Jealous?

203 6 0
                                    

guys, kain tau sa red&balck restau after dis period. kita tau sa cafeti...

Sent!

Tinext ko nalang sila dahil wala na akong time na tawagan sila, nagsimula na din ang klase namin. Personal Development pa man din ang subject namin

Prof: ang activity natin ngayon ay gumawa o magsulat ng liham para sa taong gusto niyong makasama habang buhay, at dapat yang susualatan niyo ay kilalang kilala niyo, yung taong alam niyong nandiyan siya parati sa tabi mo, yung feeling na... siya ang magiging true love mo, from the future... chance niyo na din para sabihin ang nararamdaman mo para sa kanya... malay niyo, yung taong susulatan niyo, ay ganun din. Ikaw din pala ang susulatan niya

Habang nagsasalita ang Prof namin, sinusulyapan ko si Peter. Di ko alam pero feeling ko, nasa kanya ang atention ko ngayon, mapapalingon ka talaga sa kanya, sa mga oras na yun, nakatingin lang siya sa prof namin, nakikita ko din yung pagngiti niya, yung mata niyang mapapapikit sa tawa

Prof: Mr. Grey ??

Ako: huh ?

Gosh! Ano ba yun?? Nagising ako sa katotohanan...

Prof: Alam mo ba kung saan ilalagay ang mensahe mo para sa taong gusto mong makasama?

My god... di ko alam kung saan? Nag-isip agad ako... isip isip!! Okey got it! Tumayo ako agad

Ako: ahhh... di naman importante kung saan ilalagay ang mensahe mo para sa taong gusto mong makasama, ang importante... kung anong laman o halaga ng mensahe mo para sa tao. Sa pamamagitan nun, dun makikita kung gaano maaapreciate ng isang tao ang iyong liham para sa kanya

Mga ilang sandali, natahimik ang lahat

Prof: hmm... mahusay, tama yun. Di naman importante kung anong itsura nung liham mo, ang importante kung gaano ito kahalaga, yung mensahe. Okey Mr. Grey, pwede ka ng umupo

Umupo ako at huminga ng malalim, hay grabe. Bigla naman agad akong siniko ni Jake

Jake: uy.. galing mo ah, napabilib tuloy ako sayo

Ako: ano ka ba? Keme lang yun

Jake: Anong keme? Halos lahat nga kami napanganga eh

Ako: para yun lang?

Jake: tsaka napansin ko din na hindi ka nakikinig kanina

Ako: huh?

Jake: oo, kanina ko pa napapansin na tinitingnan mo si Peter eh... ayun oh

Tumingin ako sa kanya at saktong umiwas ng tingin sa amin. Nakatingin pala siya sakin

Ako: Ano ka ba!? Hindi nuh

Jake: sinungaling!

Ako: ulol!

Jake: type mo ba?

Ako: sino?

Jake: ako?

Ako: ikaw!?

Jake: ay hindi siya

Tinuro niya si Peter at napansin niya yun, si Peter at nakatingin siya samin

Ako: bat mo siya tinuturo! Ano ka ba?

Jake: bakit ba?

Tinanggal ko yung kamay niyang nakaturo sa kanya at sa sitwasyong yun, na agaw ko ang atensyon ng klase

Jiver: Sir! Mukhang may nagkakadevelopan agad dito ah...

Sabay tawa silang lahat pati si Prof, halatang natatawa. Bakla rin kasi yung prof namin, mukha pa atang kinikilig ang tao. Bumitaw ako agad kay Jake at medyo lumayo ako ng unte. Goshh... nakakahiya... napansin ko din si Peter na hindi nakatingin samin at hindi umiimik. Sa hindi naman assuming... baka lang naman, alam niyo na yun.

The Life of Bi (Bisexual Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon