Peter

132 4 0
                                    


[AN: hala grabe, ang tagal dn na hindi ako nakapag update. Sorry po. Busy na kasi ako for this school year na... kaya ngayong araw nato, siguro free time ko lang para gawin ulet to. Gusto ko po talagang tapusin itong story kasi nakakainspired po kasing makatapos ako ng isang story galing sakin charot. So yun nga, salamat po sa mga sumabaybay sa story nato]

*******

Peter's POV

Bago nangyari ang lahat kagabi, nais kong ikwento ang buong nangyari kung bakit nawala ako ng isang linggo nang hindi man lang ako nakapagpaalam kay Justin at sa mga kaibigan ko.

Bago pa ako umalis noon ay kasama ko pa si Justin nun nung nasa school pa kami, tumawag sakin si tito ko na umuwi na daw ako pero wala siyang sinabing dahilan para umuwi ako agad kaya nakapagpaalam din naman ako sa kanya kay Justin na aalis ako

Pagkadating ko sa bahay ng tito ko ay sinabi niya sakin na uuwi kaming baryo para bisitahin ang lola namin dahil namatay daw ang lola namin ang nanay ng papa ko. Kailangan raw naming bumisita roon ngayon kaya nagmadali ako noong magkarga ng mga gamit ko at deretso na kaming aalis papuntang baryo

Sa pagkakataong iyon ay hindi man lang ako nakapagpaalam kay Justin kahit sa tawag o text man lang dahil lowbat ako at wala rin akong load nung time na yun kaya sobrang nag aalala ako at kinakabahan na din dahil baka isipin niya na iniwan ko siya bigla bigla

Nakarating man kami pero sa baryo namin ay walang signal at walang kantinang mapagloloadan. Ang malas ko sa oras na yun. Tumungo ako malapit sa kabaong at doon ko na lamang binuhos ang luha ko na nagsisisi para mapansin nilang yung lola ko ang iniiyakan ko pero ang totoo ay si Justin ang iniiyakan ko at iniisip ko kung nagaalala ba siya sakin? Nagtatampo na siya siguro? Nagagalit? Baka hindi na niya ako mahal? May bago na siya? Di ko alam, siguro dalawang araw nun na hindi ako nakatulog kakaisip sa kanya

Nung araw na pauwi na kami pagkatapos ng libing ng lola ko ay excited akong umuwi dahil namimiss ko na si Justin. Ang hirap pala na hindi ka man lang nagpaalam sa taong mahal mo lalo na't wala man lang communication samin. Pagkarating namin dito ay derestso ako kila Justin para sana matulog doon ay naabutan ko na lamang ang magulong sala na nagpataka sakin at inisip ko ay may ibang nangyayari dito. Dumeretso din ako sa kwarto ni Justin para tingnan kung nandun siya at ng buksan ko ang pinto ay nakita ko ang hindi ko maipaliwanag na pangyayari na halos mabuhusan ako ng tubig na puno ng pait at taka, na nanggagaling sa taong mahal mo na hindi mo man lang maintindihan kung ano nga ba ang nangyayari. Kitang kita ko sa mata ko ang ginagawa nilang pagtatalik, na hindi mo inaakala na magagawa ito ni Justin sakin. Nagulat din ako kung sino ang lalakeng pumatong sa kanya na kitang kita din sa mukha niya ang gulat ng makita ako. Ganun din si Justin na mukhang nagulat ng makita ako

Nangyari ang suntukan sa pagitan namin ni Vam kaso hindi siya lumaban. Gusto ko siyang saktan dahil sa ginawa niya pero sa sarili ko, guilting guilty ako sa nangyari, hindi ko maintindihan kung bakit niya ginawa yun. Iniisip ko, baka hindi ako sapat para kay Justin kaya ginawa niya sa iba? Bakit ganun? Siguro kasalanan ko din, malaki ang kasalanan ko dahil doon nagkaganito si Justin, pero ang hindi ko lang matanggap ay bat sa ganung paraan pa niya ako babawian ng galit niya? Napaka unfair sa akin yun, lalo nat masakit talaga sa damdamin yun na makita mo silang naghahalikan mismo sa kwarto ni Justin. Kung sakaling hindi ako dumating? Ano pang magagawa nila? Mas lalo pang manaig ang gabi nila habang wala ako. Baka mag iba ang mundo ko sa mundo niya at magbunga ng walang kapatawaraan sa isat isa.

*******

Bago ako nakauwi ng bahay, naglakad lakad muna ako kung saan saan galing sa bahay nila Justin. Nakarating ako sa tapat ng 7/11, bumili ako ng marlboro blue. Dati na akong nagyoyosi kung di niyo man napapansin, at bumili din ako ng isang san mig na nakacan. Nahalata ko din na ako nalang ata ang costumer nila dito, halata rin sa mukha ng babaeng nasa cashier na inaantok na kaya parang walang ganang magsalita ito. Di ko nalang pinansin dahil madami akong iniisip nung mga oras na yun dahil sa nangyari kanina. Di pa rin ako makaget over kung tutuusin. Bat kasi kailangan pang mangyari talaga yun? Mahal ko si Justin, mahal na mahal, kasalanan ko din kasi

The Life of Bi (Bisexual Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon