

Hinigpit ko ang pagkakahawak ko sa kamay niya. Tumingin pa sakin

Peter: gusto ko yan ah...

Ako: tumigil ka nga! Umayos ka

Bulong ko sa kanya para di nila marinig

Peter: ahhh ano ulet yung tanong niyo?

Kate: anong ginawa mo sa BAHAY nila Justin kagabi?

Para akong ewan dito na nagpipigil ng pasensya

Peter: ahhh... yun nga, nagpatulong lang ng assignment at... nagreview. Tsaka habang nagrereview...

The Life of Bi (Bisexual Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon