🔫chapter 9: HIS EYES

2.1K 63 0
                                    

CHAPTER 9
HIS EYES

Ipinosas ang dalawa kong kamay bago ako isinakay sa police car katabi si Z na nakapikit na ang mga mata at mukhang wala ng malay. Napatitig naman ako sa kaniyang mukha at kahit nikatiting na pagsisisi ay walang akong maramdaman. Bakit gano'n? Dapat ay nakokonsensiya ako sa aking ginawa o sadyang na-amaze lang ako sa aking ginawa dahil di ko akalaing ganun pala ako kagaling?

"Tara na. Nahuli na ang lahat kaya dalhin na natin sa presinto ang mga gangster na ito!" Sigaw nung pulis na nasa tabi ko lang. Kailangan niya ba talagang isigaw yun at isa pa:

"Hindi ako gangster," matabang kong sabi. Umandar na yung police car at mula naman sa rearview mirror ay kita ko ang pag ngisi nung driver.

"Wag ka ng mag deny. Kabisado na namin yang pagsisinungaling ninyo." Sabi ng katabi kong pulis habang umiiling iling pa.

"Hindi naman talaga ako gangster. Nadawit lang ako doon dahil napadaan ako." Paliwanag ko naman.

"Syempre yan ang sasabihin mo para pakawalan ka namin, sa presinto ka na lang magpaliwanag kung gusto mo." Napasimangot ako. Sa pagkakaalam ko mukha naman akong disente sa hitsura ko ngayon at hindi mukhang gangster para mapagkamalan na isa.

"Bahala kayo kung ayaw niyong maniwala." Irap ko sa kanila.

***

Pinayagan ako ng mga pulis na tawagan kung sino man ang maaari kong tawagan at hanggang ngayon ay nakatayo pa rin ako sa harap nila habang nakatingin sa screen ng aking cellphone. Alas onse na ng gabi at siguradong tulog na ang nag iisang taong alam kong mahihingan ko ng tulong. Si Alfieri... Kapag tinawagan ko naman si Diana o Jackie panigurado ay mabibingi ako sa sermon nila at paniguradong makakarating iyon kay mommy.

"Ano ba?! Titigan mo lang ba ang cellphone mo? Aba hindi iyan tatawag mag isa kung hindi mo pipindutin!" Sigaw nung pulis sa akin. Sa inis ay pinindot ko ang number ni Alfieri bago kinakabahang inilapit sa aking tenga ang cellphone, pero sa di inaasahang pagkakataon ay isang ring palang ay sinagot na niya ang tawag.

"What do you need at this hour of night, Anderson?" Malamig niyang bungad dahilan para mapalunok ako.

"g-good eve, hehehe." blast! Ang galing mo talaga, Amber! Napakaganda ng iyong sagot!

"What do you need?" Pag uulit ni Alfieri sa mabagal at may diin na pananalita.

"N-nasa presinto ako, hehe." Ngiwi ko.

"And what are you doing there?"

"ah...e... Kasi... Basta! Tulungan mo na lang akong makalabas dito!" Histerical kong sabi. "plea-" assdgfjk! Binabaan ba naman ako ng tawag!

Naupo ako sa malapit na bench at doon humalumbaba. Mukhang wala namang balak si Alfieri na puntahan o ilabas man lang ako dito. Hindi niya nga tinanong kung saang presinto ako dinala at basta basta nalang pinatay ang tawag.

"Tapos ka na? Bumalik ka na doon sa selda mo!" Sumunod naman ako sa kaniya at pinasok nila ako sa temporary cell upang doon maghintay ng maglalabas sa akin, pero mukhang wala na akong pag-asang makalabas ngayong gabi.

Nilingon ko naman yung mga kasama ko. Yung iba sa kanila namumukhaan ko dahil sila yung humarang sa akin kanina ng sinubukan kong tumakas mula kay Z, kasama ko rin sa loob si R at yung iba niyang member at ang grupong Tornado. Sinamaan ko sila ng tingin at sabay sabay silang umatras palayo sa akin. Napairap na lang ako sa inasta nila at naupo sa malamig na selda habang nakahawak sa malamig at nangangalawang nitong rehas. Kalahating oras pa akong naghintay hanggang sa nalowbat na ang cellphone ko kakalaro ng games ay walang kahit na sino ang pumunta. Wala...wala... Wala! Nakakainis! Ginulo gulo ko ang aking buhok na parang isang baliw at nilingon ang mga kasama ko sa selda.

