Ferris Wheel

187 2 1
                                    


After namin kumain, saka dumating si tita. Napaaga ata ang uwi ni tita ngayon. 10:00 pm ng matapos kaming kumain ng dinner, sa tagal namin, naubus namin lahat ng luto ni Marj sa sobrang sarap. Buti nalang ay may tinabi si Marj para kay Tita. Dumeretso kami ng sala para sa kaunting jamming lang, inuman, kwentuhan at iba pa. Nagtatawanan at nag aasaran

Kate: oo pala, before I forgoooot... may sasabihin si Peter satin...

Jude: oo pala tol!

Napunta lahat ang tingin kay Peter, sakto katabi ko siya at super close kami sa sofa kung saan kami nakaupo. Nasa gitna pa man din kaming dalawa. Nandun pa si tita at mukhang nag-aabang pa ng kwento ih

Peter: ahh... anong ikwekwento ko?

Kate: tungkol sa inyo?

Peter: um (sabay tingin sakin) ahh... okey naman kami ni Justin, actually masaya ako na kasama ko siya simula nung nakasama ko siya, kayo, kayong lahat. Kasi dahil sa kanya, nag-iba ang buhay ko simula nung nakilala ko siya. Buti nalang at sinigawan niya ako noon hahahaha. Pero okey lang kasi dahil dun, nakilala kita. Tsaka gusto kong sabihin sayo na...

Habang binabanggit niya ang mga binibitawan niyang salita, nakatitig lang ako sa kanya at nakikinig sa sinasabi niya. Di ko mawari kung dapat ba akong makinig o mapunta ang atensyon ko sa kanya pero sa lagay kong iyon, hindi ako makapagsalita at nananatili akong nasa tabi niya at nakatingin sa mga mata niyang nagsasabi na "handa na ako kung ano man ang mangyari". Napapangiti man ako pero kahit tumingin ako sa salamin para malaman kung ano ang itsura ko pero kahit makita ko man ay hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Eto na ba yun? Handa na ba ako? Handa na ba siya? May ipagtatapat pa ba siya?  Sakin?

Peter: ....Justin? Unggoy? Gustong kong sabihin sayo na... pwede na ba kitang... ligawan?

Ako: huh?

Peter: ligawan Unggoy...

Ako: ligawan?

Peter: oo, liligawan kita hanggang sa mapasagot kita, hanggang sa mapasakin ka

Ako: ahhh hindi pa ba ligaw yung ginagawa mo?

Peter: magsisimula palang ako unggoy...

Magsisimula palang siyang manligaw? Ano to? Hindi pa ba yun ligaw sa lagay namin dati? My gosh... i cant believe it. May mas better pa pala siyang gagawin para sakin?

Ako: pero bakit?

Peter: kasi alam ko na alam mo na masaya ako pagkasama kita, at alam ko na ganun ka din para sakin

Ako: hahaha... pumapayag na ako

Peter: talaga?

Ako: oo

Peter: really?

Ako: oo nga!

Peter: YES!

Kate: ayiieee...

Marj: whoooo

Jude: whooooooo...

Tita: cheers!!

Hiyawan sila lahat at masaya sila. Ako, sobrang masaya dahil nasa first stage na siya

Tita: yehey... magkakajowa na ang pamangkin ko! Cheers!

Ako: tita?

Kate: true! Hay naku... pakipot pa kasi eh

Jude: tol! Galingan mo para masagot ka na niyan

Marj: congrats sa inyo...

Tita: cheers ulet!

The Life of Bi (Bisexual Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon