"Levius!" Tawag ko sa kaniya upang mapigilan kung ano man ang sunod niyang gagawin.
Dahan-dahan ay lumingon si Levius sa aking kinaroroonan habang unti-unti niya ring ibinaba ang hawak na baril. Ang guard naman na nasa gilid nito ay hinimatay na sa labis na pagkagulantang sa pagbabanta ni Levius.
"Anderson." Seryosong sambit niya at tinalikuran ako.
Buntong hininga na lamang ang aking nagawa bago nagmamadali siyang sinundan. Mabilis naman siyang nakarating sa kaniyang kotse na nakapark sa labas ng school pero bago pa man din siya makapasok roon ay hinarangan ko na siya.
"Sorry. Kanina ko lang nabasa ang text mo. I fell asleep. Tapos ay nagpraktis pa kami para sa foundation day." Kunot noo kong sabi.
'Teka nga! Bakit ba kasi ako nagso-sorry sa kaniya?'
"Get inside." Seryoso pa rin niyang sabi kaya wala akong nagawa kundi tahimik na umikot sa kabilang side at pumasok roon.
Tiim bagang naman na nagsimulang magmaneho si Levius habang hindi man lang ako tinatapunan kahit na katiting na tingin.
"You're mad." Basag ko sa namumuong katahimikan.
Hindi naman siya sumagot at patuloy lang siya sa pagmamaneho. Hindi ko alam kung bakit pero nagi-guilty ako dahil baka nagagalit siya dahil napakatagal niyang naghintay o dahil hindi man lang ako nakapagreply, at sa parehong pagkakataon ay naiinis ako dahil ayaw niyang magsalita.
"Sorry na nga e." Simangot ko at napili na lang ipikit ang aking mga mata.
Mabilis pa sa kidlat ay napadilat ako ng mata nang marahas na tumigil sa tabi ang kotse. Nilingon ko naman si Levius. Madiin ang namumutla nitong kamay na nakakapit sa steering wheel, tiim bagang rin siyang nakatingin sa harapan habang sa tingin ko'y nag ngingitngit ang mga ngipin. Ng mga oras na iyon ay napili ko na lamang manahimik upang hintayin siyang kumalma at magsalita— mahirap na! Baka ako pagbuntungan ng galit nito at pasabugan ng ulo. Duh!
"Never do that again." Panimula niya sa mababaw na boses na siya namang ipinagtaka ko.
"Ang alin?"
"I was worried." Hindi niya pagsagot sa tanong ko. "I thought something bad already happened to you. Damn! I was about to kill that guard for not letting me in!"
"Edi buti na lang pala mabilis akong tumakbo at napigilan ka pa sa gagawin mo." Taas kilay kong sabi.
Hindi naman na lumingon si Levius, bagkus ay tumango na lamang siya at nagsimula na muling magmaneho. I think we're back to the silent and serious mode. Ano pa bang aasahan ko sa kaniya? Eh halos nasa dalawa o tatlo lang ata ang alam niyang ekspresyon. Freak talaga.
"Saan pala tayo kakain?" Tanong ko.
Nagugutom na rin kasi ako at kanina pa kumakalam ang aking sikmura. Balak lang yata ako nitong gutumin para gumanti sa nangyaring paghihintay niya ng matagal e!
"We're close. Just bear with it. If you hadn't been late for an hour then we might be already eating." Straight face niyang sagot.
Buong byahe tuloy ay nakasimangot lang ako habang nakasilay sa bintana ng kotse. Medyo madilim na rin sa labas ngunit may mga ilaw naman sa mga poste at sa mga bukas pang establishimento. Maya-maya lang din matapos ang mahabang paghihintay ay tumugil kami sa tapat ng mamahaling restaurant—isang italian restaurant na sa tingin ko naman ay sarado. Wala kasing ilaw at mukhang wala na ring tao sa loob. Sa sobrang tagal siguro namin ay nagsara na ito, ngunit bumaba pa rin ng sasakyan si Levius at ang bwisit hindi man lang ako pinagbuksan ng pinto.
"Hurry up." Utos niya pa.
I rolled my eyes while mentally killing him. He is such a gentleman and please!— note the sarcasm.
"Sarado na naman ata diyan." Hawak ko sa aking tiyan nang kumulo ito.
"Let's go."
"Sarado na nga oh. Huwag mong sabihing magnanakaw tayo ng pagkain diyan sa loob?"
"I said let's go." Pagpupumilit naman niya bago ako hawakan sa kamay at hilahin.
Napatitig naman ako sa kamay naming magkahawak na ngayon habang naglalakad. Bigla tuloy bumilis ang tibok ng puso ko na siyang ikinagulat ko. Shocks! Mas malakas pa yata ang tunog nito keysa sa tunog ng aking sikmura. Umangat naman ang aking mata kay Levius na patuloy ang paghila sa akin papunta sa glass door ng italian restaurant. Sa di inaasahang pagkakataon naman ay biglang bumukas iyon at halos mapatalon ako sa gulat nang bumungad sa amin ang isang waiter na may hawak na kandelabra.
'Brown out ba at wala silang generator?'
"Good evening, Sir Alfieri and Ma'am Anderson." Yuko nung waiter at iginaya kami papasok.
Namangha naman ako nang tuluyan na kaming makapasok. Madilim nga sa loob pero hindi dahil sa brown-out. Lahat kasi ng madadaanan namin ay bigla na lang may bubukas na maliliit na ilaw sa sahig. Hanggang sa makarating kami sa table ay medyo nagliwanag na ang buong restaurant dahil sa mga bumbilyang ilaw sa sahig. Nilibot ko naman ng tingin ang kabuuan ng restaurant, malaki ang loob at medyo modern ang design, napakarami ring vacant seats kaya naisip kong kami nga lang talaga ang tao sa loob.
"I rent the whole place for us." Sagot ni Levius kahit hindi pa ako nakakapagtanong.
"Dapat hindi mo na ginawa yun."
"You don't like it?" Bahagyang kumunot ang kaniyang noo.
"No!—I mean, I love it! Pero hindi ka na dapat gumastos ng ganto para lang sa dinner." Pangangatwiran ko naman.
Natigil naman siya sa dapat niyang sasabihin nang dumating ang MGA waiter at naghain ng pagkain at wine sa aming table. Saktong pag-alis nila ay muling nagsalita si Levius.
"I want this to be special. It's a dinner date, after all."
Dinner... WHAT?! Napainom ako ng tubig ng wala sa oras dahil sa narinig. Date?! Oh my gosh! May pagtingin ba sa akin ang gwapong nilalang na ito?!
"Thirsty? You already finished your drink but you haven't eaten yet." Pansin niya sa akin.
"Ah... E... Oo, hahaha, nauhaw ako bigla." What the hell! Ikaw kasi pinagwawala mo na naman ang puso ko! "Kain na tayo?"
Natapos ang aming pagkain ng walang imikan. Paano ba naman kasi ako iimik o magsasalita kung naiilang ako sa aking kasama. Habang kumakain kami ay sa akin lang siya nakatitig na animo'y bigla akong mawawala, samantalang ako tinignan na lahat ng sulok ng restaurant wag lang siyang makita.
"Thank you." Sabi ko nang matigil ang sasakyan sa tapat ng aking condo.
"Wait."
Nilingon ko si Levius nang pigilan niya ako sa pagbaba. Kagaya kanina sa restaurant ay nakatitig lamang siya sa akin, pero ngayon ay hindi ako nagtankang umiwas ng tingin. Sino nga bang mapapaiwas kung nasa harap mo na ang nakangiting si Levius; kung nasa harap mo na ang pinakamagandang ngiting nasilayan mo sa buong buhay mo. Halos higitin ko ang aking hininga habang nakatingin sa pisngi niyang may dalawang dimples. Gusto kong himatayin. Gusto kong tumalon sa rooftop, at gusto kong iuntog ang aking ulo sa windshield para lang malaman na hindi ako nananaginip.
"Good night, Amber."
Bumukas sara ang aking bibig pero walang boses na lumabas roon. Sa pagkataranta ko tuloy ay tumango na lang ako at nagmadaling bumaba ng sasakyan. Dali-dali rin akong pumasok ng building at umakyat na aking unit. Sa loob ay naabutan ko sila Cole at si L na natutulog sa sofa.
"Good evening, Ms Anderson." Bati nila sa akin. "Okay lang ho ba kayo?"
"B-bakit naman?" Gulat kong tanong.
"Napakapula po ng inyong mukha." Sagot ni Cole na siyang ikinahimatay ko.
***
Early update :)
Well? Anong masasabi niyo sa chapter na to?
-pinkiepurpy
BINABASA MO ANG
Suits And Guns
ActionONCE FORGOTTEN. TWICE BETRAYED. THE DEADLIEST WILL COME BACK. Highest rank #25 in Action Mrs Anderson made a deal with Alfieri, a mafia boss, to secure her daughter's safety-Amber Anderson. Hindi man naging maganda ang pagkikita ni Alfieri at Amber...