Ending

219 3 0
                                    

"What the!? Anong nangyari dito sa story mo Marvin? my god! Anong klaseng ending naman to? Nakakabadtrip!" simangot niyang sabi ni Christian ng matapos niyang mabasa ang story na nagawa ko

Kasalukuyan akong nasa office niya habang tinititigan siya na para bang wala na akong pag-asa pa para ituloy pa ang story na ginawa ko

"Sir, kasi... hindi ko na alam ang itutuloy ko sa story ko"

Napakunot noo na lang siya at uminom siya ng kapeng mainit init pa

"So, anong balak mo dito?" tanong siya sakin habang nakapatong ang kamay niya sa baba niya at nakasandal sa mesa niyang puti

Napaisip pa ako kung itutuloy ko pa ba o hindi na. Sa sobrang stress ko, hindi ko na alam ang gagawin ko

"Sir, pwedeng... sa akin muna yang story ko?" tanong ko sa kanya

Napatingin lang siya sakin at napapikit sandali. Napayuko lamang ako habang minamasdan ang shoes kong adidas na puti

"Tanungin nga kita Marvin? Ano ba talagang nangyari sayo? Bitter ka pa din ba diyan sa ex mo?" nagulat ako sa tanong niya, napasulyap ako sa kanya ng nahinahon pero sa isip ko, baka mabato ko to ng sapatos na suot ko ngayon eh

"Hindi sir, wala naman" napangiti na lang ako ng papilit at napakamot ng ulo

Napatayo siya ng sabihin ko yun. Naglakad siya hanggang sa nakapunta siya sa harapan ko habang nilalaro niya ang ballpen niyang Gtech. May katangkaran nga pala tong boss kong halos magka-age lang kami kaso mas older siya sakin ng 3 years. Matipuno tong taong to, kaso may pagkasungit nga lang at may ugaling di mo alam kung nasa mood ba o hindi

"Kontento ka na ba sa ending ng story mo?"

"Ahh, siguro sir. Okay na yun, para naman makapag-isip yung mga nakakabasa ng kwento ko" sagot ko sa kanya na may pagkasarcastic, yah hahaha

Napahinto siya sa paglalakad at tiningnan niya lang ako at ngumiti siya na parang nagpapacute na aso

"Are you sure Marvin?" tanong niya ulet sakin

"Yeah, sure na sure sir Christian" napatayo na din ako at kinuha ang documents ng story ko

Biglang lumapit sakin si sir Christian at kinuha naman niya ang documents na hawak ko

"Okay, ibibigay ko sayo to until tomorrow, asahan ko nalang na maipublish ko to sa social media in public. Make sure na marami kang readers neto" sabi ni Sir sakin habang nakahawak siya sa balikat ko

"Thank you sir, asahan mo yan" napangiti na lang ako sa sinabi niya at umalis na sa Office niya.

Habang naglalakad ako, iniisip ko pa din kung anong ending nung story...

******

Justin's POV

Ako: Unggoy ko, mahal ko, pangako ko sayo na nandito lang ako sa tabi mo. Habang buhay kang nasa puso ko kahit kailan hinding hindi mawawala tong pagmamahal ko sayo kahit ano man ang mangyari, mananatili pa din na nandito, dito sa buhay ko, sa puso ko, mahal na mahal kita at iyon ang totoo, hinding hindi kita makakalimutan kahit kailan pa man, unggoy ko, I love you so much...

[Clap Clap Clap]

Peter: ang galing naman ng unggoy ko! Ikaw na ang best actor ko ever!!!

Ako: gago! Sulat mo nga to eh! Binasa ko lang, with feelings hahaha

Peter: ang ganda nu?

Ako: ang baduy!

Peter: kahit baduy at least kinilig ka kahit papaano

Ako: ako kinilig? Pshh

Peter: sus, minahal mo nga ako eh

Ako: hmmm loko! Malamang minahal mo din ako eh

Peter: Basta ang mahalaga, mahal kita kahit ano ka pa

Ako: mas mahal kita

Peter: i love you Justin Grey, unggoy ng buong buhay ko

Ako: hahahaha

Peter: oh? Anong nakakatawa? Hahaha

Ako: i love you too Peter Castro, unggoy ng buong puso't kaluluwa ko

Peter: kiss ko nga?

Ako: eto na!!!

After 7 years after ng graduation namin, magkalive in na kami ni Peter sa bahay namin, actually napamahal na kami sa bahay nato at lalong lalo na sa kwarto. Si tita, nandun pa din sa bahay, hindi ko siya pinaalis kasi ayoko na iwan niya ako kahit gusto niya na kami lang daw dalawa dito pero ako ng nagpumilit. Masaya kaming dalawa ni Peter after ng accident na nangyari, nakasagasa kami ng aso, at sa di inaakalang pagkikita naming dalawa nung lalakeng nakasakayan ko noon na taxi ay sila pa ang nakaligtas samin dahil muntik na din kami magbungguan, buti nalang at narinig ko ang busina ni manong, kasama pa man din niya yung asawa niya at ang anak nila na malaki na. Nagpapasalamat ako dahil nagtagal ang pagsasama naming dalawa ni Peter at siya na nga ang ka-forever ko!!!

*******

"The end...." huling tinype ko sa laptop ko, buti nalang at natapos ko to ng limang oras na kakaisip kung ano nga ba ang ending neto, nagsawa ako sa kakaisip ng ending eh

Natapos ko ang story ko ng mag-aalas syete na ng gabi, nakatambay lang ako sa coffeeshop. Papaalis na sana ako ng makita ko ang taong di inaakalang makikita ko siya after 5 years

.
.
.
.
"Teejay?"

"Marvin?"




The end... for now.

The Life of Bi (Bisexual Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon