chapter 49: MEMORIES

1.5K 57 0
                                    

See who I am
Break through the surface.
-within temptation

CHAPTER 49
MEMORIES

I kill. That's my job. The only reason why I'm living in this unfair and cruel world. Gamit ang puting panyo ay pinunasan ko ang blade ng aking espada na kanina'y nabahiran ng dugo ng isang traydor. Ang puting panyo'y nagmistulang pulang rosas matapos nitong sipsipin ang dugo sa kabuuan ng espada.

Matapos iyon ay ginawa ko na ang madalas at huli kong ginagawa bilang isang assassin. Iniwan ko ang panyo sa mukha ng biktima bago naglakad sa madilim na hallway ng kaniyang opisina— bilang isang assassin ay wala dapat makaalam ng aking pagkatao. I live in the shadow and kill in the dark. That's my oath.

"My name is Meiyra and I am a Grainger assassin. I kill in the dark—keeping my identity hidden in the shadows. I am an assassin and killing is my job."

Pagkarating sa Main headquarters ng Grainger ay agad akong dumiretso sa opisina ni Mr. Grainger dahil sa balitang ipinapatawag daw ako nito. Bumungad and bukas nitong pinto kung saan  nakaupo roon ang asawa ni Mr. Grainger.

"Meiyra. Nice to have you back. I saw how you fight a while ago and I think that's not enough." Ngiti ng mapula niyang labi. "I want you to be train more. At ang magtuturo sa iyo ay ang aking anak."

May tinuro siya mula sa aking likuran. Mabilis naman akong humarap doon at nakitang paparating si Mr. Grainger kasama ang kaniyang anak na lalaki. Nanlalaking matang napatitig ako sa lalaki sa tabi niya dahil ang taong iyon ay ang nag-iisang kaibigan ko sa orphanage.

"Meiyra, meet my son, Lance Grainger."

"Hi there." Ngiti ni Lance sa akin. "I am the strongest assassin here. At ikaw ang aking magiging apprentice.

"L-lance...?"

"Wag kang mag-alala. Sisiguraduhin kong ikaw ang susunod sa yapak ko."

****

"Hi, I'm Jackie, your sparring partner and this Shadow. Bago lang din siya dito kaya medyo tahimik."

***

Pumasok ako sa laboratory ng mafia kung saan nandoon si Dr. Desmond na siyang nagcoconduct ng experiment ukol sa controlling formula. Madalas niya akong katulong kasi sa lab kaya alam ko ang bawat formulang ginagamit niya.

They call it  no. C009. It was designed to control a person's mind similar to hypnotization, but this one is more effective and faster than the actual hypnotizing. Kailangan lang ay ipainom sa isang tao ang ang C009 o kaya'y iinject ito sa kaniya at matapos lang ang ilang segundo ay maaari mo na itong kontrolin.

"Bakit ba kailanga maperfect ang C009? Mayaman at malakas na naman ang mafia?" Tanong ko kay Dr. Desmond.

"Gusto nilang pagharian ang buong underground society, Meiyra. Pero magagawa lang nila iyon kung makokontrol nila ang majority ng pinakamaimpluwensiyang tao sa underground. At kung pati ang buong kapulisan ay nagawa nilang kontrolin ay baka pati ang ordinaryong industriya ay pagharian ng mafia."

****

Matapos ang aking pag-eensayo ay umakyat ako upang bisitahin si Lance sa kaniyang opisina, ngunit hindi ko nagawang makapasok roon nang nakitang naroon ang rin ang kaniyang ina. Nakaiwan na nakaawang ang pinto kaya di sinasadyang narinig ko ang pangalan ng aking ina.

"Huwag na nating pag-usapan iyan, Lance."

"I am just being practical. Paano kung malaman niyang ang Grainger ang nagpapatay sa kaniyang ina?"

"Her mother deserves to die. Tracy is an FBI. Nalaman niya ang plano natin at nakielam siya. You know the rule, outsiders who are a threat to the mafia should remained silent like a dead. Isa pa'y di naman niya malalaman kung walang magsasabi."

****

"I'm sorry, doctor." Naluluha kong sambit bago idiin ang espada sa kaniyang dibdib. "No one should know about the formula."

Bumagsak ang walang buhay na katawan ni Dr. Desmond sa puting tiles ng laboratory. Mapait naman akong napatitig sa paligid at sinira lahat ng bagay at test tubes na naroon. Wala akong tinira at hindi pa ako nakuntento kaya sinunog ko ang buong laboratory.

"Ahhhhh!" Galit kong sigaw habang inaalala na nagpagamit ako sa mga taong pumatay sa aking ina. "Aaaaah! All of you should die! You deserve to die! You deserve to rot in hell! I am going to kill all of you! Iisa-isahin ko kayo at uunahin ko ang reyna ng Grainger. A mother for a mother!"

****

Mabilis kong minanibela ang nakuha kong sasakyang at iniliko ito sa maluwag na kalsada. Mabilis ring nakahabol ang kotse ni Lance na sa tingin ko'y kaunti na lang ay maabutan na ako.

"I am going to kill you! Traitor!" Sigaw ni Lance mula sa bukas na bintana ng kaniyang kotse.

Nag full speed ako nang mapantayan niya ang aking kotse at binangga ito.

"Hindi ako ang traydor! Sa una pa lang kayo ang trumaydor at gumamit sa akin! Naniningil lang ako, Lance Grainger!"

Sinubukan kong iwasan ang kaniyang kotse ngunit ginigitgit na ako nito sa maliit na bakal na harang ng kalsada sa gilid— harang upang walang aksidenteng mahulog sa dagat.

"Damn you, Meiyra! Papatayin kita kahit anong mangyari! Ako ang maniningil ng buhay ngayon!" Sigaw niya at malakas na ibinunggo sa akin ang kaniyang kotse.

Malakas na tumalsik pagilid ang aking kotse hanggang sa masira ang harang ng kalsada. Tumama namang ang aking ulo sa bintana nito saka bumagsak ang aking sasakyan sa dagat. Kahit nahihilo ay pilit kong binuksan ang pinto ng driver's side ngunit ayaw niyong bumukas.  Napapasukan na rin ng tubig ang loob ng kotse kaya agad akong lumipat sa kabilang side at buong lakas na binuksan iyon.

"This is the end, red haired Meiyra!" Rinig kong malakas na sigaw ni Lance at nagkaroon ng pagsabog sa karagatan.

****

Muli kong idinilat ang aking mga mata upang mapagtantong bumalik na ako sa reyalidad. At hindi nga ako nagkakamali... Sa makapag na usok at mainit na paligid palang ay senyales na naggising na nga ako.

Tumingin ako sa ibang direksyon ng aking kinalalagyan at natanaw si Jackie at Shadow na naglalaban. Espada laban sa espada. Bilis laban sa bilis.

Tumayo ako nang hindi man lang nila napapansin at nilisan ang impyernong lugar na iyon. Ngayon alam ko na ang ibig sabihin ng aking panaginip at nasagot ko na ang aking katanungan. My world was created to be hurt: kill or be killed: fight or die: be weak or be strong. And if you choose to live then you choose to be someone who is neither weak nor strong. You need to be the strongest. The merciless. The deadliest.

"Now I remember."

Suits And GunsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon