Unexpected

157 6 0
                                    


Sa araw na to, ngayon ko lang naramdaman ang ganitong feeling na wala si Peter ng isang araw hanggang sa umabot ng 3 araw. Friday na at wala pa si Peter ko. Ano na kayang nangyari dun? Walang paramdam?

Di ko alam kung anong nararamdaman ko, nagagalit ba ako? Naiinis? nalukungkot? Natatakot? Di ko na alam. Bakit ba ganito, hindi ko na kaya... halos hindi na nga ako pumapasok sa klase ko dahil nawawalan ako ng gana.

Marj: Justin? May problema ba?

Kate: madalas ka ng hindi kumakain ah

Marj: kamusta ka na ba?

Ako: hindi ko alam...

Nasa bahay kami ngayon sa kwarto ko. Kasama ko lang si Marj at Kate, si Jude bumili ng san mig light. Treat nila, total wala na kaming klase ng hapon pag friday eh. Pati mga kaibigan ko wala rin silang alam kung ano ng nangyari kay Peter except kay Marj, may alam siya kung saan pupunta si Peter kung sakali kaso wala siyang ideya kung saan to papunta at kung saan siya ngayon

Triny ko din pumunta sa Restaurant ng tito niya kaso sarado sila ng buong linggo. Nakarami na din ako ng tawag sa kanya kaso cannot be reach. Nag aalala na talaga ako

Kate: Wala pa ba si Peter?

Marj: ano ka ba Kate? Alam mo na ngang ano eh

Kate: ay, sorry hihihi

Marj: wag kang mag-alala Justin, babalik din yun

Ako: kailan?....

Marj: siguro mamaya,

Ako: mamaya?

Marj: mm... bukas?

Ako: bukas?

Marj: sa... sa susunod na linggo?

Ako: nextweek?

Marj: baka next month?

Ako: next month?

Marj: next year?

Ako: ang tagal naman yan.... di ko kaya yan Marj.... huhuhu

Kate: speaking of matagal, saan na ba yung lalakeng yun? Ang tagal naman niya bumili?

Biglang bumukas ang pinto ng kwarto at dumating na si Jude na may dalang isang case ng san mig light at snacks

Jude: hey! I'm here guys!

Kate: bat naman ang tagal mo? Kanina pa kami dito!?

Jude: sorry naman, may kinausap lang ako kanina diyan sa harap ng bahay nila Justin

Kate: sino naman yun?

Jude: si Vam, kapitbahay pala si Justin, niyaya ko siya pumunta dito, okey lang ba sayo Justin?

Ako: huh?

Marj: okey lang siguro kay Justin, niyaya ko na siya dito before. Kilala na nga ni tita eh

Kate: hmmm... i want to know him better

Jude: di mo pa ba kilala si Vam?

Kate: hindi pa, pero nakikita ko na siya before nung nagprapraktis kayo magbasketball sa gym

Ako: bahala kayo... bigyan mo nga ako ng isa Jude

Jude: ah eto tol

Binigyan niya naman ako ng isang bote ng san mig light. Binuksan na niya rin ito at hindi ko na nilagay sa baso at ininom na ito agad. Gusto kong magpakalasing... di ko na talaga kayang mag alala, gusto kong matulog baka sakaling dumating siya katabi ko. Umaasa ako na sana dumating na siya

The Life of Bi (Bisexual Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon