House

187 5 0
                                    


Nakahiga pa din kami at parang timang, kung ano ano na ang iniisip namin. Nagtatawanan kami ng wala sa oras, mamaya mag-uusap, mamaya tatahimik, mamaya ngingiti nalang ako at ngingiti nalang din siya

Peter: unggoy? Naalala mo yung nangyari dati? Dito din lang naganap

Ako: anu yun?

Peter: yung ano...

Ako: ano nga?

Mga ilang segundo ko siya hinintay bago siya nakasagot

Peter: yung halik...

Ako: halik?

Peter: oo, yung hinalikan mo ako nung time na--

Ako: FYI ! di kita hinalikan nun!

Peter: Anong hindi?

Ako: ikaw ang humalik sakin

Peter: bumawi ka naman

Ako: so what?

Peter: ginusto mo din eh... ano?

Ako: ang kapal ng mukha mo!

Peter: makapal talaga!

Ako: ewan ko sayo!

Bigla nalang siyang pumatong sakin at nagulat naman ako sa ginawa niya, di tuloy ako nakaligtas sa ginawa niya. Ang gwapo niya pa din

Ako: oh? Ano nanaman ba to?

Peter: bakit? Ayaw mo?

Ako: part 2?

Peter: GO!

Bumaliktad naman kami, ako naman ngayon ang nasa ibabaw niya. At siya naman, mukhang wala lang sa kanya

Ako: Go....

Hinawakan ko ang mukha niya, sa pisngi, tenga, kilay papunta sa labi niya. Napakagat siya ng labi niya ng mahawakan ko ang labi niya. Yung buhok. Tinitigan ko siya at nakatitig din siya sakin. Naramdaman ko ang mga mata niyang naghihintay sa mangyayari. Napangiti nalang ako at napangiti din siya

Ako: alam mo, ang gwapo mo...

Peter: alam ko...

Ako: Hahhahaha... kapal ! Anong oras na pala ?

Peter: oras na para...

Ako: para ano?

Hinawakan niya ang pisngi ko at bigla niya akong hinalikan ng bigla, smack lang pero nakayakap pa rin siya sakin ng mahigpit. Nagulat ulet ako sa nangyari.

Ako: ang hina mo!

Peter: mahina ako?

Ako: oo!

Tiningnan ko muna kung anong oras na, 12:45 na... di ko tuloy namalayan ang oras. Nakayakap pa din siya at nakapatong ako sa kanya, bigla kong kinagat ang tenga niya at napa aray siya. Kumalas din ako ng kinagat ko siya

Peter: ARAY!

Ako: hahaha...

Peter: ahhh ganunan ah... sige!

Ako: kung kaya mo!

Hinabol niya ako sa loob ng kwarto, wala ding matakbuhan ay sa kama din ang bagsak. Naghaharutan nanaman, kiliti dito kiliti doon, pakiramdam ko talaga na super close na kami nitong unggoy na to, siguro nga ganun na, kasi sa lahat ng naging kaibigan ko, hindi kami ganito madalas. At masasabi ko na masaya ako sa kanya ngayon, di lang saya, hinahalo na ng pagmamahal ang ginagawa namin. Parang inaangkin namin ang oras at mundo, at parang wala ng bukas

The Life of Bi (Bisexual Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon