chapter 27: DEAL'S OFF

1.5K 49 1
                                    

CHAPTER 27
DEAL'S OFF

Masama ang mga titig na ipinupukol sa akin ni Revius habang kumakain kami. Naiiisip ko nga na baka niya na lang ihagis sa akin yung bread knife kapag nawalan ako sa alerto.

"Siya pala ang tinutukoy mong Anderson. Nakita ko yung kontrata, hindi ba hanggang ngayon na lamang iyon?" Basag nung demonyo sa katahimikan.

Napaangat naman ako ng tingin sa narinig. Hanggang ngayon na lang yung deal nila mommy? Ewan ko kung bakit, pero imbes na matuwa ay parang nadisappoint ako sa narinig. The deal's off. Wala na ring tutulong sa akin kung sakali mang may magtanka sa buhay ko.

"Yeah." Tipid na sagot ni Levius bago nagpatuloy sa pagsubo ng pagkain.


"Kamusta pala ang pagkain mo, Amber? Hindi ba masakit sa lalamunan?" Sinamaan ko ng tingin si Revius. Kahit anong ekspresyon ay sa pag ngiti yata siya pinakamagaling.



"Stop it, brother. I know what you did." Singit ni Levius na ikinagulat ko.

"Pero hindi mo man lang ako pinigilan?" Ngiti ng kapatid niya na mas ikinainit ng ulo ko.

Nilingon ko si Levius na seryoso pa rin ang mukha. Alam niya ang ginawa sa akin ng bwisit niyang kuya. Nakita niya ang nangyari pero wala siyang ginawa?


"Bakit hindi mo ako tinulungan?" Maanghang kong tanong. Hindi naman nagsalita si Levius at patuloy lang sa pagkain ng kaniyang agahan.

Padabog ko namang ibinaba ang aking kutsara bago marahas na iniusog ang upuan upang makatayo.

"I'm done here." Pigil kong inis.

"Manners, young lady." Ngiti ng magaling niyang kuya. Nilingon ko si Revius at binigyan siya ng nakamamatay na tingin.

"Shut up, devil!"

"Amber, stop it!" Sigaw ni Levius na mas lalo kong ikinagalit.


"No! You should have stopped that devil from strangling me to death! Pero ano?! Nanood ka lang?! Fuck you, Levius!"


Nagmamadali akong umakyat sa aking kwarto at inilagay lahat ng gamit ko sa kulay pink kong luggage. Hindi ko na rin pinansin si L na kanina pa patakbo takbo at tinatahulan ako. May karapatan naman siguro akong magalit. Halos ikamatay ko na yung nangyari kanina pero walang ginawa si Levius. Tapos may gana pa siyang sabihin sa kaniyang kuya na 'I know what you did' kahit na nandoon lang ako. Napaka casual lang na lumabas sa kaniyang bibig ang mga salitang iyon na para bang wala siyang pakielam. Bakit ko nga ba kinalimutan kunh sino ang kasama ko. He is Levius Alfieri. The mafia boss. Of course, he doesn't care. He is heartless!

Binuhat ko si L at hinila ang aking suitcase pababa ng hagdan. Sa may pinto naman ay naroon si Levius na prenteng nakatayo na mukhang naghihintay lang sa aking pagbaba.


"Where are you going?" Matigas niyang sabi.

"Leaving." Irap ko sa kaniya. Hinawakan naman niya ang braso ko na agad kong binawi.

"The deal's off. Hindi na kita kailangan at hindi mo na rin ako kailangang protektahan. Aalis na ako!" Singhal ko. "Oh! Ayan si L!" Bigay ko sa kaniya nung puppy.


Lumabas na ako ng mansyon ng tumahol si L. Napairap naman ako bago bumalik kay Levius at muling kinuha si L.

"Binigay mo na siya sa akin kaya bakit ko pa ibabalik?"

"Where are you going, Anderson?"


"It's none of your business, Alfieri." Inis kong sambit. Hindi pa man din ako nakakalayo sa kaniya ay muli na naman siyang nagsalita.

"I'll drive you out." Huminga ako ng malalim at hinarap si Levius. I am really sick of this!

"Huwag na! You don't have to act like you care, okay?! I am sick of people pretending in front of me! Jerk!"

***

Sa sobrang taas ng pride ko ay hanggang ngayon naglalakad pa rin ako sa lupain ng mga Alfieri. Hindi ko naman akalaing gano'n pala kalaki ang lupa nila kapag nilakad, samantalang kalahating oras na ako naglalakad ay hindi ko pa rin natatanaw yung malaking gate. Bwisit! Dapat tinanggap ko na lang yung alok niyang drive!

Arf! Arf!

"Makakarating din tayo, L. Maghintay ka lang at magtiwala sa akin." Sikat na rin ang araw at napapaso na ako.


Bzzzt. Saglit kong binitiwan ang aking maleta upang tignan kung sino yung nagtext. Baka kasi may hulog ng langit at sabihing ihahatid na ako palabas rito.

Sender: Mom
Message:

Heard what happen to your car. Pinabili ko na yung assistant ko ng kotse diyan. You can get it at ********* today. It's another ferarri car.


Right timing! Nabuhayan namn ako ng loob sa text ni mommy. Kinuha ko ang aking maleta at tinakbo na ang mahabang kalsada. Ilang minuto pa ang lumipas ay natanaw ko na rin yung malaking gate kung saan pinadaan ako ng mga guard ng walang tanong tanong. Ilang minuto ulit akong naglakad bago natanaw yung kalsada.


"Taxi!" Tawag ko. Huminto naman yung taxi kaya mabilis akong sumakay roon at sinabi yung address. Kailangan ko munang kuhanin ang aking kotse bago bumalik ng condo.

Suits And GunsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon