chapter 42: STILL INTO YOU

1.4K 51 1
                                    

CHAPTER 42
STILL INTO YOU

Hindi ako pinatulog ng maayos kagabi ng mga roommate ko. Tatlo lang ang kama rito, dalawang regular bed at isang extra matress sa sahig na good for two person. Sa huli, ay sa baba kami ni Diana at magkatabing natulog. Ngunit, imbes na makatulog ako ng maayos ay napalakas ng hilik nung dalawa at puro sipa o di kaya'y tulak sa mukha ang tinatamo ko sa blondie kong katabi. Sinong magaakalang ang may poised na si Diana ay isang monster pala kapag tulog? Well, I should have expected that. She is a monster barbie so she should be a monster when asleep too.

Napakarami rin naming pinuntahang lugar sa Ilocos ngayon, kasama na roon ang Vigan at Bangui Wind Mill na siyang nakakamanghang tignan sa malapitan dahil sa laki at dami nito. Huli naman naming napuntahan ay pagudpud beach kung saan sinasabi nilang nakuha raw ang pangalan dahil sa kwentong 'pagod na nga ako, pudpud pa ang tsinelas ko.' So, in the end we had a team building at the seashore kung saan kapartner ko si Lance. Hindi naman talaga dapat siya ang partner ko e. Sadyang inagaw niya lang ako at sinabing pangalan ko ang nabunot niya. Madaya diba?

"Tss. Kanina ka pa dikit ng dikit sa akin, alam mo ba iyon?" Buntong hininga ko habang tinitigan yung pulang flag sa dagat.

"Binabantayan lang kita. Kung makatingin kasi yung mga lalaki akala mo first time makakita ng dyosa."

"Haha! Wag mo nga akong binobola, samantalang di mo pa nga sinasabi yung dapat mong sasabihin." Hinarap ko si Lance at tinaasan siya ng kilay.

"Mamaya na. Maglalaro pa tayo sa dagat o!" Turo niya sa mga flag.

At dahil may naalala ako tungkol sa dagat ay hindi ko mapigilang hindi mapangiti. It reminds me of something—a very sweet memory where my first kiss happened. A kiss that is beyond magical and I'm afraid it could be just a dream.

"Okay, let's start the game! There are five partners and five flags in the ocean. Ganito ang gagawin niyo: Nakatali dapat ang kaliwang paa ng lalaki sa kanang paa ng babae tapos ay lalanguyin niyo and dagat ng sabay at kukunin ang flag."

Easy-peasy. Madali na lang sa akin ang iyon dahil marunong naman akong lumangoy at sumisid, pero hindi ko lang alam sa kasama ko kung kaya niya. Inabutan kami ng tali nung tour guide at agad naman namin iyong itinali sa aming tig-isang paa. Lumapit na rin kami sa bandang may tubig na upang mas madali ang pagsisid namin kapag sumigaw ng 'go!'

"Marunong ka bang lumangoy?" Tanong ko.

"Oo naman! Champion ako nung high school sa swimming competition namin!" Pagmamayabang naman niya habang pinapakita ang biceps sa akin.

"Tinatanong lang kita. Hindi ko sinabing ipakita mo yang braso mo!" Irap ko.

"Bakit? Naiinlove ka ba lalo?" Taas-baba niya naman ng kilay.

Naiiling na lang akong bumaling sa aming harapan at hinintay yung iba naming kalaban na makapag ready. Lumipas ang ilang minuto— sa wakas!— sumigaw naman ang aming tour guide at nagbilang hanggang tatlo.

Prrrrt!

Sabay kaming sumisid ni Lance at lumangoy. Mabuti na lang din at nagkakasundo kami sa pagpadyak kaya pareho kaming hindi nahirapan. Sabay rin kaming umahon upang humigit ng hangin bago ulit sumisid hanggang sa makarating kami sa pulang flag. Kinuha ko agad iyon mula sa lumulutang na salbabida bago tinanguan si Lance.

"Balik na tayo." Ani niya, ngunit hindi pa man din kami nakakabalik sa pagsisid ay nakaramdam ako ng kakaiba.

Sa paglingon sa aming likuran ay doon ko namataan ang paparating na malaking alon at pagdidilim ng langit.

Suits And GunsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon