August

165 5 1
                                    

Sa sitwasyon ko ngayon, andaming pumapasok sa isip ko na kung ano ang gagawin ko at sasabihin pero ang alam ko iisa lang ang dapat kong gawin, at nanggagaling ito sa puso ko sa siya mismo ang nagtataguyod sakin na "Ngayon na ang panahon" medyo kinakabahan ako ng kaunte pero keri na to!

Habang hinihintay niya ang sagot ko, siguro nasa 10 seconds bago ako nagsalita

Ako: y-YES!! Yes! Yes! Yeeeesss....

Peter: yes? YES!?

Ako: Oo! Unggoy! May jowa na tayo

Peter: YEEESSSS!!!

Ako: uy! Ang ingay mo naman hahahha

Peter: hahaha... I love you Justin, unggoy ko

Ako: I love you too, Peter, unggoy ko

Nagyakapan kami at naghalikan mismo sa gitna at pinakamataas na part ng ferris wheel. Gabi na ng mga oras iyon.

May dala siya box na maliit at binuksan niya yun. May laman siyang necklace na may nakasulat na unggoy. Halatang pinagawa niya pa ito para sakin. Pinakita niya rin sakin ang kanya, parehas na kaming meron.

Ang swerte ko kasi, ngayon lang ako nakaencounter ng ganitong tao, yung effort ang nakikita. At alam kong mahalaga ako sa kanya ganun din siya sakin.

Siguro mababaliw ako pag wala siya sa tabi ko, pero di naman as in na wala talaga! Yung aalis siya na walang paalam yung hindi ko nalang alam na wala na pala siya. Sana hindi mangyari yun.

Sinuot niya sakin yung necklace, nakakaproud kasi siya ang naging boyfriend ko at masaya ako kasi naghintay siya at walang pagsisisi.

Sana mahalin niya pa ako hanggang hindi siya magsawa. Marami na nga kaming nagawang kalokohan. At ayun, alam niyo na siguro yun. Baka di ko pa kaya ih

Nakababa na kami ng ferris wheel. 7:56 pm na at nagutom kami bigla, hinanap namin sila Kate kung saan.

Habang naglalakad kami sa perya, hinawakan ni Peter ang kamay ko at HHWW (holding hands while walking) kami, lumapit ako sa kanya. Di ko lang pinapansin ang nakikita ng iba dahil wala akong pake alam. Palibhasa wala ring jowa ang iba eh.

Pero di naman nakukuha ang atensyon nila dahil kailangan talaga namin mahanap ang tatlo.

Ako: saan na kaya sila

Peter: tawagan mo na kaya sila

Ako: oo nga nuh?

Tinawagan ko si Kate, at nagriring, sinagot na niya

Ako: Kate?

Kate: Justin!

Ako: asan kayo?

Kate: ahhh... nasa Mcdo kami

Ako: Mcdo?

Kate: oo, punta nalang kayo dito, hintayin namin kayo

Ako: oh sige, papunta na

Call end

Ako: nasa Mcdo daw sila

Peter: tara, gutom na din ako unggoy ko (sabay ngiti)

Ako: hm... tara na nga unggoy ko...

*******

Nakarating kami ng Mcdo, nagorder muna kami bago namin sila hinanap sa loob. Nasa taas sila at kakasimula palang ata nila kumain.

Ako: kanina pa ba kayo dito?

Marj: ahh di naman. Kanina pa

Ako: ayy...

The Life of Bi (Bisexual Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon