Dedicated to bheyrieh , hi bheyrie! Sana mabasa mo ito :)
And I was permitted to sit,
I felt that my senses were leaving me. The sentence- the dread sentence of dead- was the last distinct accentuation which reach my ears.
-Edgar Allan PoeCHAPTER 1
WITNESSItinaas ko ang malaking hood ng aking jacket bago nagpatuloy ng paglalakad sa makitid na eskinita. Malalim na rin ang gabi at hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam ang aking daan pauwi. Medyo masakit na rin ang aking ulo dahil sa alak na nainom at bahagya na ring umiikot ang aking paligid. Kung pumayag lang sana ako na magpahatid sa aking mga kasama pauwi edi sana kanina pa ako nakarating sa aking condo, pero ayoko na rin naman silang istorbohin dahil pare pareho naman silang nag eenjoy sa loob ng party.
"tss." Sumandal muna ako sa malamig na dingding ng eskinita at mariing ipinikit ang aking mata. Umaasa na bahagyang gagaan ang aking pakiramdam at mawawala ang pagkahilo.
Kung hindi lang sana ako naloko ng taxi driver na isa palang holdaper, sana lang din ay may pera at cellphone pa akong ginagamit. Minamalas talaga ako ngayong araw...
Muli kong idinilat ang aking mga mata at nagpatuloy ng paglalakad papasok ng eskinita upang makalabas sa kabilang parte nito. Kailangan ko nang umuwi bago pa magsunod sunod ang kamalasan ko ngayong araw. Hopefully, I don't want to be the topic of those gossip mongers when something bad and scandalous happened to me. Kadalasan kasi ako ang nangunguna sa mga bagay na iyan, lalo na kapag kinaiinisan ko yung tao.
Habang naglalakad at ginagawang alalay ang malamig na dingding ay mabilis akong napatigil nang makita ang ilang lalaking nakatayo di kalayuan sa akin. Kahit madilim ay kita ko ang kanilang mga pigura- pigura ng mga nakatayong lalaki na nakasuot ng business attire o suit. Sa sahig ay isa pang lalaki na mukhang hindi na makatayo dahil mula sa nagliliwanag na buwan ay kapansin pansin pa rin ang namamaga nitong pisngi at nagdudugong ilong. Sa kaso ngayon ay hindi na kailangan ng genius para magets kung ano man ang meron sa aking harapan.'blast! Anong gagawin ko?! Tatakbo? Sisigaw? Magtatago?'
Kapag tumakbo ako ay di malabong marinig nila ang yabag ng aking sapatos, kung sisigaw naman ako ay siguradong bago pa makarating ang tulong ay baka may nangyari na sa aking masama. Agad namang lumipat ang aking mata sa malaking basurahan na nasa harapan ko, natatakpan nito ang kalahati ng aking katawan kaya di pa rin ako nakikita ng mga lalaki. Napagdesisyunan kong maupo sa gilid no'n upang magtago nang makarinig ng panibagong mga yabag ng paa.
'mamamatay na ba ako rito?! Hindi pa nga ako nakakaganti kay Hailey nang inagaw niya ang prom date ko?!'
Mariin akong napapikit at buong pilit na isiniksik ang sarili sa gilid ng basurahan dahil sa mga yabag na nagmumula sa direksyong pinanggalingan ko. Malaki ang tsansa na makita niya ako rito at ikamamatay ko iyon.
Tap...
Tap...
Tap...
Rinig kong palapit na palapit na lakad nito, ngunit mukhang mas malakas pa ata ang tibok ng aking puso.
"Another lie from your mouth will surely send you to the hottest pit of hell, Mendez." rinig kong malamig na boses ng lalaki sa kanang bahagi ko, yung bahagi kung nasaan ang iilang mga men in black.
Tap..
Tap...
Tap...
"Sabi ko sayo na hindi ko nga alam! Napag utusan lang ako at wala akong alam!" sigaw ng isa pang lalaki na sa tingin ko ay yung nakaupo sa sahig. "Ack!" daing pa nito.
"Respect, Mendez! Respect!" sigaw ulit ng malamig na boses.
Tap...
Tap...
Tap...
Nahigit ko ang aking hininga nang makita ang anino ng isang lalaki sa pinanggalingan ko. Hindi ito tumigil sa mabilis na paglakad at hindi rin ako gumalaw sa aking kinalalagyan habang hinihintay na makalampas siya sa basurahan.
"Mendez!" sigaw niya at tumakbo na ito palampas sa basurahan. Mahigpit naman akong napahawak sa aking palda at sinubukang silipin ang mga lalaki.
"Ack!" daing nung Mendez nang sipain siya ng isang men in black sa tiyan, agad namang lumapit yung bagong dating at naglabas ito ng baril.
'blast!' sigaw ko sa aking isip habang nanlalaking tinignan sila. Naglabas rin ng mga malalaking baril ang mga men in black pwera lang sa isang lalaki na sa tingin ko ay lider nila.
"Hayaan niyo na siyang makaalis! Ako na lang ang kalabanin niyo!" matapang na sigaw nung bagong dating.
"Playing hero, are we?" sambit nung lider sa mababaw na boses na nagpatayo ng aking mga balahibo sa batok. "tsk. Mukhang wala namang patutunguhan ang sinayang kong oras dito." dagdag pa nito at bahagyang sinenyasan ang isa sa mga men in black.
Tumango ang isa nitong tauhan at wala pang isang segundo ay nakita ko na lang na nakahandusay na sa sahig si Mr.Hero-wanna-be. Napaatras ako sa aking pinagtataguan at mariing napapikit.
Lalong sumasakit ang aking ulo at alam kong dahil iyon sa life and death situation ko ngayon at sa epekto ng alak, pero ano bang gagawin ko? Kailangan ko nang makaalis dito ngunit natatakot akong mahuli nila. Should I wait for them to leave? Or should I just wait for my death to come?
"You killed him! Damn you, Alfieri! Bakit mo siya pinatay!?" sigaw ni Mendez at napahawak ako sa sleeve ng aking jacket nang makaramdam ng pangangati ng ilong.
"Hindi ba siya ang naghack ng system ng black protocol, what's the use of keeping him alive? He is a traitor after all, just like you." mahabang lintanya ng lider ng mga men in black.
"wala ka ring mapapala sa akin, Alfieri! Kahit anong gagawin mo wala akong sasabihing impormasyon!" sigaw ulit ni Mendez at kita ko kung paano nagtiim bagang yung Alfieri.
Ilang beses akong napalunok ng siya na mismo ang naglabas ng baril at itinutok iyon sa ulo ni Mendez. Hindi ako nakagalaw sa aking pinagtataguan ng iputok niya iyon at tumalsik ang mga sariwang dugo sa paligid. Mula sa liwanag ng buwan ay kita ko ang mga pulang likido na nagkalat sa pader at sahig, di katulad ng naunang pinatay ay mas makalat ang sa pangalawa dahilan para makaramdam ako ng kakaiba kasabay ng labis na pagsakit ng aking ulo.
Napasabunot ako sa aking buhok habang tinitignan ang papalayong pigura ng mga nakaitim na lalaki. I should feel relief about them leaving, but my mind is somewhere else. Somewhere deep- and dark. Memories started flashbacking in my mind like a movie in its replay.
"I didn't do it." bigla kong nasambit.
Huli na nang mapagtanto ko ang aking ginawa. Tumigil sa paglalakad si Alfieri at ang mga tauhan nito, dahan dahan ay lumingon ito sa kaniyang likuran at nanlalaking mata ay napatingin ako sa blanko nitong ekpresyon. Dumilim ang kaniyang mukha at nahigit ko ang aking hininga bago sinubukang kapain ang malapit na basurahan upang gawin itong alalay sa nanghihina kong katawan.
"Get her." matigas na sambit nung Alfieri at agad namang nagprocess sa lasing kong utak ang kaniyang sinabi, tumango ang isa sa mga tauhan niya at bago pa man ito dumiretso sa aking direksyon ay mabilis na gumalawa ang aking mga paa at tumakbo sa kabilang direksyon.
***
Ano pong masasabi niyo sa chapter one?
Please, leave a comment my dear readers :)
At sa mga nakabasa na ng THE MAFIA AND THE GOLDEN FAIRY it was a pleasure! Salamat!
*wide smile*
Who can make me a book cover for these? Sana meron, :) my portrayer is Sabrina Carpenter :)
Lovelots,
PinkiepurpyPs.
Who wants the dedication for the next chapter?
BINABASA MO ANG
Suits And Guns
ActionONCE FORGOTTEN. TWICE BETRAYED. THE DEADLIEST WILL COME BACK. Highest rank #25 in Action Mrs Anderson made a deal with Alfieri, a mafia boss, to secure her daughter's safety-Amber Anderson. Hindi man naging maganda ang pagkikita ni Alfieri at Amber...