Neighborhood

153 4 0
                                    


AN:/pasensya sa mga readers... kung late po ako nag-a update. Busy kasi si ako. Nababahala din ako sa mga nagbabasa nito kung meron pa. Gusto ko talagang tapusin to, kung may suggest kayo, comment lang po/

Chapter 20
__________

Nasa school na ako, sa ngayon hindi ko kasabay si Peter pumasok. May idedeliver lang daw siya saglit na dapat kahapon pa niya ginawa kaso hapon na ng makauwi si Peter. Mag-isa akong naglalakad sa kahabaan ng hallway, di ko rin mahanap yung mga panget kong kaibigan. May sari-sarili silang mundo pag nasa loob na kami ng campus, madalas na kasing kasama ko parati si Peter pag pumupunta o naglalakad sa hallway. This time moment ko naman ngayon amg maglakad mag-isa.

Habang naglalakad ako, nilalagay ko ang earphone ko para magsoundtrip muna habang naglalakad. Medyo kalayuan din kasi ang classroom ko dito, malamang binabagalan ko ang paglakad kasi vacant time namin ng umaga, mayang 8:30 pa klase ko. So yun nga, nagpamusic ako "Starving" by. Hailee Steinfeld & Grey feat. Zedd. Mahilig kasi akong dinadub yung lyrics ng kanta, feeling mo nasa music video ka at minomoment mo yung beat ng kanta, kulang nalang sumayaw ako dito

Bigla na lang may tumapik sa balikat ko, syempre nagulat ako, biglaan kasi at ang higpit pa ng pagkahawak niya na halos napahinto pa ako. Pinansin ko siya at tinanggal agad yung earphone ko. Nakita ko siyang hingal na hingal at mukhang napagod

Ako: oh, bakit pagod na pagod ka?

Jake: hinahabol kasi kita, ang bilis mo maglakad!

Ako: anong mabilis? Naglalakad nga lang ako dito

May inabot siyang wallet sakin at familiar sakin to. Bago ko pa kinuha yun, kinapkap ko ang bulsa sa bandang pwetan ko at wala dun ang pitaka ko

Jake: sayo yan! Nahulog mo kanina

Ako: my god! Thank you! Thank you!

Kinuha ko agad ang pitaka ko. Malaki laki rin ang laman nun, isang linggo ang baon na nakalagay dito, may mga atm at id card pa, naku safe safe din

Jake: kaya kita hinabol kanina

Ako: thank you ulet ah

Bigla ko nalang siyang niyakap. Siguro unang beses ko lang to ginawa sa kanya. Basta thankful nalang ako sa kanya

Jake: welcome Justin

Kumalas din ako sa pagkakayakap ko

Ako: uhmm...

Jake: ahhh tara na, baka malelate na tayo sa klase natin

Ako: ah saglit, Jake...

Napatigil naman siya ng papaalis na sana ng hawakan ko ang kamay niya

Ako: uhmm... gusto ko lang sanang... magsorry sayo. Alam mo na... yung kahapon??

Jake: sus, wala yun. Ako nga dapat magsorry sayo

Ako: sorry talaga Jake ah? Pasensya na... kung ganun talaga ako

Jake: oo nga pala, bat di mo kasama si Peter?

Ako: ahh sunod daw siya, maya maya meron na yun

Jake: ahhh okey tara na sa room

Sabay na kaming pumunta sa room namin. Hinihintay ko pa rin si Peter hanggang sa dumating na si Sir Pasion, Earth Sci teacher namin. May kasungitan din ito eh, napaka perfectionist at dapat english speaking daw eh ang hina hina ko doon. Halos hindi nga ako nagrerecite eh... basta makapasa lang

Natapos na ang halfday class, lunch break na. Wala pa rin si Peter. Mag aabsent ba talaga siya? Bakit ganun? Kahit ni text wala akong matanggap. Baka busy lang siya, kaya di na pumasok kanina

The Life of Bi (Bisexual Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon