CHAPTER 25
APOLOGIZEOkaaaay? Halos hindi na ako makahinga sa dami ng nakain ko. Hindi pa rin bumabalik si Alfieri kaya kanina pa ako pabalik balik sa buffet table para kumuha ng desserts, at ngayon ay hindi na ako makatayo sa kabusugan. Napalingon naman ako ng may tumabi sa akin sa pagaakalang si Alfieri na iyon.
"Kanina ka pa mag isa. Nagdidilim na rin may maghahatid ba sa iyo pauwi?" Tanong ng nasa mid 40's na lalaki.
"Sa pagkakaalam ko kanina pa madilim." Inosente kong sagot. Alas diyes na nga ng gabi tapos lolokohin pa ako ng matandang ito.
"Ah.. E... Hehe... Oo nga pala. May maghahatid ba sayo, hatid na kita? Mukha naman wala kang kasama."
Makulit din pala ito e. Inirapan ko siya at kinuha na lang ang water goblet sa harap ko upang uminom. Hindi ko lang papansinin ito, aalis din naman iyan kapag hindi nabigyan ng atensyon.
"Wag kang mag alala, hindi naman ako masamang tao." Naramdaman ko ang pagdampi ng kaniyang palad sa aking balikat.
Gumalaw naman ang sulok ng labi ko na umaangat-baba dahil sa inis.
"Get your hands off me." Nag ngingitngit kong sabi.
"Bakit, anong gagawin mo? Mag eeskandalo rito?" Pang uuyam niya at mas lalong diniinan ang hawak sa aking balikat.
Calm down, Amber... Calm down...
"Piss off. Bitawan mo ako kung ayaw mong mabali iyang kamay mo." Pigil kong inis at nagawa pa talaga niyang ngumisi.
"Talaga? Paano mo naman babaliin ang kamay ko e wala ka namang laban."
Tumaas ng mataas na mataas ang aking kilay. Kinuha ko ang baso at handa nang isaboy ang tubig sa kaniya nang marinig ko ang pamilyar na boses.
"That's because I am the one who's going to break your hands." Malamig at mababaw na sambit ni Alfieri.
Saktong paglingon ko sa kaniya ay nahawakan niya na ang pulsuhan ng lalaking nakahawak sa akin. Base naman sa pagbabago ng reaksyon nito ay halatang nasasaktan siya sa mahigpit na hawak ni Alfieri.
"A-al... Fieri..." Tawag ko nang mapansin ang pagdidilim rin ng kaniyang reaksyon.
Nakakahakot na rin kami ng reaksyon dahil sa pagsigaw nung matandang manyak, patuloy rin ang paghawak ni Alfieri sa kamay nito. Isa nga pala siyang mafia boss. No matter how regal and handsome Alfieri looks like, he still has a demon hiding inside him. Napasinghap ako ng makarinig ng pagcrack na buto at nakita na lang yung matanda na namimilipit sa sahig habang hawak hawak ang kamay.
"All of you!" Sigaw ng kasama ko habang malamig na tinitignan ang mga kalalakihan. "Stop staring at her! SHE'S MINE!"
"We're leaving." Hila niya sa akin palabas ng hall. Bago pa man din kami makasakay ng elevator ay pinilit kong huminto mula sa kaniyang paghila.
"N-nasasaktan a-ako..." Bawi ko sa aking kamay.
Tumigil din siya sa paglalakad at binitiwan nga ang aking pulsuhan. Napatingin naman ako rito at napansing namumula na mula sa kaniyang mahigpit na hawak. Hindi naman nagsalita si Alfieri, walang emosyon lang siyang pumasok sa elevator kung saan sumunod rin ako agad. Nakakatakot siya sa lagay niya ngayon. Mas gugustuhin ko pang makita ang seryoso niyang mukha keysa yung ganitong wala siyang emosyon, dahil hindi ko mabasa kung ano ang sunod niyang gagawin.
Bumukas naman ang elavator sa parking lot. Naunang bumaba si Alfieri na tahimik at kinakabahan ko lang sinusundan.
"Tch. Damn!" Mabilis akong umatras ng nagmura siya at isinuklay ang kamay sa nakaayos na buhok.
Nababaliw na ata siya... Tatakbo na ba ako?
"Alfieri..." Tawag ko dahilan para mabaling sa akin ang atensyon niya. Sabi ko na nga ba dapat hindi ko na lang siya tinawag. Mas lalo tuloy dumoble ang kaba ko!
"Anderson, look..." Mariin siyang pumikit bago muling dumilat. Ngayon ay medyo kalmado na ang mata nito. "About your hand... I... I'm sorry. I didn't mean to do that. I'm really sorry."
Maamo at sinseridad siyang humingi ng tawad. Surely, once in a blue moon lang ata makikita ang ganitong side ni Alfieri kaya hindi ko mapigilang hindi mapangiti.
"Okay lang to. Bukas wala na naman ito." Ngiti ko. Tumango naman siya bago dumiretso sa kaniyang kotse at binuksan ang upuan sa tabi ng driver's seat.
Papasok na rin sana ako roon nang mabato ako sa tapat nito.
Arf! Arf!
"Woooooow! It's a puppy!" Kuha ko sa puppy na nakaupo sa shotgun seat. Hala! Ang cute niya! Color white na may black sa bandang mata. "Sayo ba ito? Ang cute naman!"
"Actually, that's for you." Iwas niya ng tingin.
"Talaga?"
"Yes... It's a sorry present." Yinakap ko yung puppy at mas pinakatitigan si Alfieri. "About yesterday, I didn't mean to say those words."
Yung sinabi niya siguro pagkagaling ko ng Pampanga ang tinutukoy niya... Naghintay pa ako ng sunod niyang sasabihin pero wala na. Basta na lang siyang sumakay sa driver's seat at binusinahan ako.
"Get in!"
"Anong aso ito?" Tanong ko pagkasakay palang sa loob.
"It's a teacup pomeranian husky." Sagot ni Alfieri. Nilingon ko naman siya at mukhang bumalik na naman siya sa pagiging serious-freak.
"Ahm... Thank you." Sabi ko na lang.
Arf! Arf!
Ayyy! Ang cute talaga niya! Ano kayang pwedeng itawag rito?
"May pangalan na ba siya?" Basag ko sa katahimikan.
"None."
"Ahh. Ako na lang magpapangalan... Ano kaya?"
Hanggang makauwi kami ay wala akong naisip na ipangalan sa puppy. Wala kasi akong maisip na maganda o yung babagay sa kaniya. Pagkaakyat naman sa taas ay huminto muna ako at nagsalita bago pa man makapasok sa kaniyang kwarto si Alfieri.
"Salamat ulit. And good night, Alfieri." Sambit ko at akmang papasok na sa aking kwarto nang magsalita siya.
"Levius."
"H-huh?"
"Call me Levius, Amber." Sabi ni Alfieri bago pumasok sa kaniyang kwarto.
Napahawak naman ako sa aking puso ng kumabog iyon. Geez! Nababaliw na rin ata ako.
Arf!arf!
"Mukhang alam ko na papangalan sayo." Ngiti ko sa hawak kong puppy.
Sinarado ko na ang pinto at hinubad ang aking heels bago binaba yung puppy sa kama.
"Tatawaging kitang L. Yun ang pangalan mo ha! L!"
Arf! Arf!
BINABASA MO ANG
Suits And Guns
ActionONCE FORGOTTEN. TWICE BETRAYED. THE DEADLIEST WILL COME BACK. Highest rank #25 in Action Mrs Anderson made a deal with Alfieri, a mafia boss, to secure her daughter's safety-Amber Anderson. Hindi man naging maganda ang pagkikita ni Alfieri at Amber...