Basketball

255 12 0
                                    

Nakarating kami sa restaurant kung saan nagtratrabaho si Peter. Tuwang tuwa ang loko nung naka upo ako sa table namin

Peter: oh, order ka na

Ako: okey

Kinuha ko yung mga menu ng mga foods, naalala ko tuloy yung pumunta ako last time dito. Maya maya ay may dumating na babae

Waitress: ano po order niyo sir?

Nagulat nalang ako nang makita ko yung waitress na lumapit din sakin last time, nagulat din siya base sa expression niya

Waitress: sir! I remember you??

Ako: ah? Oo?

Baka sabihin niya na pumunta ako dito dahil.... Gosh!

Waitress: diba sir kaw yung nagbigay ng calling card sakin tapos pinamimigay mo kay mokong na to!

Sabay turo kay Peter. Nanlaki na lang mata ko dahil di ko alam ang sasabihin ko

Peter: huh? Jenny!?

Ako: ahhh ate, eto nga... beef steak at caldereta, 2 rice na din

Sabay ngiti sa kanila. Nagtaka nalang yung babae, Jenny daw ang name yun ang narinig ko

Peter: ahm Jenny, yung akin! Alam mo na yun!

Jenny: ahh okey sir. Drinks po?

Peter: Litro!

Ako: no! Iced tea sakin

Peter: iced tea nalang

Jenny: okey... umm desserts?

Peter: wag na

Sumang ayon na din ako sa sinabi niya at tuluyan na ding umalis si Jenny

Maya maya ay napansin kong tinitingnan ako ni Peter, parang ako lang ang view niya sa tingin niyang yun

Ako: what?

Bigla nalang siyang nagsmile at di ko rin mapigilan bumawi ng ngiti dahil nakikita ko ang dimple niya at sobrang gwapo naman niya talaga

Peter: anu yung sinasabi ni Jenny kanina?

Ako: Uh? Si Jenny?

Peter: oo... yung calling card na sinasabi niya

Ako: ahh yun ba? Wala yun

Peter: gusto mo bang malaman ko pa sa kanya?

Ako: wala ba siyang sinabi sayo o binigay?

Peter: edi meron nga

Ako: hmp. Pumunta ako dito before... kaya dito ako nag-aya

Peter: tapos?

Ako: tapos ano?

Peter: bat ka pumunta dito?

Ako: bumili!?

Peter: tapos?

Ako: tapos may binigay akong....

Peter: ano?

Ako: calling card!

Peter: bat mo binigay?

Ako: bat andami mong tanong??

Peter: ay kailangan ko talaga tanungin si Jenny

Ako: tsss... binigay ko yung calling card at ibibigay niya din sayo! Okey na!?

Peter: sakin!?

Ako: oo nga

Peter: wala namang binigay sakin?

The Life of Bi (Bisexual Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon