Curiosity

307 5 0
                                    

Ako: hayyy... sa wakas natapos din

After ko linisin ang kwarto ko, saktong dumating ang tita ko, himala ngayon lang ata dumating ang tita ko. San kaya galing to?

Ako: Tita! Ayos ah!

Tita: ay kaw pala Justin, sorry ah, di ako umuwi kagabi at nung isang araw, overtime kasi kami

Ako: ahh okey lang tita, ayos lang. Kamusta pala work niyo tita?

Tita: ayun, natapos din. Binigyan ako ng 1 week day-off ko para magrest naman, napagod ako sa biyahe

Ako: Um tita, magpahinga ka na, ako ng bahala dito sa bahay, magrest ka na muna. Mukha talagang pagod na pagod ka....

Tita: salamat Justin ah, promise babawi ako sayo....

Ako: wala yun tita, ako ang babawi sayo

Tita: hmmm.... kaw ah... ano nanaman yan?

Ako: wala yun, sige na matulog ka na tita, maya na kita gisingin pagkakain na

Tita: sige Justin

At tuluyan na siyang pumunta sa kwarto niya. Grabe talaga si tita, kahit ganyan siya, love na love ko siya, siya na ang naging second mother ko, buti nga at sinusuportahan niya ako kapag may event ako.

Tumingin ako sa wristwatch ko kung anong oras na

9:46 am

Bumaba na ako para magluto ng pangtanghalian. Pagbukas ko ng ref, ni isa wala akong makitang pwedeng lutuin, actually naisip ko lang kanina, di pala ako marunong magluto kasi si tita ang nagluluto ng pagkain namin.

So nagdecide na akong bumili nalang sa labas. Syempre maliligo na ako bago ako aalis.

*******

Papunta ako ngayon sa palengke para bumili ng pangtanghalian namin, pero naisip ko nanaman na hindi pala ako nagluluto ng ulam. Hahaha naloloka na tuloy ako. Kaya naglibut libot muna ako kung anong bibilhin ko. Dumaan ako ng Mcdo,

Ako: Mcdo?

Oo nga nuh? Dun nalang pala ako bibili, so dumeretso na ako doon at pumili na ng oorderin ko, syempre take out na. Nagorder ako ng 2 FriedChicken, 2 mcburger, at 3 mcfloat, para yung isa, iinumin ko agad, pahabol pa ang big size na fries. After ko magbayad, umupo muna ako sa isang bench sa harap din ng Mcdo. Bigla ko agad nabigyang pansin ang lalakeng nakared at nakablackpants na may hawak na basura, nakatalikod kasi kaya di ko makita ang mukha, aakmang magtatapon ng basura sa isang bakante roon na marami ding basura. Pagharap niya, nagulat ako

Ako: p-Peter!!!???

Halos mabuga ko ang iniinum kong mcfloat. Anong ginagawa niya doon?? Sinundan ko ng tingin kung saan siya pupunta, at nakita kong pumasok siya sa isang restaurant

Ako: Red & Black Restaurant?

Sinabi ko sa sarili ko. Napaisip tuloy ako na balak kong pumunta doon para alamin kung anong ginagawa niya doon. Katapat lang ng Mcdo ang restaurant na yun kaya isang tawiran lang yun.

Nang makatawid na ako, dali dali agad akong pumasok, pagpasok ko, bungad ko ang mga taong kumakain, maraming table pero unti lang ang mga tao. Mabibilang mo talaga kung ilan lang na pamilya o magpartner na kumakain.

Syempre umupo din ako malapit sa door. Biglang may lumapit sakin na isang waitress

Waitress: hello po sir! Ano pong order niyo sir?

Ako: ahh... um.... meron ba kayong ano?.... ahhh....

Waitress: sir may menu po kami dito

Binigay niya sakin yung menu na nakalagay lang pala sa table ko

The Life of Bi (Bisexual Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon