🔫chapter 10: MEN IN BLACK

2.3K 65 0
                                    

CHAPTER 10
MEN IN BLACK


"Ano bang meron? Bakit napakadami mong bodyguard?" bulong sa akin ni Jackie habang naglalakad kami sa lobby ng campus.

Malawak ang lobby at tumingala ka lang ay tanaw mo na ang verandah style ng second floor kung saan nagkumpulan rin ang mga estudyante upang tignan ang nasa baba. Hindi ko din alam kung ano mararamdaman ko habang naglalakad kami at humahawi ang lahat, dapat ba akong matuwa o mainis? Nakakaewan!

May tatlong bodyguard ang nakasunod sa akin at kasama na roon ang magalang na si Cole, si Grey, at Hulk- tinawag lang siyang hulk dahil sa malaki nitong pangangatawan o muscles. Parang buong buhay niya ay dinevote sa pag gym. Mas lalo tuloy natatakot ang mga estudyante dahil sa kaniya.

"Mom is overreacting." bulong ko kay Jackie. "Masyadong protective."

"baka dahil sa isang sikat at mayaman na entrepreneur o businessman ang mga magulang mo kaya ganiyang sayo. At isa pa ang labanan sa totoong industriya ay mahigpit. Some people kill." bulong pabalik ng aking kaibigan.

Natigil naman kami sa paglalakad ng nasa tapat na kami ng room ko. Nilingon ko naman ang tatlo kong body guard at tinaasan sila ng kilay.

"Hindi niyo naman siguro ako susundan sa loob?" seryoso kong tanong at umiling iling naman si Cole.

"Hindi na po. Maghihintay lang kami dito sa labas ng classroom mo."

"kung nangangawit kayo o nabobored doon muna kayo sa canteen o field." suhestiyon ko naman. Lumapit naman si Hulk at bahagya akong napaatras sa aking kinatatayuan. Parang si R ng Razor ang isang ito.

"Hindi na kailangan, Ms Anderson. Maliit na bagay lamang ito kumpara sa natural naming ginagawa." sabi ni Hulk sa malaki at baritonong boses. Nacurious naman ako bigla sa kaniyang sinabi.

"Bakit? Ano ba ang natural niyong ginagawa?" bigla ko na lang natanong. Hindi naman sa tsismosa ako pero sadyang mabilis lang akong macurious.

"nandiyan na ang iyong guro, Ms Anderson."

Nilingon ko naman yung hallway at nakita ang aming professor na naglalakad na palapit. Tumango naman ako sa aking mga bodyguards bago pumasok ng room. Wala pa rin si Diana na katabi ni Jackie, mukhang ngayong araw pa naisipang umabsent kaya naupo nalang ako sa kaniyang tabi. Kadalasan kasi si Diana ang palaging una sa aming tatlo kapag lunes, dahil sa aming magkakaibigan siya lang ang hindi nagpupuyat kapag linggo. Nakakabawas daw iyon ne beauty.

"Nagtext ba siya sayo?" tanong ko kay Jackie- tinutukoy si Diana.

"Nakita ko na siya kanina. Nandiyan nga rin yung kotse niya e." kunot noo naman niyang sabi.

"bakit di siya pumasok? Ano sa tingin mo? Imposible kasing umabsent yun ng walang dahilan."

"Amber, sa tingin ko may dapat kang malaman." mula sa harap ay bumaling kay Jackie ang aking tingin ng biglang sumeryoso ang kaniyang boses.

"Ano yun?" tumingin tingin naman siya sa paligid upang tignan ang mga kaklase naming may kaniya kaniyang mundo.

"Class! We have a transferee student!"

"mamaya na lang..." ngiti ni Jackie at tumango naman ako.

Sa harap ay nakangiting nakatayo ang babae naming professor. Mamula mula pa ang kaniyang pisngi habang sinesenyasan ang transferee na pumasok, nasa labas pa kasi ito kaya hindi namin makita ang hitsura. Ano naman kaya dahilan ng isang to at naisipang magtransfer sa kalagitnaan ng school year.

"Guys, welcome him." mas lalong lumapad ang ngiti ni ma'am nang maghiyawan ang buong klase lalo na ang katabi kong panay ang hampas sa braso ko.

"ampogi, Am! Pogi niya!" kurot ni Jackie sa aking braso. Naguguluhan ko namang tinignan yung transferee, matangkad ito, maputi at may blonde na buhok. Napaghahalataang half-american.

Suits And GunsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon