CHAPTER 28
THE BLACK ENVELOPEMatapos makuha ang 'hot pink' kong Ferrari enzo car ay bumalik na ako sa aking condominium upang magpalit ng damit at pakainin si L. Iniwan ko naman siya sa may sala kung saan naglagay ako ng dog food at inumin sa bowl bago ako umalis papuntang Pampanga. Hindi rin naman naging gano'n katraffic kaya naging madali ang byahe ko at nakarating rin sa aking destinasyon ng hapon. Pasado alas dos.
"Amber!" Bungad ni Ate Kath sa akin na agad kong ginantihan ng ngiti.
"Good afternoon po."
"Pasok ka sa loob. Nando'n yung files ni Meiyra." Aya niya sa akin.
Pagpasok sa loob ay wala si lola roon na siyang tumatawag sa akin ng Tracy. Natutulog siguro o kaya may pinuntahan. Dumiretso naman ako sa sofa kung saan sa lamesa sa harap nito ay isang itim na envelope.
"Iyan yung files ni Meiyra. Kaya pala hindi mahanap ay dahil nakatago sa kwarto ni nanay. Nakita ko iyan kahapon ng gabi habang naglilinis ako roon." Paliwanag ni ate Kath.
Kinakabahan ko namang inilabas sa envelope yung mga papel sa loob nito at unang bumungad sa akin ay ang maliit na picture ni Meiyra. Kulay pula ang buhok nito na medyo may pagkaorange—parang apoy. Mahaba rin ang bangs nito na halos matakpan ang walang buhay niyang mga mata. Diretso rin ang mga labi nito na animo'y ang pag ngiti ang pinakamahirap gawin. Napangiti naman ako sa aking nakita. Sa bahay ay may larawan ako noong 13 taon gulang ako at ganito rin ang ayos ng buhok ko. Kulay pula at may mahabang bangs. Tinignan ko naman yung iba pang info na nakasulat.
Name: Meiyra
Middle name: N/A
Surname: N/A
Birthday: February 5, 1998
Mother's name: Tracy
Father's name: N/A
Year transferred to THC: 2006Mariin akong napapikit. Kaya ba tinatawag kong Tracy ng nanay ni ate Kath dahil ako nga si Meiyra? Dahil kamukha ko ang totoo kong ina?
"Ano pong nangyari bakit napunta rito si Meiyra?" Tanong ko na siya namang ikinagiti ni ate Kath. Mapait na ngiti.
"Si Tracy yung mama niya. Madalas iyong magpunta rito sa orphanage noon kasama ang anak niya. Siya yung pinakamalaking sponsor namin rito noon kaya sa kaniya ipinagalan ang orphanage. Sa pagkakaalam ko nga ay isang private detective si Tracy at huli niyang naikwento sa akin noon ay ang paglutas niya sa kaso ng drugs. She is a smart woman. Always curious. Always hardheaded." Kwento niya.
Umayos naman ako ng upo at ipinatong ang baba ko sa aking palad habang ang siko ay nakapatong sa tuhod. Gusto kong marinig ang lahat ng sasabihin niya. Gusto kong malaman ang mga impormasyon sa aking pagkabata.
"Pero isang araw nagulat kami nang hindi pumunta si Tracy sa annual party ng orphanage. Mahal na mahal niya ang mga bata roon katulad ng pagmamahal niya sa kaniyang anak at kahit kailan hindi siya umabsent sa mga event rito, kaya naisipan kong magpunta sa bahay niya sa Maynila. It took me a lot of time bago ko nahanap ang bahay niya sa isang village pero ang mas ikinagulat ko ay ang bumungad sa akin roon."
"Bukas ang bahay niya. Magulo sa sala. Hinanap ko roon si Tracy hanggang sa maisipan kong umakyat sa taas."
Huminto si ate Kath bago binasa ang labi nito. Ilang beses pa siyang napalunok at nagtankang magsalita ngunit walang lumalabas na boses sa labi niya.
"Okay lang po ba kayo?" Alala kong tanong.
Tumayo siya upang dumiretso sa kusina. Pagkabalik naman ay may hawak na itong dalawang baso. Uminom siya at gano'n rin ako, marahil ay nanunuyo na ang kaniyang lalamunan.
"S-sa taas." Patuloy niya, ngunit halata ang panginginig ng boses.
Kahit ako ay di mapigilang hindi kabahan sa kaniyang kwento. Ano bang meron at hindi niya iyon maituloy?
"Sa... Taas. Sa kwarto niya ay nakita ko silang d-dalawa. Si Tracy at Meiyra. Pareho silang duguan p-pero si Tracy, siya lang ang may tama ng mga baril sa dibdib. P-patay na siya nang makita ko at mas lalong nagpalumo sa akin ay ang estado ni Meiyra. Yakap niya ang kaniyang ina. Mahigpit niyang yakap ito kahit na naliligo na siya sa sariling dugo ng ina. Hindi siya nagsasalita. Hindi siya umiimik nang kausapin ko siya, ni ayaw niya ring iwan ang ina nang subukan kong kunin o kahit ng mga pulis na dumating. Nung araw na iyon ay napili naming dalin sa orphanage si Meiyra upang may magbantay sa kaniya, pero simula rin ng araw na iyon ay hindi namin siya nakitang umiyak o nagsalita man lang. Nanatili siyang tahimik at walang buhay. Walong taon pa lamang siya noon at hindi kinaya ang lahat."
Napakagat ako sa aking kuko sa narinig. My mom was killed and I was there. A witness.
"Nakita po ba yung suspek?"
"Hindi. Hindi nabigyan ng hustisya ang kaniyang pagkamatay. Kahit na sabihin ring nandoon si Meiyra nang patayin ang ina ay hindi maipagkakailang natrauma ang bata at hindi makapagsalita." Sagot naman niya bago uminom ulit ng tubig.
Tipid naman akong ngumiti at nagpasalamat kay ate Kath. Malungkot akong lumabas ng orphanage at sumakay ng aking kotse, ngunit bago pa man din ako umalis ay dumaan ang isang sasakyan na tumigil sa tapat ng orphanage. Mula naman roon ay lumabas si Lance na mabilis na namataan ni ate Kath.
"Lance! Mabuti't napadalaw ka. Limang buwan simula nang huling dumalaw ka rito. Nahanap mo ba si Meiyra? Alam mo may babaeng naka—" mabilis kong inikot ang manibela at tinapakan ang gas pedal para makaalis roon.
Anong ginagawa ni Lance sa orphanage? Bakit niya hinahanap si Meiyra? Kilala na—
Napakunot ang aking noo habang nagmamaneho nang may maalala ako.
"ano itsura nung lalaki?"
"matangkad po, ma'am. Hihihi, tapos maputi, gwapo at blond yung buhok."
"okay, salamat." sabi ko na lang bago dumiretso sa elevator. Sino naman yung lalaking iyon? Wala naman akong ibang kilalang lalaki na blond ang buhok.
Tinignan kong mabuti yung bulaklak upang tignan kung may nakaipit na card dito at hindi nga ako nagkamali. Isang maliit at kulay itim na sobre ang nakasuksok sa nag iisang puting rosas. Habang nasa loob naman ng elevator ay kinuha ko na iyon at binuklat.
Finally, nakita rin kita.
Sumilay ang malawak na ngisi sa aking labi bago binilisan ang pagmamaneho. Makakapaghintay pa naman siguro ang aking mga tanong ng mga ilang oras pa. At isa pa, mas maganda kung sosorpresahin ko si Lance. He knows me from the start. Kaya aalamin ko lahat ng nalalaman niya tungkol sa akin. Mahalaga man o hindi, aalamin ko ang lahat tungkol sa tunay kong pagkatao.
Pagkarating sa condo ay sinalubong naman ako ni L na kinakagat yung carpet.
"No, L! Huwag yan!" Pigil ko sa kaniya bago ko siya dalhin sa aking kwarto.
Madilim na rin sa labas nang igilid ko ang kurtina ng aking veranda binuksan ko naman iyon at lumabas ng verandah pero agad ko ring sinara para hindi makasunod si L.
"Be good, L. May importanteng gagawin lang ang amo mo." Ngiti ko at tumahol naman siya pabalik.
BINABASA MO ANG
Suits And Guns
ActionONCE FORGOTTEN. TWICE BETRAYED. THE DEADLIEST WILL COME BACK. Highest rank #25 in Action Mrs Anderson made a deal with Alfieri, a mafia boss, to secure her daughter's safety-Amber Anderson. Hindi man naging maganda ang pagkikita ni Alfieri at Amber...