"Kasalanan niyo to!" Sigaw ko sa kanila at kaniya-kaniya naman sila ng iwas ng tingin at siksik sa pinakasulok ng selda.

"Aish! Itigil niyo nga yan para kayong mga baliw!"

"Hoy! Itigil mo na yang pagsigaw! Andito na yung sundo mo!" Palo ng pulis sa rehas kasabay ng paglawak ng aking ngiti.

Binuksan niya ang selda at pinalabas na ako roon. Nakangiti naman akong naglakad palabas ngunit agad iyong nawala ng makita ko ang seryoso at tiim bagang na mukha ni Alfieri. Hindi siya nagsalita habang may isinusulat sa papel sa kaniyang harapan, matapos iyon at binigay niya ito sa pulis na nakaupo sa likod ng lamesa na mukhang natatakot na rin sa kaniya.

"Malaya ka na, Anderson." Sabi sa akin nung pulis. Agad naman akong sumunod kay Alfieri na nauna nang naglakad palabas at tahimik na sumakay sa kaniyang kotse.

Tahimik lang kami buong byahe at isa pa inaantok na rin ako. Hatinggabi na at may pasok pa ako bukas kaya baka ilang oras na tulog lang ang magawa ko mamaya, buhay estudyante nga naman. Ipinikit ko ang aking mga mata upang umidlip muna nang magsalita si Alfieri. Asdffjkl! Nakakainis naman bakit ngayon pa kung kelan patulog na ako.

"Ano yun?" Inaantok kong sabi.

"That's the reason why your mother wants you to have a bodyguard," rinig kong sabi niya "because you're an immature girl getting involve in such a nonsense gang fights."

Napabalikwas ako ng upo sa kaniyang sinabi. Hindi ako immature at hindi ko na kasalanan kung nadawit ako sa street fight na iyon, sa simula't una palang naman ay dinamay lang ako ng Razor. Hindi ko na rin kasalanan kung sa eskinita ng dadaanan ko sila nagkagulo.

"Nadamay lang ako," mapait kong sabi, "At kung iniisip mo na ganster ako... Nagkakamali ka." Dagdag ko pa.

"Then why are you in the streets at such late night?" Nilingon ko si Alfieri upang tignan ang kaniyang mukha ngunit medyo madilim na at hindi ko na masyadong maaninag ang kaniyang ekspresyon.

"Naglakad lakad lang ako at nagkataon na sa daan sila nagkakagulo." Huminto na ang kotse sa tapat ng aking condominium.

"Salamat," sabi ko kay Alfieri at kasabay ng paglingon niya sa akin ay pagdaan ng sasakyan sa aming harapan na may malakas na headlight, dahilan para makita namin ng malinaw ang isa't isa.

Napatitig ako sa mga mata ni Alfieri. Ngayon ko lang napansin na may pagkakulay abo ito, parang napakalalim na dagat kapag gabi... Parang madilim na ulap kapag paparating ang isang bagyo. Mabilis na lumipad ang kamay ni Alfieri sa aking panga na siyang ikinagulat ko, hinawakan niya ito bago ipinilig ang aking ulo sa kabilang direksyon.

"A-ano bang ginagawa mo?!" Kinakabahan kong tanong.

"Does it hurt?" Out of the blue niyang tanong. Kumunot ang aking noo bago ko bawiin ang aking mukha.

"Anong ibig mong sabihin?"

"Your cheek, does it hurt?"

Napahawak naman ako sa aking pisngi at bahagyang gumuhit ang kirot dito. Ito yung parteng nasuntok kanina sa street fight at siguradong namamaga na ito ngayon.

"No," pagsisinungaling ko. "Thanks for asking, by the way."

Bumaba na ako ng kotse at tumakbo na papasok ng building para hindi mahalata nung guard ang namamaga kong pisngi. Nagmamadali naman akong pumasok sa aking kwarto at di na nag abala pang magpalit, agad akong nahiga sa kama at ipinikit ang aking mga mata, ngunit bago pa man din ako makatulog ay bigla na lang lumabas sa aking isip ang mga mata ni Alfieri.

"what the hell?"

Suits And GunsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon