CHAPTER 36
DECLARATION OF WAR
"A-anong ginagawa mo rito?"Mabilis na bumitaw si Lance nang mapansin niyang nakatingin na ako sa kamay niya sa braso ko. Napakamot naman siya sa kaniyang batok bago nahihiyang ngumiti sa akin. Tumaas naman ang aking kilay.
"A-ahm... Ano kasi... Pwede ka bang maaya mamaya ng dinner?"
"Huh?"
"Dinner. Okay lang ba?" Lalong tumaas ang aking kilay nang mag iwas siya ng tingin.
Dinner lang naman e kaso...
"Magrereview pa ako ngayong gabi. Kung gusto mo doon na lang tayo sa condo ko." Suhestiyon ko, isa pa'y magkatabi lang naman ang condo namin.
"S-sige. Oorder na lang ako. Libre ko na. Bye!"
"T-teka!"
Napamaang na lang ako nang tumakbo siya bigla. Anong nangyari sa kaniya? Bigla bigla na lang tumatakbo... Epekto siguro ng exam sa kaniya iyon. Weird.
Matapos ang kakaibang 'enkwentro' kay Lance ay bumaba na ako agad upang dumiretso sa parking lot. Nasa open field na ako ng mga oras na iyon nang mapahinto ako sa paglalakad. A group of cheerleaders in their sexy uniform stopped in front of me with their hands on their skinny hips. At nangunguna sa kanila ang suluterang cheerleader na si Hailey. Anong 'enkwentro' naman ito ngayon?
"Sa wakas nagtagpo muli ang landas natin, Anderson." Ngisi ni Hailey. Tumaas naman ang aking kilay bago siya irapan.
"Nasa iisang campus lang tayo, kung gusto mo akong makita pwede mo naman akong puntahan sa room." Pambabara ko.
Umani naman ako ng 'bitch' at 'freak' sa mga alipores niyang cheerleader na walang ginawa kundi bumulong ng malakas.
"Alam mo. Hindi porket may bodyguards kang freak ka ay pwede ka nang lumapit lapit kay Lance! Napaghahalataang nilalandi mo yung transferee!"
Ah, so yun pala ang dahilan kung bakit nambwibwisit siya ng buhay na may buhay.
"Hindi ako lumalapit sa kaniya. Siya kaya yung naghahabol." Taas noo kong sabi at nakarinig naman ako ng mga pagsinghap sa kanila na siyang ikinatuwa ko.
"Alam mo kasi suluterang Hailey kung may balak ka mang lapitan si Lance wala akong pakielam. Go ahead, hindi kita pipigilan."
"You bitch! Huma—AAAAAH!"
BLOODY HELL?!
Pare-pareho kaming napaatras nang may lalaking nahulog mula sa itaas. Bumagsak ang lasog lasog nitong katawan sa mismong gitna namin ni Hailey na siyang ikinabato ko. May balot ng tela ang buo niyang mukha ngunit sa bandang bunganga nito ay punong puno ng dugo, hindi rin naman nakaligtas sa akin ang samu't saring saksak sa dibdib nito. Muli akong napaatras nang makaramdam ng panlalamig. Kinilabutan ako bigla na para bang may nakatitig sa 'kin.
"Oh my gosh! This is... This is... Uaaaack!" Lalo akong napaiwas ng tingin nang magsuka si Hailey.
Nagtulungan naman ang mga alipores niya na maialis ang isa't isa sa harap ng bangkay habang ako nama'y hindi pa rin magawang gumalaw. Nagsidatingan na rin ang iba't estudyante upang makiusyosyo at mayroon na ring tumawag ng guard, ngunit hindi ko pa rin magawang umalis habang napako ang tingin ko sa palad ng biktima. Gamit ang matulis na bagay ay inukit roon ang letrang 'G'. Nagmukha na itong sugat marahil ay ilang oras nang iniukit iyon sa palad ng kawawang biktima. Pero... Pamilyar sa akin ang senaryong ito... Napakapamilyar.
"Amber! What are you still doing here?!" Hindi ko pinansin yung humila sa aking braso bagkus ay pinakatitigan ko lang ang bangkay.
"It's how the Grainger Mafia kills. Sila ang may gawa nito. The fact that it was thrown in front of me means they are threatening me. But why? Ano ba ang kasalanan ko sa kanila?"
"Amber?"
"Bakit parang kilala ko sila at ang taong may gawa nito?"
"Amber!" Napakurap ako nang biglang umikot ang aking paligid at kumirot ang aking sentido.
"Hey, what's happening to you?"
Hindi ko na naintidihan ang mga usapan at sigawan sa aking paligid. Basta ang alam ko lang ay tuluyan na akong bumagsak sa damuhan habang patuloy sa paglabas ang iba't ibang malabong imahe sa aking isipan.
Mafia, Grainger mafia... Blood... Kill... Darkness... Brutality...
"Betray us and you'll be a part of the blacklisted person. In short, you're a dead meat."
Grainger...
"This is how we kill when we want to be known... This..."
"Is the symbol of declaration of war."
Grainger...
"You are part of the Grainger mafia, Meiyra. We expect loyalty from you."
"I understand, Mr. Grainger."
"And also, I would like you to meet my son. Alam kong magkakilala na kayo pero mas magandang gawin nating pormal ngayon."
"I-ikaw...?"
***
"How are you feeling?" Alalang tanong ni Diana na siyang nakaupo sa tabi ko sa higaan ng clinic.
Hindi naman ako kumibo at patuloy lang sa pagyuko habang inaalala ang nangyari kanina at ang mga senaryong lumabas sa aking isipan. Isa lang ang nakukuha kong konklusyon sa alaalang iyon. Isang konklusyon na hindi ko akalaing 'ako' dati. Mahirap man paniwalaan pero alam kong totoo: Dati akong parte ng Grainger mafia.
"The victim," salita ni Diana. "We had taken off the sack on his head. It's the Alfieri mafia's men. He was killed by crashing his jaw while his head is covered tightly with a cloth, then stabbed multiple times in the chest. There was also a wound mark in his hand."
"The letter 'G'." Singit ko.
"Yeah. It's the work of the Grainger mafia which means they are declaring a war." Paliwanag niya.
"Against me. A war against me." Wala sa sarili kong sabi. Hindi ko kasi alam kung ano ang magiging reaksyon niya kapag nalaman niyang ex-member ako ng Grainger. What if she kills me?
"No. It's a war against you and the Alfieri mafia." Sa sinabi niya ay tuluyan na akong napaangat ng tingin.
Ngumisi naman siya at binigyan ako ng nakakapangilabot na ekspresyon.
"In the victim's pocket a stone and two dead bird was found. Meaning? They are hitting two birds in one stone. It's their unspoken message."
"Pero bakit?"
"They want you dead, right? But Alfieri is keeping you alive and that alone trigger them to create an opportunity to start a war against Alfieri, if they succeed, they can kill you next."
Tuluyan na nga akong nanlamig. Gagawin talaga nila ang lahat mapatay lang ako, kaya kailangan kong alamin ang dahilan ng pagiging blacklisted ko at ng tungkol sa formula. Kailangan kong malaman ang lahat tungkol sa pagkatao ko ng sa gayon ay baka may pag asa pang matigil ang uumpisahan war ng Grainger. Sooner or later ay siguradong aatake na naman sila.
***
A/n
Updates would be on saturdays starting today because I will be busy on my ojt from mondays— fridays. Good luck sa akin :) 😜
BINABASA MO ANG
Suits And Guns
AksiONCE FORGOTTEN. TWICE BETRAYED. THE DEADLIEST WILL COME BACK. Highest rank #25 in Action Mrs Anderson made a deal with Alfieri, a mafia boss, to secure her daughter's safety-Amber Anderson. Hindi man naging maganda ang pagkikita ni Alfieri at Amber...