Resort

259 3 0
                                    

8:26 am

Nasa Open Sea Resort kami ngayon, di na kami pumasok nung time na yun, as in nag absent kaming apat

Plus 1

Si Peter, sinama ko na siya, mapilit eh, nalaman niya kasi na di kami papasok tapos ayun, sinabi ko na may susurprisahin kami.

Nakatulog pa ang tita ko nung umalis ako ng bahay dahil lahat ng dadalhin naming gamit at handa ay nasa bahay ni Marj. Doon ang meeting place at ang call time namin ay 7:30 am. Nakarating ako ng 8:00 am hahaha... but it's okey, may reason naman ako, ang hirap kasi tumakas baka magising yung magbibirthday

Naghahanda na kami ng mga foods at gifts namin sa kanya, actually si tita ko, lahat kaming magbabarkada naging nanay-nanayan namin pag nasa bahay kami at minsan kasi sumasama siya sa gimik namin kung may oras siya o minsan pag gusto niya talaga sumama, kalog siya pag minsan lalo na pagnatamaan na ng alak, nakakasama namin siya, hindi yun alam ni mama. Kaya nga love na love ko si tita kasi siya talaga nag-alaga sakin ng 4 years, ang tagal din pero di ko nakakalimutan ang parents ko, umuuwi din yung mga yun hahaha, pero iba rin kasi pag wala sila sa bahay, nagagawa ko lahat ng gusto ko pag wala si mama kaya nga minsan pinapapunta ko sila ulet sa abroad eh hahaha. Naisip ko tuloy na napakasama ko naman pero true talaga. Namimiss ko din sila mama at ate, hay naku nagnovela nanaman ako. Oh well, ang gagawin nalang namin ay tawagan si tita para pumunta na dito at susurprisahin na namin siya.

Tita: hello?? Justin nasaan ka?

Ako: ay tita, kanina pala may naghahanap sayo

Tita: Huh?? Sino naman?

Ako: hmm... kilala mo daw tita eh, di ko natanung yung name

Tita: ganun ba? Nasaan na siya ngayon?

Ako: Nasa Open Sea Resort daw siya tita

Tita: Re-resort??

Ako: yas tita, kailangan mo na daw pumunta, ngayon na daw

Tita: ako?

Ako: ay hindi tita yung katabi mo

Tita: hmp. San ka ba ngayon??

Ako: ahhh... ako?

Tita: ay hindi, yung nasa likod ko

Ako: hmp? Hahaha... ahh nasa barkada ko tita

Tita: Ang aga mo naman ata umalis?

Ako: ahh tita! Nakabihis ka na ba? Kailangan ka na daw nila doon, magsisimula na daw.

Tita: huh? Ganun ba? Sige alis na ako! Paalis na ako ng bahay

Ako: tita! Magdala ka ng damit mo pangligo

Tita: meron na! Sige! Alis na ako!

Ako: sige tita... ingat ka

Call ended

Ako: guys, magready na tayo, she's in her way na.

Kate: okey, lets hide na

The Life of Bi (Bisexual Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon